Dear food establishments na nakakabasa nito,
Kumakain po ba kayo sa kainan ninyo?
Convenient po kumain sa labas. Hindi na kailangang mamalengke, magluto, maghain, magligpit at maghugas. At kung medyo maganda-ganda ang kainan, sigurado malamig dun dahil air-conditioned.
Kaya lang, ang problema po sa maraming mga kainan ay LANGAW!
Kahit saan ka tumingin may langaw.
Langaw sa mesa.
Langaw sa sahig.
Langaw sa upuan.
Langaw sa pader.
At syempre, langaw sa pagkain!
Alam po namin na ginagawa ninyong lahat para sumarap ang pagkain ninyo at para maging ligtas ang mga kumakain mula sa food poisoning.
Pero kung hindi ninyo kokontrolin ang mga insekto sa mga kainan ninyo, pwedeng magkasakit ang mga parokyano ninyo kung hindi ninyo gagawan ng paraan yang mga insektong yan.
Lalo na nga ang mga langaw.
Alam ng marami na nagdadala ng mga mikrobyo at sakit ang mga langaw. Pero marami pa rin ang langaw sa mga kainan sa labas. Kasi, wapakels ang maraming kainan kung magkasakit man ang mga kustomer nito o hindi. Pero pwedeng tinatamad din lang magbugaw ng langaw yung mga staff.
Kung tinatamad po kayong magbugaw ng langaw, narito po ang ilang suggestion na pwede ninyong gamitin:
1. Electric insect killer
2. Anti-insect scent repeller
3. Anti-insect sticky mat
4. Electric racket bug killer
5. Fly swatter
6. Flame thrower
7. Dinamita
Sigurado lang po, kung mababawasan ang mga insekto, lalo na ang langaw sa kainan ninyo, dadami ang mga customer ninyo (except po kung gagamit kayo ng dinamita).
Gumagalang,
RP
***************************************
Disclaimer: Ang mga larawan po sa itaas ay hindi akin. Photos above belong to their respective owners.
Categories: Halu-halo
panalo yung dinamita. instead of dynamite fishing dapat dynamite flying na lang ang gawin (korni)
oo, mas maganda nga pasabugin na lang nila yung kainan nila kung wala silang gagawin para sugpuin yung mga langaw 😀
ha ha ha ha ha
I guess the place is not airconditioned, the door is always open ( or maybe there’s actually no conventional door ). Flies are nasty. When we were there, we were fortunate to have eaten at places without flies flying around, even at open space restaurants.
wow, i want to know where that is. i haven’t been to any eating place here where there was not a single fly. even if it was inside a mall.