Mga Tips sa Paggamit ng Facebook

Marami sa mga may account ng facebook (FB) ang parang hindi marunong gumamit ng facebook. Narito ang ilang mga tips sa paggamit ng facebook. Para maging kaaya-aya ang iyong experience pati na rin para sa iyong mga friends.

virtual friends versus actual

Una sa lahat, balikan natin ang kasaysayan ng FB. Ito ay nilikha ni Mark Zuckerberg sa Harvard nuong 1997 para sa isang school project at nag-evolve sa isang exclusive dating website para sa mga estudyante ng Harvard at nag-evolve sa pagiging isang 100 million dollar social networking website na umaabot na sa mahigit 1 billion users worldwide!

Whew, OKAY!

Well, wala naman talaga tayong pakialam kung sino mang Pontius Pilate ang umimbento ng FB at kung bakit niya ginawa ito.

Ang importante sa atin eh merong FB!

Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig tumambay sa social media at ang FB ay isa sa mga pinakapopular na tambayan natin.

Unfortunately, kapag nag-login ka na sa FB, magkakanda-shock ka sa intimate information na pino-provide ng ilang mga users na hindi natin kilala at wala tayong koneksyon whatsoever.

Ilan sa mga nakita ko nang FB accounts ay kaya ko na siya gawan ng biography base lang sa dami ng impormasyong nakasiwalat sa buong daigdig na matatagpuan sa kanyang FREE FOR ALL TO SEE (!!!) na FB account.

So, heto ang ilang tips para bigyan naman ng konting privacy ang iyong online presence sa FB universe.

1. I-categorize ang iyong mga kaibigan

categorizing friends on fbAminin mo man o hindi, hindi mo naman talaga friend lahat ng friend mo sa FB. Kaya magiging wise para sa ‘yo kung i-categorize mo ang iyong mga friends. Madali na itong gawin sa FB ngayon.

I-categorize mo ang iyong mga family, close friends, acquaintances, classmates, church friends, co-workers, etc., etc., etc.

Hindi nila malalaman kung saang category mo sila inilagay kaya hindi mahu-hurt ang feelings nila kung hindi mo naman pala sila itinuturing na close friend kahit na close friend ang turing nila sa iyo πŸ˜€

2. Gamitin ang privacy settings

changing the fb privacy setting

Duon sa privacy settings mo maise-set kung sino ang mga pwedeng makakita sa profile mo. Hindi naman kasi komo may FB account ka eh ibubuyangyang mo na ang buong pagkatao mo sa buong daigdig ng laksa-laksang FB users.

Pinoproteksyunan ng privacy settings ang mga impormasyong available sa iyong account mula sa mga taong hindi nakakakilala sa iyo o hindi mo friend sa FB.

Pino-proteksyunan din nito ang profiles ng mga kaibigan mo sa FB para huwag makita ng ibang mga tao na wala namang kaugnayan sa inyo.

Unless na exhibitionist ka lang talaga at walang pakialam kung sino man ang makakita ng birthday, school, occupation, famiy members, address, telephone number at mga pictures mo eh hala sige larga lang. Sundin mo ang loob mo.

Wag ka lang magtaka kung balang-araw eh merong gumawa ng duplicate account mo at nagpo-post ng kung anu-anong kahindik-hindik na bagay patungkol sa ‘yo.

3. Gumamit ng alias

change name on fbOkay lang gamitin ang totoong pangalan para sa iyong profile sa FB para madali ka hanapin ng mga taong matagal ka nang walang connection with.

Pero maganda rin minsan na gumamit ng alias para proteksyon sa kabaligtarang dahilan. Para huwag kang makita agad ng mga taong humahanap sa iyo.

Ok na rin minsan yung totoong mga kaibigan mo lang ang nakakaalam sa profile account mo sa FB. That way, hindi mo na kelangan pa i-maintain ang pag-update sa category ng mga friends mo sa FB kung friend mo naman talaga sila lahat.

So kung gusto mong umiwas na ma-add ng mga taong ayaw mo maging friend sa FB, gumamit ng alias. Pero pag may nag-add pa rin naa ayaw mo maging friend sa FB, meron namang ignore. Meron ding block.

4. Huwag gamitin ang totoong picture

change fb profile picAgain, para lang lituhin ang mga hindi mo totoong kaibigan, huwag gamitin ang totoo mong picture para hindi ka agad i-add ng mga hindi mo kilala o ayaw mong maging friend sa FB.

When all else fails, merong ignore at block.

5. Piliin kung sino ang mga makakakita sa iyong mga post

choose who sees fb postMinsan hindi naman komo kaibigan mo eh ok lang na makita n’ya ang iyong mga post. HIndi rin naman lahat ng post mo eh gusto mong makita ng nanay mo.

Sa bagay na ito, dalawa lang ang pwede mo gawin: una, don’t post it in the first place. Pangalawa, kung di mo talaga matiis na huwag mag-post, piliin mo na lang kung sino ang mga makakakita ng post mong iyon.

Dito nakakatulong ng malaki kung naka-categorize ang mga friends mo sa FB.

6. Huwag mag-post ng picture ng loob ng inyong bahay

Dahil baka meron kang former classmate na kasalukuyan nang miyembro ng Akyat-Bahay Gang at pagnasaan ang inyong 42 inch flat screen tv. Mabuti na ang maging paranoid pero safe.

7. Huwag mong ilagay lahat ng detalye ng iyong pagkatao

Kung tinatamad kang mangutingting ng mga category-category, privacy-privacy setting ek-ek na yan, gawin mo na lang minimal ang impormasyon na inilalagay mo sa iyong FB profile.

Hindi ka naman naga-apply ng trabaho at hindi naman bio-data ang FB. Kaya hindi na importanteng isulat mo pa ang buong birthday, educational background, working experience at detalye ng mga dependents mo sa FB.

8. Huwag tanggaping friend ang hindi mo kilala

Para hindi ka mabiktima ng akyat-bahay at/o mga identity thieves at ayaw mo naman ayusin yung settings ng FB mo, i-add mo na lang na friend sa iyong FB ang mga totoo mong kaibigan.

Isama mo pa ang pamilya, mga kamag-anak, mga best-friend classmates at mga katrabaho mo, ok na yung may 20 kang friends sa FB.

Aanhin mo naman kasi yung 1500 friends sa FB? Buti sana kung namimigay ng pera si Mark Goldberg depende sa dami ng friends mo sa FB.

9. Huwag mag-share ng mga chain post na may sumpa, mapapanalunan, mala-himalang pagpapala o may kung anu-anong pagbabanta

Bukod sa good manners and right conduct ang hindi pag-send ng mga chain posts (na dating chain email, na dating chain letter), pinipigilan din nito ang mga spammers na mangolekta ng mga account ng FB users.

Ginagamit ng mga spammers ang mga nakokolektang user accounts para magpakalat ng spam advertisements or worse, destructive na mga digital virus.

At huwag kayong maniwalang mamimigay si Bill Gates o si Mark Gutenberg ng kanilang salapi dahil shinare ninyo yung post nung kung sinumang hinayupak na nagpapa-share ng post.

10. Observe Internet Etiquette: Think before you post

Okay, so walang kinalaman ito sa iyong online safety pero na-compel akong ilagay ito dahil alanganing tapusin ko ang listahan sa number 9 (bitin ‘di ba?). Gusto ko lang ipaalala na iba-iba tayong tao na may kanya-kanyang damdamin at kanya-kanyang pananaw sa buhay.

Kung gusto mong ipagyabang ang pinakabago mong Louis Vitton na private jet, isipin mo sa na marami sa mga makakabasa ng post mo ang hindi kasing-pinagpala mo.

Kung gusto mong manlait ng tao, isipin mo muna sana na baka maka-offend ka ng isang batalyong tribo na kamag-anak pala nung lalaitin mo.

Ipagpalagay na natin na pinagpala ka sa maraming bagay dito sa ating daigdig at ikaw lang ang tama mag-isip at kumilos sa buong kalawakan, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para sabihin mo ang gusto mong sabihin kung kelan at kanino mo ito gustong sabihin.

Magpasalamat ka na lang sa ating Lumikha in private at huwag mo na lang ipangalandakanΒ ang iyong kayamanan, katalinuhan at kaperpektuhan.

think before posting on fb

think before even liking…

So hayan, nakatulong sana ang mga tips na ito para mas maging kaaya-aya ang iyong experience sa paggamit ng popular na social media site na ito.

Mag-ingat, maging responsable at huwag masyado magbabad online!

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , ,

7 replies

  1. “Well, wala naman talaga tayong pakialam kung sino mang Pontius Pilate ang umimbento ng FB at kung bakit niya ginawa ito.”

    Ang harsh, ha ha haaa!!! Anyway, good you came up with this. Matagal ko na ring gustong mag-post ng ganito. Will link to this. That image of the LIKE hand, though…he he…

    I would like to add something: If you’re logging into your accounts (FB, Twitter, etc.) sa computer/Internet shops, make sure to (1) unclick the “REMEMBER MY PASSWORD” box or button before clicking on the “LOGIN” or the “ENTER” button once you’ve typed in your password, and (2) NEVER FORGET TO LOGOUT from any account.

    These are the simplest ways bad people are able to see your more private details and “hack into” your account (samantalang no real hacking involved kasi kasalanan mo). Kasi pagbukas pa lang nila ng window, andun na agad and information mo o pasok na agad sa account mong di ni-log out.

    …’Yun lang pows πŸ˜‰

  2. Totoo yan. Lalo na nung election. Nakakasuya gumamit ng FB kaya puro Twitter, Flipboard, Pinterest, and Instagram lang ako nung panahon na yon. Ayoko din magbasa ng Philippine News non kaya di ko inoopen ang Newsstand na naka-default sa Philippines. Hehe

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: