Mga Masasamang Ugali na Gusto Nating Mawala sa mga Government Workers

Change is coming na daw. At narito ang isang aspeto ng Pamahalaan na gustung-gusto na nating mabago agad.

Kung ikaw ay nakapunta na sa munisipyo o sa anumang ahensya ng gobyerno para maglakad ng required na dokumento para sa kung anong dahilan, hindi na lingid sa iyong kaalaman ang basurang serbisyo ng maraming government workers.

corruption garbage

ginagawang basura ng corruption ang mga taong sinasapian nito… (faq.ph)

Narito ang ilan sa mga masasamang ugali nila na gusto na nating mawala:

1. Late dumating, maagang umuwi

Kapag pumunta ka sa munisipyo, para kumuha halimbawa ng sedula, o kahit na simpleng application form lang, dapat ay dumating ka nang maaga dahil maraming nagpupunta sa mga government offices para mag-asikaso ng mga dokumento.

Madali mag-build up ang dami ng tao kaya dapat maaga ka pumunta sa mga government offices para mauna ka sa pila.

Pero ang problema, may mga government workers na late mag-umpisa ng trabaho.

Kahit pumila ka ng alas-6 ng umaga, hapon ka na matatawag dahil kung 8am ang start ng trabaho sa munisipyo, 9am pa lang darating ang government worker. Tapos, pagdating n’ya, maga-almusal muna yun atsaka magme-make-up (kung babae) at makikipag-kuwentuhan muna bago magtrabaho.

Kahit yung sinasabing no 12 noon break ay hanggang sa poster lang makikita dahil yung ibang mga ahensya, 11:30am pa lang ay nagtatanghalian na at 1:30 na ng hapon bumabalik para magtrabaho.

Wala silang pakialam kung may taong naghihintay sa kanila o wala.

Dumadami lang ng dumadami ang tao pero hindi nababawasan dahil hindi nagsisimula sa tamang oras ang ilang mga government workers natin sa Pilipinas.

Naaaksaya rin ang oras ng mga pumipila kapag maagang umuwi ang government workers. Alas-5 ng hapon ang tapos ng trabaho, pero 4pm pa lang, uuwi na sila or magme-meryenda na lang at hihintayin na lang dumating ang 5pm na hindi na nagtatrabaho.

2. Barumbado, walang modo, walang respeto, bastos, etc.

Kapag sinita mo ang mga government employee sa reject nilang trabaho, sila pa ang galit. Wala silang pakialam kahit galing pa sa buwis ng aplikante ang sweldo ng mga government workers na ito.

May nakita na ako dati sa POEA na sinisigawan yung aplikanteng OFW. Nakarinig na rin ako ng masama magsalita sa DFA.

At kapag marami na ang mga tao, nagiging iritado agad ang ibang mga government workers. Magtanong ka lang sa kanila, galit sila. Makaka-encounter ka ng ganyan kahit saang ahensya ng gobyerno natin. Basura na nga yung serbisyo, basura pa yung pag-uugali ng maraming government worker.

3. Tamad at mahilig sa petiks

Minsan, nung umuwi ako sa Pilipinas para magbakasyon, kitang-kita ko ang dalawang immigration officer na walang pakialam sa napakahabang pila sa kanilang harapan. Kuwentuhan lang sila ng kuwentuhan. May kanya-kanya na nga silang booth, nagagawa pa nilang magkuwentuhan.

Ganun din kapag kumukuha ng OEC, yung mga nasa POEA, OWWA at Pag-IBIG, kuwentuhan lang ng kuwentuhan yung mga staff. Hindi nila binibilisan ang trabaho, daldalan lang sila ng daldalan.

Ganyan din sa mga munisipyo, mapa-Police Clearance o Mayor’s Permit ang kukunin mo, makikipag-daldalan muna yung government worker sa mga kasamahan niya bago ka asikasuhin.

4. Matakaw sa pera

Punta ka sa LTO o kaya sa Bureau of Customs o kaya sa pagbabayad ng amilyar sa lupa. Makikita mo duon na wala sa kung sino ang nauna sa pila ang unang inaasikaso.

Inaasikaso nila kung sino ang nagbigay ng suhol para unahin yung papeles nila. Kaya wag kang umasang matatapos agad sa nilalakad mo kung marami kang kasabay na nanunuhol.

5. Walang common sense

May mga government agencies talaga na hindi nag-iisip ng paraan para mapadali ang trabaho nila o para pagaanin ang buhay ng mga aplikante.

Sa ilang government offices kagaya ng SSS, NBI at LTO, hindi nila ibinibigay ang telephone number nila para ma-check mo kung available na yung papeles mo o hindi pa. Ang gusto nila, iwan mo yung trabaho mo, magbyahe ka papunta sa opisina nila at dun ka magtanong mismo kung available na yung inapply mong papeles na isang taon mo nang hinihintay ma-release.

Tapos papaghihintayin ka ng isa hanggang tatlong oras bago ka makapagtanong. Kung hindi pa nila natapos yung dokumentong nilakad mo eh di sori ka na lang.

Problema rin yung hindi sila naglalagay ng satellite offices ang ilang mga government agencies sa mga probinsya. Magbibyahe ka pa galing sa malayo papuntang Maynila para lang lakarin yung simpleng dokumento.

6. Hindi chini-check ang accuracy ng mga impormasyong ibinibigay ng aplikante

Yung mga government workers ang dapat nakaka-alam sa tamang laman ng application form na ipapapirma nila sa ‘yo pero may mga pagkakataon, hindi alam ng mismong mga government workers kung ano ang tamang impormasyon na dapat mong ilagay sa kanilang form.

Ganyan ang mararanasan mo sa Bureau of Customs at sa DENR kapag kumukuha ka ng permit. Minsan, kahit mali-mali ang ilagay mong impormasyon, makakakuha ka ng permit kasi hindi naman nila chine-check. Ang itsi-check lang nila ay kung nagbayad ka o hindi.

Hindi mo tuloy alam kung ano ang tamang dapat isulat dahil wala namang nagko-korek sa iyo at kahit magtanong ka sa kanila, iba-iba ang sagot nila.

Basurang ugali, basurang serbisyo.

Kung irereklamo natin lahat ng mga dispalinghadong government workers sa Pilipinas, at iisa-isahin natin silang ipatanggal, baka wala nang matirang government employee sa ating bansa dahil halos lahat ng government agencies ay merong mga government workers na basura ang pag-uugali at basura ang klase ng pagtatrabaho.

Pero gusto nila, taasan pa ang sweldo at mga benepisyo nila.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: