Lahat tayo ay nagkaroon ng pangarap sa buhay. Malaki man ang pangarap o maliit, marami sa atin ang naghahangad na may marating sa buhay.

Ilan sa atin ang nangarap na maging isang doktor, abogado, o marahil ay maging isang astronaut. Ang iba naman ay nangangarap na magsimula ng kanilang sariling negosyo, lakbayin ang buong mundo, o magpasimula ng mga pagbabago sa mundo. Anuman ang ating mga pangarap, mahalagang sundan natin ito. Ginagabayan tayo nito sa destinasyon na dapat nating marating at ito ang nagbibigay sa atin ng kabuluhan para mabuhay.
Ngunit dahil sa iba’t-iba at maraming kadahilanan, unti-unting naging mahirap para sa atin ang abutin ang mga itinakda nating pangarap. Maaaring naka-engkuwentro tayo ng mga hadlang, pagkontra, at panghihina ng loob na naging mahirap lagpasan. Minsan gusto na nating sumuko ng lubusan. Ang iba, ni hindi na sumubok lumaban.
Ngunit sa harap ng mga pagsubok, dapat nating tandaan ang kahalagahan ng hindi pagsuko sa ating mga pangarap.
Ang ating mga pangarap ang nagbibigay sa atin ng pag-asa. Kapag mayroon tayong isang bagay na dapat pagsikapan, ito ang nagbibigay sa atin ng pag-asa para sa hinaharap. Nagbibigay ito ng dahilan para bumangon tayo sa umaga at magpatuloy.
Ang ating mga pangarap ang nagpapasaya sa atin. Kapag nagsusumikap tayo para sa ating mga pangarap, ginagawa natin ang bagay na gusto natin. May gana tayong magpakapagod. Masigla tayong nagtatrabaho. Ito ang nagdudulot sa atin ng ibayong kagalakan at kasiyahan para harapin ang buhay.
Ginagawang mabuti ng pangarap ang ating pagkatao. Kapag hinahabol natin ang ating mga pangarap, natututo tayong magsikap. Napipilitan tayong sa kani-kaniya nating mga comfort zone at lumalago bilang mga produktibong miymebro ng lipunan. Natututunan natin ang mga bagong bagay, nakakatagpo tayo ng mga bagong tao, at hinahamon natin ang ating mga sarili na lagpasan pa ang kapasidad ng ating mga sarili.
Sa pamamagitan ng pag-abot ng ating mga pangarap ay nagbibigay din tayo ng inspirasyon sa iba. Kapag sinusundan natin ang ating mga pangarap, binibigyang inspirasyon natin ang iba na gawin din ito. Ipinakita natin sa kanila na posible ang anumang bagay kung itatakda natin ang ating isipan dito.
Kaya kung may pangarap ka, wag kang basta-basta lang susuko. Gaano man kahirap ang mangyari, magpatuloy ka lang. Panatilihin ang paniniwala sa iyong sarili at patuloy na magsumikap patungo sa iyong layunin. Hindi mo malalaman kung ano ang iyong makakamit kung hindi mo susubukan.
Narito ang ilang suhestyon para hindi ka agad sumuko sa pag-abot ng iyong mga pangarap:
Focus. Manatiling nakatutok sa iyong layunin.
Kapag nagkaroon ng aberya, maglaan ng ilang sandali upang paalalahanan ang sarili kung bakit nagsusumikap ka para sa iyong pangarap. Ano ang layunin mo para makamit ito? Ano ang magiging kahulugan sa iyo ng pag-abot ng iyong pangarap?
Forward. Gumawa ng mga maliliit na hakbang pasulong.
Huwag piliting gawin ang masyadong maraming bagay nang sabay-sabay. Hatiin ang iyong mga dapat gawin sa mas maliliit na mga bahagi at mas madaling tapusin. Gagawin nitong hindi gaanong nakakalula at hindi nakakatamad harapin ang mga dapat gawin. Hindi ito race, kundi isang marathon.
Find. Maghanap ng support system.
Palibutan ang iyong sarili ng mga taong naniniwala sa iyo at sa iyong mga pangarap. Maaari silang mag-alok ng panghihikayat at suporta kapag kailangan mo ito. Maaari itong pisikal o virtual support system. Kung hindi mo ka man makakita ng support system sa iyong paligid, maaari kang sumali sa mga socila media groups na may kaparehong goals na iyong gustong maabot.
Fail. Huwag matakot na mabigo.
Ang lahat ay nabibigo. Ang mahalaga ay kung paano tayo tumutugon sa kabiguan. Huwag hayaang masiraan agad ng loob. Matuto mula sa mga pagkakamali at magpatuloy sa pagsulong.
Farty! Ipagdiwang ang iyong mga tagumpay.
Kapag naabot mo ang isang milestone, maglaan ng oras upang ipagdiwang ang iyong accomplishments. Makakatulong ito sa iyo na manatiling motivated at magpatuloy sa pag-akyat hanggang sa tugatog ng tagumpay.
Ang pagsunod sa iyong mga pangarap ay hindi laging madali, ngunit tiyak na sulit ito. Kaya’t huwag sumuko sa iyong mga pangarap. Magpatuloy at huwag mong isuko ang iyong sarili.
Bilang motibasyon, narito ang 10 kilalang mga personalidad na hindi sumuko sa kanilang mga pangarap:
Si Walt Disney ay tinanggal mula sa kanyang trabaho sa isang pahayagan dahil sinabihan siya na “kulang sa imahinasyon at walang magagandang ideya.” Sa kabila nito, nagpatuloy siya hanggang sa malikha ang Walt Disney Company, isa sa pinakamatagumpay na kumpanya ng entertainment sa buong mundo.
Si Stephen King ay tinanggihan ng 30 mga publisher bago ang kanyang unang libro na “Carrie,” ay nailathala. Sumulat siya mula noon ng higit sa 50 mga libro, kung saan marami sa mga ito ay naging matagumpay na mga pelikula.
Si J.K. Rowling ay isang single mother na nabubuhay dati sa pamamagitan ng social welfare. Ang kanyang unang aklat na “Harry Potter” ay tinanggihan ng 12 publisher bago ito tuluyang nailathala. Ang seryeng Harry Potter ay nakabenta ng mahigit 500 milyong kopya sa buong mundo at ginawang isang matagumpay na franchise ng pelikula.
Si Oprah Winfrey ay lumaki sa kahirapan at naging biktima ng sexual abuse nuong bata pa. Siya ay tinanggal mula sa kanyang unang trabaho bilang isang news anchor dahil siya ay itinuring na “hindi karapat-dapat para sa telebisyon.” Kalaunan, siya ay naging isa sa pinakamatagumpay na talk show host at entrepreneur sa buong mundo.
Si Michael Jordan ay hindi pumasa vilang varsity para sa isang basketball team nuong nasa high school pa. Ngunit sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay, tinanghal si Jordan bilang isa sa mga pinakamahusay na manlalaro ng basketball for all times. Nanalo siya ng anim na kampeonato sa NBA kasama ang Chicago Bulls.
Si Albert Einstein ay lumaking isang mahirap na estudyante at hindi nakapagsasalita hanggang sa siya ay maging apat na taong gulang. Dalawang beses siyang tinanggihan ng Swiss Federal Polytechnic School bago siya tuluyang natanggap bilang mag-aaral. Si Einstein ay naging tanyag at isa sa mga pinaka-maimpluwensyang physicist ng ika-20 siglo.
Si Thomas Edison ay nabigo ng 1,000 beses bago niya naimbento ang bumbilya. Aniya, “Hindi ako nabigo. Nakahanap lang ako ng 1,000 paraan para hindi ito umubra.” Nagpatuloy siya sa pag-imbento ng maraming iba pang mahahalagang bagay, kabilang ang phonograph at ang motion picture camera.
Si Manny Pacquiao ay isinilang sa isang mahirap na pamilya sa lalawigan ng Bukidnon at lumipat sa Maynila sa edad na 16. Nagsimula siya sa boksing bilang isang paraan upang kumita ng pera at naging isang propesyonal na boksingero noong 1995. Nanalo siya ng kanyang unang world title noong 1998 at nagpatuloy hanggang sa naging tanging eight-division world champion sa kasaysayan ng boxing.
Si Efren “Bata” Reyes ay ipinanganak sa lalawigan ng Pampanga at natutong maglaro ng billiards sa palaruan ng kanyang tiyuhin sa Maynila. Nakilala siya sa kanyang husay at trick shots. Nanalo siya sa kanyang unang internasyonal na torneo noong 1983 at nangibabaw sa isport sa loob ng maraming mga dekada. Siya ay itinuturing bilang greatest pool player of all time at nanalo ng higit sa 100 mga titulo, kabilang ang World Nine-ball Championship at ang World Eight-ball Championship.
Si Hidilyn Diaz ay ipinanganak sa Zamboanga City at lumaki na gustong maging isang bangkero. Sinubukan niya ang iba’t ibang sports gaya ng basketball at volleyball, bago natuklasan ang weightlifting sa edad na 11. Nakipagkumpitensya siya sa kanyang unang Olympics noong 2008 at nanalo ng kanyang unang medalya, isang Silver, noong 2016. Gumawa siya ng kasaysayan noong 2021 sa pamamagitan ng pagwawagi sa unang Olympic gold. medalya para sa Pilipinas, na nagtala ng dalawang Olympic record sa women’s 55 kg category. Isa rin siyang airwoman sa Philippine Air Force.
Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga taong hindi sumuko sa kanilang mga pangarap. Ang kanilang mga kuwento ay nagpapakita sa atin na ang anumang pangarap ay maaabot natin kung itatakda natin ang ating isipan dito at hindi agad na susuko.
Categories: Motivational
Leave a Reply