Basta OFW, Mayaman na Agad?

“Ma’am ilang taon na kayo dito sa Dubai?” tanong sa ‘kin ng Pinay na driver nung masakay ako sa taxi niya.

“Nine years na po” sagot ko naman.

“Edi ang yaman niyo na?” halos pasigaw at natatawang sagot sa akin ni ate.

overseas filipino workers

Madalas pag naririnig ng mga tao na sa ibang bansa ka nagtatrabaho, akala nila mayaman ka na.

Madalas din na nagda-drama ang ating mga kapwa OFW dahil akala ng mga kamag-anak nila at mga kaibigan ay namumulot lang sila ng pera. Yung tipo bang isang beses ka lang kung sumweldo sa isang buwan pero dalawa o tatlong beses kang hihingan ng pera o kaya naman ay uutangan ka’t ililista naman sa hangin tutal, malakas ka naman daw kumita.

Pero bakit nga ba ganito ang perception ng mga tao sa mga OFW? Bakit akala nila, basta OFW eh mayaman na? Dahil ba sa mga imported na items na laman ng balikbayan box na madalas natatanggap ng mga kamag-anak nila sa Pilipinas? Dahil ba may maganda o at least disenteng bahay? Dahil ba may sasakyan? Dahil ba naka-Rayban o Rolex pag-uwi?

Disenteng Bahay at Sasakyan

bahay, lupa at sasakyan

Paano magkakaroon ng disenteng bahay ang mga OFWs kung hindi sila mayaman? Paano sila nakakabili ng bahay at lupa sa mga subdivision? Ng bagong sasakyan?

Hindi lang napapansin ng marami pero, yung mga OFW na may magaganda o disenteng bahay ay dekada na ang itinatagal sa ibang bansa. Hindi dahil mayaman sila kungdi dahil patuloy silang nagpapabalik-balik sa ibang bansa.

Nagtatrabaho din sila gaya ng bawat isa sa inyo. Iba lang kasi sa paningin ng mga nasa Pilipinas dahil hindi nakikita ang mga OFW araw-araw na pumapasok sa umaga at umuuwi sa gabi tulad ng mga kapitbahay nila sa Pilipinas. Kaya di nila alam na maaga din silang gumigising at nag-o-over time din.

Minsan lang din makita ang mga OFW. Isang beses sa loob ng isa o dalawang taon? Kaya hindi din napapansin na matagal na silang wala sa Pilipinas. Ang napapansin lang ay unti-unti na nilang naipapagawa ang bahay. Mapapansin na lang na nakabili na sila ng sasakyan.

Hindi rin alam ng mga nasa Pilipinas na yung mga bahay, lupa at sasakyan nila ay malamang, hindi pa nila tapos bayaran. Baka kagaya din ng iba ay naghuhulog pa sila sa PAG-IBIG o kaya sa mga pinagbilhan nila ng lupa at sasakyan.

Yung iba naman, hindi lang isang tao ang OFW sa pamilya nila. Minsan, halos lahat silang magkakapatid ay nasa abroad, yung iba pati mga tiyahin o pinsan ay nasa ibang bansa lahat kaya nakakayanan nilang magpagawa ng malaking bahay.

Minsan naman din kasi, maraming mayayabang  na balikbayan (ang tamaan huwag magagalit). Yun bang talagang nagpapasiklaban sa pagandahan ng bahay at sasakyan?

Pero naman, kahit pa pinagmamayabang nila yan, wala rin naman tayong magagawa. Di natin sila masisisi dahil pinaghirapan din naman nila yan.

Mga Makabagong Appliances

mga bagong kagamitan

Nasubukan niyo na bang pumasok sa bahay ng isang OFW? May flat screen ba na TV? May naglalakihang speakers at matitinding sound system? Malaking ref? Magandang washing machine? Microwave? Kung hindi sila mayaman, bakit marami sila niyan?

May mga OFW na nag-uuwi ng mga appliances tulad ng mga TV at sound system, mga gamit na pwede nilang ipakahon o bitbitin pauwi. Paano kaya sila nakakabili niyan, ano? Bukod sa buwan-buwan nilang pagpapadala, nakakabili pa sila ng mga appliances.

Pero ano ang tunay na istorya at nakakapag-uwi sila ng mga ganyan? Minsan, mga pinaglumaan ng amo at binigay na lang sa kanila ang iniuuwi nila. Minsan sa garage sale sila bumibili. Minsan ilang buwan nilang pinag-iipunan para makabili niyan bago makauwi. Tulad ng ibang tao na nag-iipon para makabili ng appliances o inuutang na lang ang pambayad at buwan-buwan binabayaran, ganun din ang mga OFW.

Paano naman yung ibang balikbayan, namimili pa ng mga ref, washing machine at iba pang gamit?

Alam niyo ba kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang OFW kapag nahilingan ng nanay na “‘Nak kinakalawang na yung ref natin, baka pwede mo na palitan?”

Sasabihin ng OFW sa sarili na “Sige, kahit maubos ang dala kong pera. Mababawi ko naman ‘yan ulit pag-alis ko.”

Ngayon, unti-unti niyo na bang nauunawaan kung bakit pabalik-balik na lang ang mga OFW sa ibang bansa?

Kapag nagba-bakasyon sa Pilipinas ay panay ang lakwatsa

lakbay lakwatsa

Bakit nga ba panay ang lakwatsa ng mga balikbayan kapag sila’y umuuwi? Dahil ba marami silang pera?

Maraming OFW ang nadedestino sa mga lugar na mahigpit at wala silang laya. Babangon, papasok, uuwi. Hindi sila nakakalabas dahil hatid-sundo lang sila ng company service. May ilang bansa sa gitnang silangan at Africa ang ganito. So, isipin mo na lang na ganyan ang buhay mo sa loob ng isa, dalawa o tatlong taon? Hindi ka ba n’yan parang bilanggong pinalaya kapag nakauwi ka sa Pilipinas? Hindi ka ba masasabik na maglakwatsa?

Sabihin na nating nasa malayang bansa naman sila, pero sa loob ng ilang taong hindi nila kapiling ang pamilya nila, hindi kaya sila masasabik na gumala o kumain sa labas na kasama sila?

Lahat ng mga anak o kapatid ay sa Pribadong Paaralan nag-aaral

pribadong paaralan

Para saan ba ang pinaghihirapan ng mga OFW? Hindi ba’t umaalis sila para mabigyan ng disenteng edukasyon ang kanilang mga anak at kapatid?

Binubuhay lahat ng mga kamag-anak

sinusuportahang mga bataNakakalungkot isipin pero totoo. Isa ito sa mga maling ginagawa ng mga OFWs kung kaya’t hindi na sila makatigil sa pagpapabalik balik sa ibang bansa. Pero hindi ibig sabihin na nakasandal sa isang tao ang buong angkan ay mayaman na siya o kaya na niya. Minsan, kinakaya niya na lang.

Branded ang mga damit, sapatos bag at relo

branded items

Hindi lahat ng mga OFW ay branded ang mga gamit at hindi rin lahat ng hindi OFW ay hindi branded ang gamit (gets mo?).

Totoo na marami ngang magarbo at mayabang, na dinidisplay sa facebook nila lahat ng mga branded items nila. Maraming guilty dito, ‘wag tayong hindi umamin hehe.  Yung iba siguro, kaya talaga nilang bumili, yung iba, nagpupumilit bumili at yung iba nag-iipon para makabili.

Minsan ilang gabing nagi-instant noodles lang matapos bumili ng branded na bag o sapatos (sad but true – mas inuuna pa ang luho kaysa pangangailangan). Yung iba naman, dyan sa mga sale lang bumibili ng mga branded na gamit para makamura, para makapaguwi ng maganda gandang pasalubong para sa pamilya at minsan ay maregaluhan naman ang sarili.

Ilang dekada na sa ibang bansa

manggagawang ofw

Akala ng karamihan, mayayaman na ang mga nagtatagal sa ibang bansa. Ang hindi nila alam, mahirap na umalis sa OFW life cycle.

Gaya nga ng nabanggit ko na, madalas, kapag nagba-bakasyon ang mga OFWs, ubos lahat ng perang naiuwi kaya kailangan na naman umalis. Sa totoo lang, dapat ma-break ang life cycle na ito dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit napakarami sa ating mga kababayan na kahit ilang dekadang nagtrabaho at tumatanda na lang sa ibang bansa ay umuuwing broke, kabado dahil walang retirement o pension plan at hindi na alam kung ano ang magiging source of income pag umuwi na sa Pilipinas para mag-retire.

Minsan naman, sinusubukan din nilang umuwi sa Pilipinas para dun humanap ng trabaho o pagkakakitaan para naman malapit lang sila sa pamilya. Pero kung hindi napakaliit ng ibinibigay na offer ng mga kumpanya, biktima naman sila ng pambu-bully ng mga katrabaho. (Binubully ba kamo ang mga ex-OFW kapag nagtrabaho sa Pilipinas? Maraming kaso niyan.) Kaya wala silang ibang choice kundi maghanap na naman ng trabaho sa ibang bansa.

Kaya naman, sana ay nakapagbigay linaw ang post na ito sa maling perception ng maraming Pilipino sa mga nangingibang bansa. At bago ka magparinig na size eight lang ang paa mo o Bvlgari lang ang pabango mo o M&Ms man lang ang iabot sa iyo ng kaibigan o kamag-anak na magbabalik sa bayan, mag-isip isip ka muna.

***********************************

Disclaimer: Ang mga larawan sa itaas ay hindi pag-aari ng blogsite na ito.

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , ,

5 replies

  1. It’s the same with Balikbayans from the US. Relatives think all Filipins who live in the US are rich , and therefore , expect to receive gifts, all 100 of them. What they don’t know is these Filipinos have been buying and stocking up for months because they can’t afford to buy everything in one go. What they don’t know is that Americans are burdened with taxes, insurance ( health, housing, car which are all mandatory ) , and end up with zero balance in their bank accounts.

    How many former OFWs whose option to go back overseas is taken out, and end up in the same situation as before ? My parents know of so many Filipinos who end up that way. Another sad thing about this is Filipino relatives ( besides immediate family ) think OFWs and others who live abroad have an obligation to support them too. They pretend to borrow money and promise to pay, when , in fact,they never have any plans of paying back what they owe. Woe to those who don’t have enough money to lend, and heaven forbid, actually ask for payment.

    My parents say it’s cultural. Mendicant culture, they say.

  2. ganyan nga ang problema sa maraming pilipino, tinatrato ang mga ofw na parang mga human money dispensers…

Trackbacks

  1. Dear VP Binay – aysabaw

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: