Paano Makapasa sa Engineering Kahit Hindi Ka Genius

Sabi nila genius lang daw ang kumukuha ng engineering.
Sabi nila magagaling lang sa math ang nakakapasa sa engineering.
Sabi nila dapat analytical ka mag-isip para mag-survive sa engineering.

Isang malaking KALOKOHAN!

engineering math

first 2 years mo pa lang sa engineering, makakakita ka na ng ganito…

May kilala akong highschool student ilang dekada na ang nakakalipas. Average student lang s’ya. Okay ang mga grades n’ya sa maraming subjects maliban sa math. Tuwing lumalabas ang report cards, pinakamababang subject n’ya lagi ay math.

Weakness n’ya ang math. Bwisit na bwisit s’ya sa math.

Nung magtapos s’ya ng highshool, hulaan mo kung ano ang kinuha n’yang course sa college? Tama, engineering! Civil Engineering pa nga eh to be exact.

Naisip kasi n’ya nuon na ang Engineering ay hindi nalalaos na propesyon. At tama s’ya. Ang mga engineers, ano mang field sila nag-especialize ay hindi nawawala sa uso. Kahit saang bansa ay kinakailangan ang mga engineers.

Dahil nanggaling sa mahirap na pamilya, naisip ng estudyanteng ito na magandang investment para sa kanyang kinabukasan kung makakapagtapos s’ya ng engineering. Kaya kahit alam n’yang hindi s’ya nage-excel sa math, kumuha pa rin s’ya ng engineering at hinarap ang isa sa mga kinatatakutan n’ya sa buhay – ang subject na math!

Hindi kailangang maging genius, analytical mag-isip o maging magaling sa math para mag-survive sa engineering.

Narito ang ilang tips kung paano makapasa sa kursong Engineering.

  1. Don’t sweat the minor subjects. Huwag ipag-walang-bahala ang mga minor subject. Kahit na maliliit lang ang mga units nito, panghatak din ito ng overall grades. At kung sakaling maisipan mong lumipat ng course, at least make-credit pa ang mga ito at hindi mo na kelangang kunin ulit.
  2. Mag-advance study. Kung may kilala kang estudyante na ahead sa iyo ng one o two years, hiramin / hingin / bilhin mo yung mga luma n’yang notes at test papers. Pag-aralan mo yung mga major subjects (Trigonometry, Algebra, Calculus, Differential Equations, etc., etc.) ahead of time para may panahon ang utak mo na i-absorb ang mga mahihirap na bagay na bubunuin nito sa malapit na hinaharap.
  3. Mag-aral mag-isa. Importanteng mag-aral muna mag-isa para malaman mo kung ano ang mga bagay na hindi mo alam at dapat mong pagtuunan ng pansin. Subukan mong mag-set aside ng sapat na oras para tingnan ang iyong mga notes, sumagot ng mga practice problems at ilista ang mga hindi mo naiintindihan.
  4. Mag-group study. Importante ang group study dahil nakakapag-share kayo ng mga alam ninyo at hindi ninyo alam. Pwede kayong mag-set ng iyong mga kaibigan ng oras, araw at lugar kung saan maggu-group study.
  5. Practice solving as many problems as possible. Para sa mga mahihina sa math, hindi sapat ang isa o dalawang practice problems para masabing kabisado mo na ang formula o ang isang computation method. Kailangan mong sumagot ng sangkatutak na problema na may iba’t ibang kundisyon at sitwasyon bago ka maging confident na alam mo na nga gamitin ang nasabing mathematical formula.
  6. Kabisaduhing mabuti ang sariling calculator. Ang pagpili ng calculator ay parang pagpili ng mapapangasawa. Pakaisipin mo munang mabuti kung ano ang pipiliin mo dahil matagal kayong magsasama. At kapag nakapili ka na ng right calculator for you, see to it na makikilala mo ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Alamin mong mabuti ang mga special functions n’ya, ang mga shortcuts, weaknesses and strengths. Pati yung mga secondary/tertiary button functions n’ya, alamin mo lahat as time passes. Commit to your calculator. Take good care of it. And it will not let you down.
  7. Durings tests, sagutin agad ang mga madaling problema. May mga nagpapayo na unahin muna daw ang mahihirap na questions sa mga test pero I never believed in that. Paramihan ng points ang test. Kaya para sa akin, answer as many problems as you can. Unahin muna ang mga madadali at tapusin ang mga ito as early as possible. Then, move on sa mga mahihirap at mabibigat na problema. Dun mo na ubusin ang oras mo. Hindi mo man matapos sagutin yung heavy problems, at least may points ka pa rin galing dun sa madadali.
  8. Kaibiganin ang mga henyo sa math. Tanggapin na natin na life is unfair. May mga gifted talaga sa math. Sila ang mga rockstar sa engineering. Pero don’t be bitter. Hindi naman komo lapitin sila ng mga magagandang kadalagahan o poging kalalakihan dahil magaling sila sa math eh wala na silang panahon sa ‘yo. Befriend them, be nice to them. Then, magtanong ka sa kanila paminsan-minsan tungkol sa mga hindi mo naiintindihan sa math.
  9. Unahin ang pag-aaral kesa sa anumang bagay. No need to explain. Gusto mong pumasa sa engineering nang walang bagsak? Bigyan mo ng mataas na priority ang pag-aaral at paghahanda para sa mga exams.
  10. Magdasal. Humingi ng talino, sipag, disiplina at pasensya sa ating Lumikha. Kahit mahina ka sa math, miracles can help you. Pero yung hindi ka mag-aaral at magdadasal ka na maipasa mo ang test, kahibangan yun on your part. Walang himalang mangyayari.

At sa habag at kabutihan ng ating Poong Lumikha, nag-graduate nga ang pobreng estudyante sa ating kuwento nang walang bagsak at minsan pa nga eh with flying colors. Yes, hindi rin n’ya kinailangang mangopya kapag merong test.

Hindi ko sasabihin na ako ang estudyanteng tinutukoy ko sa post na ito dahil ayokong amining mahina ako sa math.

Pero ang gusto ko lang sabihin ay hindi lang mathematical skills ang kailangan para magtagumpay sa math. Lalo na sa kursong kagaya ng engineering.

Hindi sapat na dahilan ang mahina ka sa math kaya igi-give-up mo na ang engineering course. Magagamit mo ang iba mong mga kakayahan at strong points para suportahan ang pag-aaral mo ng engineering. Medyo kailangan mo lang ng mas maraming oras para mag-aral kumpara sa mga gifted sa math.

Sa lahat ng nais maging engineer balang araw, hindi imposibleng mag-graduate sa engineering kahit na mahina ka sa math.

Marami ang kumukuha ng engineering, nagga-graduate, nakakapasa sa board exam at nakakahanap ng trabaho taun-taon kahit hindi magaling sa math.

Narito ang listahan ng grades na nagpapatunay sa aking mga sinasabi.

sample enginering grades

grades ng isang engineering student na mahina sa math…

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , , ,

35 replies

  1. Anu po bang course ang pwedeng gawin pag graduate ng GAS

  2. Tnx for sharing ur life as a student hehe..
    Sa mga na kwento mo gnyn n gny ako npka hina ko aa subject nyn pero yn ang balak ko kuhain , pero mukng malabo dhil mahina ako haha pero dhil sa pg share m sa buhay nabuhayan ako salamat .. ! Brad !

  3. Hi! Curious lang… Saan ka nag-aral noong college ka? Gusto ko rin sana kunin yung CE 🙂

  4. Balak ko pong mag-take ng C.E. pero graduate na po ako ng business course. Makakaya pob kung magwoworking student ako? Thanks

    • basta gusto, maraming paraan. pero kung magta-trabaho ka habang nag-aaral, mas maganda sigurong mag-underload ka muna ng mga subjects. every sem, tingnan mo yung kapasidad mo kung kaya mong dagdagan yung mga subjects mo. di baleng magtagal ka bago makatapos ng engineering, ang importante, konti-konti eh napapalapit ka sa pangarap mong maging isang ganap na engineer 🙂

      • Gusto ko rin po Sana mag engineer..kaya Lang nag stop ako sa high school because of bullying….lagi ako tinitignan ng mga classmate ko at sa tuwing mahuhuli ko sila na nakatingin sakin tumatawa sila….dko sure Kung tumatawa sila dahil sa marami akong pimple sa mukha oh Baka naman masayahin Lang sila Pero dko kinaya..bago ng lipat Lang kasi ako sa school nayun sa probinsya tlga ako nag aaral kaya Lang lumipat na sa manila ung Lola at lolo ko…Hindi rin ako magaling sa math at Hindi na rin ako mag sisinungaling na na ngongopya Lang ako pag dating sa subject na math…ngaun palang hilig ko na ang manuod sa YouTube Kung paano ba gumawa ng mga bahay sa katunayan may apps tlga ako na gingamit para dyan…..dko sure Kung pareho Lang din ba yan sa pagiging architect..ngaun po inaayos ko na ung passport ko para makaalis ng ba sa patungo ng Japan nandun na ung mama ko at kapatid ko matagal na…d naman po malabo na makahanap ako ng trabaho dun Pero gusto ko parin po Sana mag architect or engineering..kya nag reresearch po ako now Kung pwede po ba ako makapag take ng 1year course dun kahit d po ako tapos sa high school?

  5. hi po ako po si PJ 🙂 napaka inspirational naman po ng kwento mo kung sino kaman ^^ mag 1st year po ako this school year. Gusto ko pong mag elec. engineer dati natakot ako pro ngaun my lakas ng loob na ako lalo nat nabsa ko po kwento nyo 🙂 …

  6. Super relate ito sa akin. Grade 10 po ako, Political Science sana kunin ko sa College, then I’ll take HUMSS sa Grade 11. Pero parang may kulang at hindi ako satisfied sa kukunin kong strand na HUMSS pero gusto ko, when it comes writing an essay and etc. Afterwards, I ask my Dad what course should I take in College, then he said that “Civil engineering” at parang nasiyahan at naging interesado ako. Since then ’till present may dugong Engineer papalang dumadaloy sa katawan at utak ko. When I was young napamahal talaga ako sa engineer. Pero MATH ang kailangan? Paano ko ito haharapin? Paano? Then, I was deciding that I’ll STEM instead of HUMSS. And I research about STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) a lot of students have been said that ” ‘WAG KAYONG PAPASOK SA STEM KUNG WALA KAYONG ABILITY SA MATH. PAPASOK KAYONG FRESH, LALABAS KAYONG STRESS” And I shocked and I asked myself “hindi nalang ako mag e-engineering? Final decision HUMSS nalang kunin ko.” Pero may kulang talaga pag Political Science ang kunin ko. Pero pag Civil Engineer parang completo at nasisiyahan ako. So, nag decide na naman ako na GAS (General Academic Strand) nalang ang kunin kong strand para sa pagdating ng panahon engineer ang piliin ko. Take note: Ang GAS ay para sa mga undecided. ‘di pa ako handang pumasok sa STEM hahaha duwag lang. Nag-aadvance study na ako sa Algebra and Trigonometry. By the way, thanks for this inspirational story. I’ve a lot of inspiration in life. AT SURE AKO PAPASA AKO SA CIVIL ENGINEERING HAHAHAHA kahit ang layo pa. May tiwala ako sa sarili ko!

  7. Thanks for this..

  8. Samalat po sa gumawa nito, napakablessing naman po ako dahil dito lumakas ang loob ko para kumuha ng kursong engineer. Nagpapasalamat po ako sa gumawa nito. Hindi rin po ako magaling sa math pero kung gusto mo may paraan para matuto ka kahit nahihirapan kana. Kaya ung studyante na po yun magiging inspirasyon ka po sa akin. Samalat po

  9. Hi.! Salamat po sa pag post o paggawa neto.! Na encourage po ako! . Kase po nag aalangan ako king engineering po ba ang dapat Kong piliin. Grade 9 palang po ako pero iniisip no na po Ito….
    Magaling naman po ako sa math…. Siguro para Hindi kayo mayabangan… Sige. May Alan nalang….
    May alam namn po ako sa math.. Pero.. Nanghihina po ang loob ‘ko dahil…. Nag aalangan ako na… Baka bumagsak ako… Dahil ayokong masayang ang tuition. Dahil… Tita ko lang nag papaaral saken. At ayokong madisappointed sila….
    Pero ngayon po…. Dapat Positive thinking lang dapat! Fight fight! … Salamat po…. Lumakas po loob ko. …
    😊

  10. Hi Po salamat Po !! Kasi Na inspire Ako Dito . Actually Po grade 10 Na Ako ngayon tapos sa susunod Na Taong ay 11 Na tapos gusto ng mama ko Na making isang chemical engineering. Ako . So take ko po Ang stem sa SHS pero magagalit so Kasi machina Ako sa math at science pero Meron dn akong time Na gusto ko mag solve pero si guro natatamad lng Ako…

  11. Thankyou for the encouragement and inspirational message. And I’m so glad na nabasa ko itong article mo nakakalakas ng loob para sumubok ulit by the way tapos po ako ng IT pero dream ko talaga maging isang engineer (civil) but there are some people discourage me because i’m not good in drawing and english but in this article no hard things for the people who love and work hard the things they want. My question guys can I study again ? but I’m too old enough 😦 I am already 23 😦 please leave a message any inputs I really appreciated Thank you.

  12. hello ma’am/sir.ako nga pala si Dexter Balaoro ng Central Luzon State University,ayon sa nabasa ko nainspire poako ,isa din po akong engineering student (agricultural and biosystems engineering)sa CLSU,ganyan din po kasi ako nun nuong high school po ako dati hate na hate ko ang math subject pero kahit ganon engineering padin po ang kursong kinuha ko dahil alam ko na sa hindi lang sa pagiging mahina sa math para lang di ka maging successful ,marami pa po palang paraan.awa ng Dios nakakasabay naman po ako sa mga klase at lalo kopong narerealize na maganda talaga ang kursong engineering at tama po kayo na ito ay di naluluma kahit saang bansa dahil indemand po ito kahit saan

  13. Sa august po ang start ng klase ko incoming Gr. 11 student po stem-engineering. Tulad ninyo nahirapan din po ako sa math or rather sa science noong gr. 7-10. Tinanong ko po yung math teacher ko kung kaya ko ang engineering and she said yes pero nahirapan po ako maniwala dahil sa numbers na lumabas sa card ko. Nung nabasa ko po itong article nyo na-inspire po ako, salamat po sa words of encouragement, ngayon po positive na ang pananaw ko basta maging dedicated lang ako sa pagaral ako ay makakagraduate din

  14. Salamat po sa word of encouragement
    First year pa lang po ako ngayon pero naiisip ko na pong sumuko
    Pagsusumikapan ko dahil para din naman sa future ko ito
    Pogi ka nga nakalam naman sikmura ng magiging family mo useless din okay na yong may maipagmamalaki mong degree holder ka 🙂

  15. Ayun.. Isa po akong incomming SHS at enrolled sa STEM strand na natatakot itake ito..Naiisip ko na baka nabigla lang ako ng desisyon at di ko kayanin to pero may part na gusto ko talaga someday maging isang Civil Engineer ako kahit na may times na hate ko ang math dahil nalilito ako sa mga formula’s; kaya pinagiisipan ko talaga kung kaya ko ba ang course na to. Kung magbase naman ako sa NCAE result ko di ako papasa sa Engineering kasi pang number 9 to sa list.. Thank you sa advice dahil nabuhayan ako ng loob at kakayanin ko to.

  16. Magulo icp q qng anu b tlgang kurso kukunin q mahina rin aq s math lalo s fraction haist!! Mahina n rin loob q kc late n aq para mag college pero ndi lng nman aq may iba nman n hlos 35 n nga nag aaral pa s college .. itry q kya ang engineering..

  17. thank you for inspiring us to survive this course…..:)

  18. Nakakatuwa at nakakainspire. 1st yer gen engr ako at mahina talaga ako sa math, pumapasa naman. Hahaha. Thankyou dito

  19. Salamat sa Tips Kuys. Malaking tulong to! HAHAHA!

    -EE(Electrical Engineering) po Course ko. 🙂 1st Year!

  20. Engineering student din po ako. Mahirap ang kursong to pero don’t give up. I swear mamahalin nyo ang kursong to 😘 mamahalin nyo si math.

  21. salamat nlaman ku din kung paanO maging isang mabutin engeenering 🙂

  22. grade 10 student na ako at gusto kong mag civil engineer pero yun nga takot ako sa math eh .Peru ngayun nabuhayan ako ng loob I Will push my dreams

  23. Ako po mahina sa math, grade10 na ako pero simpleng multiplication table di ko pa rin kabisado. Pero gusto kong kumuha sa college ng ‘civil engineering’ kaya ang pinili kong strand sa senior high school ay STEM, iniisip ko na baka maling desisyon tong nasa isip ko dahil hindi nga ako magaling sa math. Pero determinado ako at gustong gusto ko talaga mag-engineering. Binase ko din kasi sa NCAE result ko yung tatahakin kong course sa college, kasi ang rank1 ko po ay IT at Archi tas 2 ko po engineering. Salamat dito nabuhayan ako ng loob. At salamat din sa tips. Nakalista na sya sa notebook ko. 🙂 Thankyou po.

  24. Wow, you remind me of my mother. Nasabi kasi niya dati na mahina pala siya sa math nung bata siya kaya ang ginawa niya, yun ang hinarap niya nu’ng high school. Tumaas grades niya sa math to the point na siya na pinagturo ng teacher sa class minsan (tamad ne teacher!…pero that’s not the point). Then she took education in colleege and ended up teaching math to high school students 🙂

Trackbacks

  1. Paano Makapasa sa Engineering Kahit Hindi Ka Genius | Ang Babaeng Tambay sa SM

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: