Sa lahat ng mga tatay na…
Sundalo. Kutsero. Kusinero. CEO. Manager. Drayber. Doktor. Konduktor. Gobernador. Mayor. Janitor. Kargador. Plantsador. Nabigador. Guro. Tindero. Payaso. Kahero. Accountant. Nars. Office boy. Water boy. Gasoline boy. Bagger. Mekaniko. Inhinyero. Musikero. Gitarista. Kwentista. Aktibista. Artista. Manunulat. Manunubog. Mangingisda. Magtataho. Magfifishbol. Magbabananacue. OFW. Barbero. Boksingero. Karpintero. Latero. Arkitekto. Tubero. Announcer sa radyo. Sastre. Komedyante. Factory worker. Mangangalakal. Bumbero. Barker. Magsasaka. At iba pa.
Ano mang antas ng pamumuhay mayroon kayo, gaano man karaming zero ang bumubuo sa buwanang sweldo ninyo, bawat isa sa inyo ay nagsisikap na makapaghain ng marangal na hapunang pumupuno sa kumakalam na tiyan ng inyong pamilya. At bawat isa sa inyo’y nagnanais na magkaroon ng magandang kinabukasan para sa mga mahal sa buhay.
Isang pagpupugay sa bawat haligi ng tahanan.
Categories: Halu-halo
aba naman ate. Ikaw na talaga ang racketeer at lumelevel up. Hahah Congrats dito.
ha ha ha salamats….join ka na din 😛
Hahah sige i try ko. lol. dito kana pala tumatambay hah. heheh
nagpopost pa din naman ako sa kabila…hahaha mas personal na nga lang doon 🙂
oo nga din. nakita ko kanina. heheh