Ito ang lumilitaw na relasyon ng katiwalian sa pangkalahatang kaligtasan ng mga mamamayan ng isang bansa.
Ang Transparency International ay isang international organization na kumakalap ng impormasyon sa patungkol sa antas ng katiwalian sa iba’t-ibang bansa ng ating umiikot na daigdig. Narito ang pinaka-latest na resultang nakalap nila.
Samantala, isa pang international organization, ang Vision of Humanity ang kumakalap naman ng impormasyon sa antas ng kaligtasan (safety) ng iba’t ibang mga bansa. Ayon sa kanilang latest report, ang mga bansang Iceland, Denmark at Austria ang mga pinaka-safe na tirhang bansa sa buong daigdig.
Sa listahang ito, ang Pilipinas ay matatagpuan sa malayong bilang na 134.
Pansinin natin na ang mga bansang may mababang antas ng katiwalian ang siya ring mga bansang pinaka-safe tirhan. Paano nakaka-apekto ang katiwalian sa overall peace and order ng isang bansa?
Ang sagot sa tanong na iyan ay hindi ko alam. Wala akong research firm at wala akong perang pampatayo nito.
So instead, ang gagawin natin ay huhulaan natin ang ilang mga posibleng dahilan kung bakit hindi safe tumira sa mga bansang mataas ang antas ng katiwalian.
Mga dahilan kung bakit hindi safe mabuhay sa mga bansang mataas ang antas ng katiwalian:
1. Hindi natatakot sa batas ang mga masasamang-loob
2. Hindi ipinapatupad nang maayos ang mga batas hinggil sa peace and order
3. Kakulangan sa mga pasilidad at kasangkapan upang maipatupad nang maayos ang mga batas
4. Hindi nagtatrabaho ng maayos ang mga nasa katungkulan
5. Ninanakaw ang pondong nakalaan para sa pagpapatupad ng peace and order
Kung magseseryoso ang Pamahalaan natin na solusyunan ang mataas na krimen sa ating bansa, kailangan din nitong pagbuhusan ng lakas at pwersa ang pagsugpo sa laganap na katiwalian sa ating lipunan.
Nagpapakahirap ang ating bansa na manghikayat ng mga dayuhan para bumisita at/o magtayo ng negosyo sa ating bansa pero kung hindi natin maipapakita sa kanila at sa ating mga mamamayan na ligtas mabuhay sa Pilipinas, ang lahat ng ito ay walang patutunguhan.
Yes to Peace and Order!
END CORRUPTION NOW!!!
Categories: Halu-halo
Leave a Reply