Korte Suprema ng Pilipinas, Bubuwagin

pagpupulong ng pangulo

Kuha mula sa facebook page ng Pangulo…

Ito ang ipinahayag ng Pangulo kahapon sa pagpupulong na isinagawa kasama ang mga miyembro ng Kataas-taasang Hukuman ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na wala nang nakikitang silbi ang Pamahalaan sa Mataas na Korte dahilan sa panay na pagkontra ng huli sa mga desisyon ng Pangulo. Kasama na dito ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) funds at ang mga nakalipas na pag-TRO ng Korte sa mga bagong batas na inaprubahan na ng Mababang Kapulungan, ng Senado at ng Pangulo.

“Ang hangad natin ay pagbabago, subalit wala kayong ginawa kundi pigilan ito.”, sabi ng Pangulo sa kanyang speech.

“Matatapos na lang ang term ko, ganito pa rin ang Pilipinas. Ano ba ang ginawa ko sa inyo at parati na lang ninyo akong kinokontra?”, dagdag pa ng Pangulo.

Ang hindi magandang relasyon ng Korte Suprema at ng ibang sangay ng Pamahalaan ay sinasabing nag-ugat nang bawasan ng Department of Budget and Finance ang taunang budget ng Korte Suprema.

Nakadagdag pa daw dito ay ang pagpili ng Pangulo sa isang batang Chief Justice na si CJ Sereno kung saan nagdulot ng hinanakit sa mga mas nakatatandang miyembro ng Korte.

Ang tuluyang pagbuwag sa Korte Suprema ay inaasahang maipapatupad bago matapos ang taong 2014.

Ang mga maiiwang responsibilidad nito ay paghahati-hatian ng mga Regional Trial Courts sa iba’t ibang lalawigan ng bansa, ng Mababang Kapulungan, ng Senado at ng Office of the President.

Samantala, ang interpretasyon ng mga bagong ipapatupad na batas, kung naayon ba ito sa ating Konstitusyon o hindi, ay pagbobotohan na lamang daw ng mga mamamayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng online voting.

*****************************************************
Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Pantasya Balita

Tags: , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: