Sa lahat ng mga negative na bagay na napapabalita at naririnig natin tungkol sa Pilipinas, minsan parang gusto na nating sumuko at tanggaping wala ng pag-asa ang Pilipinas. Hopeless na kumbaga.
Madalas pa nating marinig sa iba na kapag may hindi magandang bagay silang nakita sa Pilipinas eh “Only in the Philippines!” na kaagad ang hirit kahit hindi pa naman nakikita ang lagay sa ibang bansa.
Madaling isipin na ang Pilipinas na ang worst na bansa pagdating sa kundisyon ng trapiko, sa kawalan ng disiplina, sa klase ng mga tirahan at sa uri ng pag-uugali. Lalo na kung hindi pa natin napupuntahan ang iba’t ibang bansa sa daigdig para makita ang pagkakaiba ng ating bansa sa iba pang mga bansa.
Kaya nga ginawa ko ang mga meme na ito para maipakitang may pareho ring problema ang ibang bansa kagaya ng mga kinaiinisan natin sa Pilipinas. Minsan nga, parang mas malala pa ang sitwasyon sa ibang bansa.
Pero s’yempre hindi naman ibig sabihin nito na makuntento na tayo sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa dahil mas malala pa pala ang kundisyon sa ibang bansa. Kailangan pa rin nating i-improve ang kalagayan ng pamumuhay sa ating bansa. Problema na nung ibang bansa kung ayaw nilang mag-improve.
Gusto ko lang ipaabot sa mga meme na ito na bago natin tawagin ang Pilipinas na worst among the worst eh siguraduhin muna nating alam natin ang kalagayan sa ibang bansa. Dahil unfair naman na bansagan natin ang sarili nating bansa nang walang pinagbabasehan kundi ang negatibo nating pananaw sa Pilipinas.
Kaya nga patuloy nating isulong ang mabuting pagbabago sa Pilipinas dahil HINDI PA HOPELESS ANG PILIPINAS.
Categories: Halu-halo
hello, RP… i second the motion Ren’s opinion, kapatid. the destitution of our people is such that it paves the way for a good number of people to think they could litter anywhere and badmouth all and everybody. parang disillusionment, frustration and pagkabusabos become a way of life na? parang gano’n… 🙂
gusto ko pa rin maniwala na may pag-asa pa ang pilipinas 🙂
ah, yes. dapat maniwala na di hopeless. otherwise, why bother? hohoho…
sa inequality rooted ang most problems natin, it seems… pag di na sobrang magkalayo ang dalawang polar ends, mas madaling i-apply and sundin ang rules formulated sa isang lipunan. mas marami ang middle-class na magsi-see through na civil ang pamumuhay together… mas nagiging law-abiding din ang mga tao, as a matter of course. nagiging less ang need to force them or to threaten them with punishment in things as simple as traffic rules, saan pwedeng magtinda, magkalat, etc… 🙂
The traffic is really bad, RP, and the people have the tendency to litter , but all is not lost, of course.
yes, all is not lost yet…at least not for now 🙂