May Sapi ba ang mga Pilipino?

Hindi pa ako nakakita sa totoong buhay ng taong sinasapian ng masamang espiritu, nuno sa punso o anumang laman-lupa at laman-gubat. Pero ayon sa mga napanood ko na sa tv at nabasa sa mga tabloid ay bigla daw nag-iiba ang ugali ng isang taong may sapi.

Para daw s’yang nawawala sa sarili o bigla na lang nagkakaroon ng ibang katauhan.

Ano’ng konek nito sa post na ito? Nagtataka kasi ako sa ating mga Pilipino lalo na yung mga nakakapangibang-bansa. Pagtuntong natin sa ibayong dagat, para bang bigla tayong nag-iiba ng katauhan.

Kapag nasa ibang bansa ang Pilipino:

– Hindi na tapon ng tapon ng basura kung saan-saan
– Sumusunod sa regulasyon ng batas trapiko
– Tumatawid sa tamang tawiran
– Hindi magaspang ang ugali sa mga binibigyan ng serbisyo
– Maayos magtrabaho
– Nagbabayad ng tamang buwis

and so on and so forth…

Pero pagbalik sa Pilipinas, ibang katauhan na naman.
Kabaligtaran na nung mga nakalista sa taas.

Anyare?
May sapi ba tayo?

May puwersa bang bumabalot sa ating pagkatao para maging mabuting mamamayan sa ibang bansa, at hindi masyadong mabuti sa sarili nating bansa?

Kailangan ba talaga kapag nasa Pilipinas ka, anything goes na lang?

Culture of wangwang, of impunity, of corruption.
Crab, colonial, panlalamang sa kapwa mentality.
Each one for himself/herself.
Dog eat dog.
You scratch my back, I stab yours.

Ganun ba talaga dapat kapag nasa Pilipinas?

Nakakapagtakang hindi natin magawa sa sarili nating bansa yung magagandang bagay na ginagawa natin sa ibang bansa.

Mas lalong nakakapagtaka yung mga government officials nating madalas magpunta sa foreign countries. Yung iba nga eh may tirahan pa doon pero hindi nila magawang i-implement sa Pilipinas yung magagandang bagay na nakikita at ini-enjoy nila sa ibang bansa.

Bakit ganun?
May sapi ba tayo?

Crab-Mentality

ang sisidlan daw na may laman na mga alimango ay hindi na kelangang takpan dahil hihilain lang nila ang isa’t isa pababa…

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

7 replies

  1. ganda naman ng paghahambing mo. napaka-interesante. at maganda rin ang mensahe.

    sa akin… oo may ilang may sapi at sana kung ano yung tama at maganda , sana yun ang maghari sa kanilang pagkatao. baka sakali pag ganun, mahimasmasan ang kanilang kagaspangan.

  2. ang mga ordinaryong pinoy o ang masa ay likas na may mabuting mga asal at mga intensyon para sa kanilang kalagayan at ng kanyang pamilya. ang paghihirap ng bansa ay kagagawan ng mga politikong wala naman talagang intensyon kundi magpakayaman in the guise of being makabayan at pakikipagkapwa.(pdaf, pulitikal dynasty, senator for life, congressman for life). cguro mas mabuti na yong mga sahod ng mga gustong magiging mga pulitiko ay gawing minimum at tutukan ang kanilang financial status para hindi makapagnakaw, at kung napatunayang nagnakaw ay puputulan ng kamay at dila upang hindi na makagawa pa ng kabulastugan. tignan natin kung meron pang mga kawatan na bustong maging politiko.

  3. uh, uh… hindi ako sure if i agree at all with the thought na may crab mentality ang mga Pinoy at iyon ang dahilan bakit di tayo sumusulong as a people… if anything, the tendency to pull down ang kasamahang nauuna is a weakness of humans in general. and it comes out in different situations and circumstances – sa opisina, sa laro, sa mga personal na relasyon… 🙂

    may sapi ba ang mga Pinoy na nakakatuntong sa abroad? may dual personality? palagay ko, wala naman… medyo natural lang na magkumpara sa dating lokasyon at sa bago… may tendency tayo na kaagad-agad, gustong i-adopt ang mga bago nating nakita at naranasan without due consideration sa context, limitasyon at kalagayan ng sariling bansa and people… at i-apply kaagad ang standards na ipinatutupad sa “mas maunlad at mas disiplinadong bansa.” magkakaiba naman tayo ng history, ng pinagdaanan at ng vision as groups of people.

    may kapatid ako, madalas mag-abroad dati. pag kakagaling nya sa major cities like Paris, New York, etc… pagtuntong nya sa NAIA pagbalik, parang tingin nya ang barbaric at uncivilized raw natin, hoho… kako sa kanya, tribal and unrefined din dati, centuries back, ang French folks, haha. hindi rin sila ganoon kakisig magbihis, kapinong kumilos at hindi rin sila that disciplined and refined, hala pa. fierce and unruly rin sila before, baka the last century na rin lang sila nagmukhang law-abiding, cosmopolitan and confident, hoho.

    parang dalawa, RP… ang pagsi-set up ng physical infrastructures that would make law-abiding closer to people’s minds and hearts, e.g., airport, expressways and bridges. the other, the so-called social infrastructures – the laws and regulations – that would enable people to see the ease, practicality and sense that rules are needed to facilitate a better and more civil way of life… halimbawa nito, health care, insurance, loan windows. these are some of the things that give a people or a nation that sense that collective living as a people is worth it, worth preserving and that there are rules to abide by, to see us through on daily basis. mga gano’n… hope you are well, kapatid. hellow… 🙂

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: