Mga Maaaring Gawin Habang Bakasyon

Hello mga kids, bored na ba kayo sa bakasyon ninyo? Don’t worry, heto na naman si Tito RP para magbigay ng mga unsolicited advice at tips para sa inyo kung paano pasisiglahin ang inyong bakasyon.

dalampasigan

masarap maglakad sa dalampasigan…lalo na kung bakasyon
http://boundlessframe.blogspot.com

Ang mga kabataang Pilipino ay masyadong pampered pagdating sa haba ng bakasyon.

Sa pagkaka-alam ko ay meron kayong tatlong uri ng bakasyon sa loob ng isang taon:

1. Summer vacation (2.5 months)
2. Semestral break (2 weeks)
3. Christmas break (2 weeks)

Wala pa d’yan yung mga bakasyon na gawa ng bagyo, baha o biglaang pag-absent ng titser. Bale humigit kumulang na tatlo hanggang apat na buwang bakasyon sa isang taon! What the…!!!

Ang mga kabataan sa ibang bansa (gaya ng Japan) ay meron lang total na kulang sa dalawang buwang bakasyon sa isang buong taon.

Sayang na sayang ang mga panahong ito kung uubusin n’yo lang sa kalalaro ng games. O kaya eh kakatext, kakanood ng tv at paglalakwatsa ng walang katuturan.

Heto ang mga maipapayo kong magandang paglaanan ng inyong oras habang bakasyon.

1. Mag-aral

Bakasyon na nga eh, aral pa rin?

Oo, bakit? Masama?

Pag-aralan ninyo ang mga bagay na talagang interesado ninyo pag-aralan: mag-drawing, magsulat, mag-painting, mag-swimming, magluto, maglaba, mamalantsa, etc.

Pwede n’yo rin pag-aralan yung mga alam ninyong kasunod na subjects na kukunin ninyo sa susunod na school year. Tataas na ang grades ninyo, marami pa magkaka-crush sa inyo.

2. Magtrabaho

Huwag laging umasa sa ibibigay na pera ng mga magulang. Bigyan n’yo sila ng break pag bakasyon.

Mag-apply sa mga summer jobs na available sa gobyerno, sa mga fast foods, o kaya naman eh kahit mag-tinda ng sa-malamig.

May sariling pera na kayo, lalawak pa experience n’yo, may dagdag job credentials pa para sa inyo at marami pa kayong makikilang bagong mga cute na guys o gals.

3. Tumulong sa bahay

Bumawi naman kayo sa inyong mga magulang ngayong bakasyon.

Maghugas ng plato, magwalis ng sahig, magpunas ng alikabok, alagaan ang mga batang kapatid, magligpit ng tinulugan, maghain ng pagkain, at iba pa.

Matutuwa ang mga magulang ninyo at baka maisipan pang dagdagan ang allowance n’yo. Praktis na rin ‘yan ng inyong skills para sa future ninyong buhay na may sariling pamilya.

4. Mamasyal

Nakakabagot din yung laging nasa bahay ah.

Masarap sana pumunta sa mga malalayong lugar lalo na kung may pera. Pero kung walang budget, andyan naman lagi ang mga mall. ‘Wag na lang magdala ng pera para makatipid.

Kung may bisikleta kayo, mamasyal sa inyong neighborhood habang nakabisikleta. Magandang ehersisyo ito, umiwas lang sa lugar na maraming asong mahilig manghabol ng mga bagay na gumagalaw.

5. Sumali sa community activity

Magpa-register sa mga community o church activity sa inyong lugar. Marami kayong makikilala at magkakaroon pa kayo ng silbi sa ibang tao. Masarap ang sense of fulfillment at sense of value kapag nagpa-participate sa mga ganitong okasyon.

Minsan makakalibre ka rin ng masasarap na pagkain sa mga ganitong activity.

Okay, ’til next post ulit.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , ,

13 replies

  1. iwasan maglaro araw araw kong gusto mong maging top1 sa school abang bakasyon mag babasa ka ng book o kaya story book edi top i na kau sa school ganun ang maging top i 3:)

  2. napaka informative talaga! parang gusto kong bumalik sa pagiging estudyante para may bakasyon uli.. ehehehehe

  3. paborito ko jan yung number 5! 😀

  4. gusto ko yung # 4 at 5 sa mga bagay na maganda paglaanan ng oras tuwing bakasyon. community welfare is isa sa mga gustong gusto kong gawin. at mamasyal siempre dun sa opening words mo para sa post na ito. lahat naman siguro tayo mahilig pumunta sa beach, presko kasi at parang nababawasan ang problema mo kapag nahanginan ka ng magandang hangin. nice blog by the way! bloghopping lang po..

    • salamat sa pagbisita at pag-follow sa blog na ito, janus. gusto ko rin ang number 5 dahil binibigyan nito ng silbi ang ating existence hehe at tama ka sa tinuran mo, fresh air is good for the body, mind and spirit na rin 🙂

  5. Mag aral para marami magka crush! Benta hahah

  6. Job Credentials: Vendor of sa-malamig (every summer) XD COOL. Hahaha

    Okay, hindi nakasasayang oras ang pagb’blog. yey!

  7. Benta yung 5 (makakalibre ng masasarap na pagkain hahahaha!)

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: