Kailangan Natin ng Sensitivity

May napili na palang bagong pambato para sa Miss Universe ang ating lupang hinirang. Si Bb Ariella Arida.

binibining pilipinas universe 2013

s’ya na kaya ang susunod na miss universe? abangan… http://www.facebook.com/MissAArida

Ay, hindi pa po pinapalitan ng showbiz news ang tema ng blog site na ito. Napa-isip lang ako sa sagot ni Bb Arida sa Q & A portion. Heto ang kanyang makapanalo koronang kasagutan:

One lesson in life that we, women, can teach men is being sensitive. Because we all know that men are more logical when it comes to decision. They usually are more rational, straight forward. Unlike we, women, we use our heart and we tend to get emotional in some of our decisions… For me, sensitivity is something that we can teach men.

Maganda ang sagot n’ya pero naisip ko, lalaki lang nga ba ang kailangan turuan ng sensitivity? At ano’ng klaseng sensitivity ang maaaring maituro ng kababaihan sa mga kalalakihan?

Bilang lalaki, narito ang isa sa mga alam kong medyokulang kami sa sensitivity:

  • Pangangailangan ng mga kababaihan ng seguridad para sa future

Mahirap maintindihan minsan para sa amin kung bakit kailangan pang ulit-ulitin ipaalam sa kanila na mahal namin sila, na hindi namin sila pababayaan, na maaasahan nila kami sa lahat ng pagkakataon (give us a break naman!).

Pero bakit tayo magfo-focus sa mga lalaki lang?

Heto ang ilang mga partikular na uri ng tao at area ng kanilang nasasakupan na sa tingin ko ay nangangailangan ng sensitivity:

1. Mga Magulang

Kelangan nila ng sensitivity sa pakiramdam ng kanilang mga anak. May problema ba sila? May gusto ba silang sabihin sa inyo? Alam ba nilang kakampi nila kayo?

Maraming kaso ng suicide gawa ng bullying sa iba’t ibang bansa ang nangyayari dahil hindi masabi ng mga anak ang sitwasyon nila sa mga magulang.

Marami ang napapariwara ng landas at nadidisgrasyang anak dahil hindi nila magawang mag-open up sa mga magulang sa takot na hindi sila pakinggan o lalo lang silang pagalitan.

2. Mga Anak

Kailangan nila ng sensitivity sa pakiramdam ng kanilang mga magulang. Madalas magkabangga ang opinyon ng mga anak at magulang dahil sa level ng kanilang karanasan.

Kung alam ng mga anak na mas tama ang alam nila, ipaliwanag dapat nila ito ng maayos at huwag daanin sa lakas ng boses o pagdadabog ang usapan. Pakinggan yung gustong sabihin ng magulang. Tatahimik din naman sila kapag narinig na yung side nila.

Masakit para sa mga magulang makita ang cute na cute na baby na inalagaan, iningatan at minahal nila na lumaking lapastangan at kehaba-haba ng mga pangil at sungay.

3. Mga Guro

Hindi ko alam kung alam ng lahat ng mga titser ang kapangyarihan nilang makaimpluwensya ng pag-iisip ng mga estudyante nila, pati kung anong landas ang tatahakin ng mga ito sa kanilang buhay.

Kelangan maging sensitive ang mga guro sa uri ng edukasyong ibinibigay nila sa mga mag-aaral.

4. Mga Nasa-Kapangyarihan

Alam naman nating sila ang nasa kapangyarihan at may hawak ng karapatan sa maraming bagay. At kung hindi sila magiging sensitive sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan, maraming buhay ang magdudusa dahil sa kanila. (No need to elaborate)

5. Mga Customer

Hindi aliping saguiguilid o aliping namamahay ang mga crew o staff ng isang kumpanya. Tao din sila. Maghinay-hinay lang dapat ang mga customer sa kanilang pananalita at pagtrato sa mga service staff.

Kung meron mang mga crew na hindi gumagawa ng tama, ipagbigay-alam ito sa mas nakatataas. Lalo lang mapeperwisyo ang mga cutomer kung hindi sila magiging sensitive sa pakikitungo sa mga service staff o crew.

6. Mga Mamamayan

Naniniwala ako na lahat ng tao ay dapat maging sensitive sa kung ano ang magiging epekto n’ya sa buhay ng taong kasalamuha n’ya.

Madali kumilos at magsalita ayon sa bugso ng damdamin, ang mahirap ay iyong huminto at mag-isip kung ano ang pangmatagalang epekto ng sariling salita o pagkilos sa ibang tao.

7. Mga Kababaihan

Maging sensitive sana sila sa pamamaraan ng mga kalalakihan. Minsan, marami lang talagang responsibilidad ang mga kalalakihan na nakaka-agaw ng aming atensyon. Kelangan din namin ng emotional support kahit hindi namin ito sabihin (o hindi man namin aminin).

Please, bago n’yo kami bungangaan eh tengahan n’yo muna kami.

Okay, next posting po ulit 🙂

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

14 replies

  1. hahaha, parang prequel ito no’ng post na maraming drowings – about the blogger,hala… grievance session ine? 😉

    ‘lam mo, kapatid, normal i guess sa asawa to prod the husband to be more and to do more, pansin ko lang. most men (excepting those na alpha personality or almost alpha, haha), when let alone, they would do things leisurely, parang… most wives i’ve seen or observed, sila ang nagpu-push sa asawa to accomplish more, to move his ass, ‘ika nga… maybe, at times, nakakairita for the husband, lalo pa at paulit-ulit, hahaha. pero, parte ‘yon ng role ng wife, i-secure ang future ng children, better than what the couples had, kumbaga…^^

    but then, sabi nga ni binky sa itaas, better na mag-usap lagi, bola-bolahin muna, hihihi and make the wifey feel loved and important, hano? trust me, kahit unmarried ang lola mo, that works, as in… to women, importante ang binobola and kina-carino, di nga… ’cause a woman’s tasks never stops and her roles, add up by the day and the hour. hindi sing-simple ng expectation ng society sa kalalakihan na once nagpo-provide regularly, more or less, made na. hindi, e…. mas mataas yata patas ng expectation sa babae, nakaka-pressure. i guess… ^^

    maybe, be kind and considerate to each other, whenever possible. lalo pa at magkalayo. 🙂 basta, ‘lam mo na ‘yon. regards, RP and cheerio! 😉

  2. check lahat ng mga sinabi mo.. lahat nga ata ng tao ay kailangan ng sensitivity…

  3. Ay oo nga po noh. Ang pangit pala pakinggan nung sinabi ko. Dapat pala ‘how to be a pregnant woman’ 😀 Well, hindi po kasi pwede yung parent thingy kasi pwedeng pwede din kayong mga lalaki na maging good parents.

  4. “One lesson in life that we, women, can teach men is how to become pregnant. 🙂 ” Haha, pwede na po ba?

    Kudos dito sa post niyo, sir RP. 😀 Lahat naman tayo kailangan ng sensitivity, kasi lahat tao ay may pakiramdam. Yung sa sagot ni ating Bb. Pilipinas Universe, hmm depende na lang yun sa sitwasyon. Haha 🙂 God bless!

  5. sensitivity para sa lahat, hindi lang sa mga kalalakihan, ang kailangan.. sunud-sunod na ‘yan eh.. ‘pag may sensitivity sa lahat ng usapin, sa lahat ng bagay, magkakaroon ng unawaan, tiwala, pagmamahalan, etc.. hehehe

  6. ahem!! kung sasali ka sa beauty contest malamang manalo ka! winner ang mga sagot mo.. hahaha
    pero i doubt kung aabot ka sa 1 min answer. sa haba dapat nga lang blog ka na lang sumagot o kaya eh sa debate..
    🙂
    pero ang ina madalas alam kung merong problema ang anak. Kaya lang kung kelangan kumayod ng mga magulang ayun, kadalasan wala ng panahon na makausap ng masinsinan ang anak.

    hmmm.. minsan sa mag-asawa ang pinaka solusyon lang dyan eh matutong makipagkwentuhan sa asawa para marinig namin kayo.

    communication is always two way and try lang ng mga asawang lalaki na bolahin muna ang asawa tapos tsaka kwentuhan ng mga hinaing sa buhay..

    women are good listener too natataon lang na wala lang makausap masyado kaya they always give great speeches that they often regret. 🙂

    • ahaha, kaya hindi na lang nagsasalita minsan yung mga lalaki eh ang dami pa kasing dapat isa-alang-alang ng mister para makausap ng puso sa puso si misis…

      • hehe diskarte din pag nakuha mo kiliti at ung communicating style ni misis magkakaintindihan din kayo.. naalala ko tuloy noon di rin kami magkaintindihan ni hubby ha lang tinanong ko ang pagkakaintindi nya eh nang-aaasar na ako.. 🙂 pero ngayon naintindihan ko na din sya sa wakas.. mahirap nga talaga makipag-usap pag lahat ng defense (both party) nakataas, di talaga magkaintindihan. hay! really! men are from mars!

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: