Tag Archives: bakasyon sa pilipinas

Mga #WalangPasok Days Para sa Taong 2018

bakasyon pilipinas

Isang Mapagpalang Taon sa ating lahat!

2018 na at malapit na ring matapos ang bakasyon natin. Pero wag masiraan ng loob, narito na ang mga dapat nating abangan na mga Regular National at Special Non-working Holidays ngayong 2018.

Para sa mga Regular National Holidays:

  • New Year’s Day           –      January 1
  • Maundy Thursday      –      March 29
  • Good Friday                 –      March 30
  • Araw ng Kagitingan    –      April 9 (Mon)
  • Labor Day                     –      May 1 (Tue)
  • Independence Day      –      June 12 (Tue)
  • National Heroes Day  –      August 27 (Mon)
  • Bonifacio Day              –       November 30 (Fri)
  • Christmas Day             –       December 25 (Tue)
  • Rizal Day                      –       December 30 (Sun)
  • Eidul Fitr                      –       (To be announced)
  • Eidul Adha                   –       (To be announced)

Para sa mga Special (Non-Working) Holidays:

  • Chinese New Year       –       February 16 (Fri)
  • EDSA People Power   –       February 25 (Sun)
  • Black Saturday            –        March 31
  • Ninoy Aquino Day      –       August 21 (Tue)
  • All Saints Day              –       November 1 (Thu)
  • Immaculate Conception –  December 8 (Sat)
  • Last Day of the Year   –       December 31 (Mon)
  • Additional                    –       Nov. 2 (Fri) at Dec. 24 (Mon)

Maaari pang madagdagan ang mga ito ng mga emergency proclamations kagaya nung ginawa sa panahon ng ASEAN at tuwing may mga kalamidad o sakuna sa ilang mga partikular na lugar at iba pang mga kadahilanan.

Mayroon ding kani-kaniyang espesyal na pagdiriwang ang iba’t-ibang mga probinsiya kung saan nagdi-deklara ito nang walang pasok sa mga paaralan at lokal na tanggapan ng Pamahalaan.

So, kung empleyado ka man o estudyante, sikapan na ang trabaho o pag-aaral at planuhin nang maige ang mga darating na araw ng bakasyon.

Narito ang isang guide para sa long weekends ngayong 2018 mula sa Philippine Star.

long weekends sa pilipinas

Let’s get it on, 2018!

References:

Advertisements

Mga Maaaring Gawin Habang Bakasyon

Hello mga kids, bored na ba kayo sa bakasyon ninyo? Don’t worry, heto na naman si Tito RP para magbigay ng mga unsolicited advice at tips para sa inyo kung paano pasisiglahin ang inyong bakasyon.

dalampasigan
masarap maglakad sa dalampasigan…lalo na kung bakasyon
http://boundlessframe.blogspot.com

Ang mga kabataang Pilipino ay masyadong pampered pagdating sa haba ng bakasyon.

Sa pagkaka-alam ko ay meron kayong tatlong uri ng bakasyon sa loob ng isang taon:

1. Summer vacation (2.5 months)
2. Semestral break (2 weeks)
3. Christmas break (2 weeks)

Wala pa d’yan yung mga bakasyon na gawa ng bagyo, baha o biglaang pag-absent ng titser. Bale humigit kumulang na tatlo hanggang apat na buwang bakasyon sa isang taon! What the…!!!

Ang mga kabataan sa ibang bansa (gaya ng Japan) ay meron lang total na kulang sa dalawang buwang bakasyon sa isang buong taon.

Sayang na sayang ang mga panahong ito kung uubusin n’yo lang sa kalalaro ng games. O kaya eh kakatext, kakanood ng tv at paglalakwatsa ng walang katuturan.

Heto ang mga maipapayo kong magandang paglaanan ng inyong oras habang bakasyon.

1. Mag-aral

Bakasyon na nga eh, aral pa rin?

Oo, bakit? Masama?

Pag-aralan ninyo ang mga bagay na talagang interesado ninyo pag-aralan: mag-drawing, magsulat, mag-painting, mag-swimming, magluto, maglaba, mamalantsa, etc.

Pwede n’yo rin pag-aralan yung mga alam ninyong kasunod na subjects na kukunin ninyo sa susunod na school year. Tataas na ang grades ninyo, marami pa magkaka-crush sa inyo.

2. Magtrabaho

Huwag laging umasa sa ibibigay na pera ng mga magulang. Bigyan n’yo sila ng break pag bakasyon.

Mag-apply sa mga summer jobs na available sa gobyerno, sa mga fast foods, o kaya naman eh kahit mag-tinda ng sa-malamig.

May sariling pera na kayo, lalawak pa experience n’yo, may dagdag job credentials pa para sa inyo at marami pa kayong makikilang bagong mga cute na guys o gals.

3. Tumulong sa bahay

Bumawi naman kayo sa inyong mga magulang ngayong bakasyon.

Maghugas ng plato, magwalis ng sahig, magpunas ng alikabok, alagaan ang mga batang kapatid, magligpit ng tinulugan, maghain ng pagkain, at iba pa.

Matutuwa ang mga magulang ninyo at baka maisipan pang dagdagan ang allowance n’yo. Praktis na rin ‘yan ng inyong skills para sa future ninyong buhay na may sariling pamilya.

4. Mamasyal

Nakakabagot din yung laging nasa bahay ah.

Masarap sana pumunta sa mga malalayong lugar lalo na kung may pera. Pero kung walang budget, andyan naman lagi ang mga mall. ‘Wag na lang magdala ng pera para makatipid.

Kung may bisikleta kayo, mamasyal sa inyong neighborhood habang nakabisikleta. Magandang ehersisyo ito, umiwas lang sa lugar na maraming asong mahilig manghabol ng mga bagay na gumagalaw.

5. Sumali sa community activity

Magpa-register sa mga community o church activity sa inyong lugar. Marami kayong makikilala at magkakaroon pa kayo ng silbi sa ibang tao. Masarap ang sense of fulfillment at sense of value kapag nagpa-participate sa mga ganitong okasyon.

Minsan makakalibre ka rin ng masasarap na pagkain sa mga ganitong activity.

Okay, ’til next post ulit.