Rurouni Kenshin Movie Rebyu

Para sa mga nag-aabang ng announcement sa international release date ng pelikulang ito, paki-bookmark na lang po ang pahinang ito at balik-balikan ninyo.

Nov. 1, 2012 – ipapalabas sa Germany ang Rurouni Kenshin sa Nov. 4 at Nov. 7 sa darating na Asia Film Festival. Link: Asia Filmfest 2012

Ilalabas na rin sa Dec. 26 ang Bluray at DVD ng pelikulang ito sa Japan. Link: Asmart Exclusive Special Release

Oct. 31, 2012 Update – ipapalabas sa Singapore mula Nov. 29 ang Rurouni Kenshin ayon sa Announcement ng Hobby Frontier sa kanilang facebook page. Link:  FilmGarde Cineplex  Info Page

Oct. 30, 2012 Update – ipapalabas ang Rurouni Kenshin movie sa Los Angeles mula Dec. 14 hanggang Dec. 16 sa LA EigaFest 2012. Link: http://www.laeigafest.com/

Oct. 19, 2012 Update – naglabas ng anunsyo ang SM Cinema na ipapalabas sa Dec. 5 ang Rurouni Kenshin movie sa Pilipinas. Link: SM Cinema Ticket and Schedule Info

Ipapalabas din ito sa 16th Japanese Film Festival sa Australia. Nov 21 sa Sydney at Dec 5 sa Melbourne: http://www.japanesefilmfestival.net/film-rurounikenshin.html

Sep. 21, 2012 Update – ipapalabas ang Rurouni Kenshin movie sa 45th Sitges, Catalonia International Film Festival sa Spain mula Oct. 4 hanggang Oct. 14
http://sitgesfilmfestival.com/eng/film/?id=10002596

Sep. 9, 2012 Update – ipapalabas ang Rurouni Kenshin live action movie sa 17th Busan International Film sa South Korea mula Oct. 4 hanggang Oct. 13 http://www.cinemacafe.net/news/cgi/release/2012/09/13758/

*****************************************************************************
*****************************************************************************

Sa lahat ng mga kababayan kong mahilig sa anime at fan ni Kenshin Himura. Dito ko na lang ipo-post ang aking movie review sa live action film ng Samurai X. Wala na po ako ibang blog site kaya patawarin nawa ako ng mga kababayan kong hindi interesado sa ganitong uri ng mga post.

Agosto 25 pa lang ang Premiere nito pero may advanced screening sa ilang mga sinehan mula Agosto 22 hanggang Agosto 24.

diskwentadong advanced screening ticket ng pelikula

Pinanood ko ang advanced screening ng pelikula Agosto 24, 2012. Ang oras ng palabas na nabili ko ay nagsimula ng 9:35PM at natapos ng alas-12 ng hatinggabi. Mura ang ticket ‘pag late show at may discount sa mga kalalakihan ‘pag Biyernes. Subalit sa kasawiang palad, hindi ko nakuha ng pareho ang discount. Diskwento lang para sa mga kalalakihan ang nakuha ko. Abusado daw ako masyado.

Narito na po ang aking puna sa pelikulang sa tingin ko ay matagal pa bago ma-pirata.

  • Mga Karakter

dinekwat na mga imahe galing sa rurouni-kenshin.jp

Kenshin Himura – sa tingin ko ay masyadong bata ang kinuha nilang artista para sa karakter ni Himura. Nakatulong lang ng malaki sa acting n’ya ang pagiging fan rin n’ya kay Himura mula pa sa kanyang pagkabata. Magilas ang mga kilos n’ya sa mga fight scenes at hindi masyadong kengkoy ‘pag nakakatawa ang mga eksena kaya pwede na.

Kaoru Kamiya – maganda at magaling umarte para sa akin ang gumanap kay Kaoru. Isa s’yang sumisikat na batang aktres sa Japan. Mala-Julie Montes at Kathryn Bernardo.

Yahiko Myoujin – hindi ako masyado nagbilib sa karakter n’ya sa pelikula. Sa comics ay isang batang matured si Yahiko. Pero sa pelikula, parang pasaway lang s’yang bata.

Sanosuke Sagara – hindi ko gusto ang hitsura ng gumanap sa karakter nito. Bagamat nakita s’ya sa maraming fight scenes, pakiramdam ko’y hindi na masyado naasikaso ng direktor ang karakter nito dahil sa dami ng mga karakter at limitasyon sa oras.

Megumi Takani – magaling na artista ang gumanap kay Megumi pero parang hindi n’ya bagay ang karakter dahil matured ang karakter ni Megumi samantalang ang artistang gumanap ay bata pa. Sa tingin ko’y hindi naglalayo ang edad nila ng gumanap kay Kaoru. Sa mga hindi nakakakilala sa mga gumaganap na artista, hindi na siguro mapapansin iyon.

Hajime Saitou – sa anime at sa comics, irerespeto mo si Saitou sa kanyang mga prinsipyo at galing sa pag-espada pero sa pelikula, hindi masyado naipakita ito. Subalit sa tingin ko ay tama ang aktor na pinili nila para sa karakter.

Jin-e Udou – o Kurogasa sa comics at sa anime ay mukhang trying hard na bugbugin at walang talagang kakayahan na kagaya ni Himura. Subalit sa pelikula, mas katatakutan ang karakter ni Kurogasa. Uhaw s’ya sa dugo at brutal ang mga eksena kapag nakikipaglaban s’ya. Hindi s’ya pipitsuging swordsman lang. Magaling ang karakter na ito kumpara sa comics at anime.

  • Fight Scenes

dinekwat na production pic mula sa eiga.com

Maraming fight scenes subalit ang mga pinaka-importante lamang ay ‘yung mga andun si Kenshin Himura. Kapag si Kurogasa lang ang nasa fight scene, tumitilamsik lang na dugo ang mapapansin mo. Hindi rin kapana-panabik ang fight scenes ni Sanosuke.

1. Battousai vs Isang hukbo ng mga rebelde

Kung matagal ka ng hindi nakakapanood ng Samurai X, ipapa-alala ng pambungad na fight scene na ito kung ano’ng klaseng swordsman si Himura. Magaling ang choreography ng fight scenes kaya lang maikli, kaya bitin.

2. Kenshin vs Isang buong pangkat ng mga gangster

Madalang makita sa hand to hand combat si Kenshin sa comics at sa anime pero ipinakita ito sa pelikula. Magaling din ang choreography at mapapa-iling ka habang nakangiti sa liksi ni Himura.

3. Kenshin vs Saitou

Hindi masyadong nakakabilib ang fight scene na ito kagaya ng fight scene sa anime nung muling magtagpo ang dalawa matapos maitatag ang bagong Imperyo ng Meiji. Magilas si Himura pero kulang pa sa choreography si Saitou.

4. Kenshin vs Sanosuke

Nonsense at walang katorya-torya. Pero hindi rin naman sayang ang eksenang ito dahil dito sila naging magka-kampi.

5. Kenshin vs Mga palamunin ni Kanryu

Si Kanryu ay isa sa mga importanteng villain ng pelikula bagamat minor character lang s’ya sa comics at sa anime. Nang sinugod ni Himura at Sanosuke ang mansyon nito, dumaan muna sila sa mga palamuning goons ni Kanryu. Bakbakan kaliwa’t kanan at lumilipad na Kenshin Himura ang makikita dito. Anime na anime ang dating.

6. Kenshin vs Ge-in

Si Ge-in ay isang puppet master at alagad ni Enishi sa comics. Lumalaban ito gamit ang mga strings at siya’y isang matandang lalaki. Subalit sa pelikula, siya’y naglilingkod kay Kanryu, hindi matanda, gumagamit ng maikling mga espada at mga baril. Maging ang costume n’ya sa pelikula ay kaiba sa original na karakter sa comics.

Magaling din ang fight scene ni Kenshin at Ge-in sa pelikula at sa kanya unang nagpakita ng galit si Himura. Alam natin si Kenshin ‘pag nagagalit, muntik-muntikan na nakakalimot sa sarili. (Updated: August 31, 2012)

7. Kenshin vs Kanryu machine gun

Ibang-iba ang bersyon nito sa comics at sa anime pero magaling pa din ang naging paraan nila sa pagsagupa sa machine gun.

8. Kenshin vs Kurogasa

Ito ang fight scene ng lahat ng fight scenes. Sulit at hindi bitin. Maliksi at kahanga-hanga. Gugustuhin mo ring maging samurai ‘pag nakita mo ang gilas ni Kenshin. Nakalimot si Himura sa kanyang sarili sa labanang ito at ipinakita ang tunay n’yang bangis sa samurai kahit baligtad ang talim nito. Classic na laban ng isang uhaw sa dugo at isang ayaw kumitil ng buhay.

  • Istorya

dinekwat ulit sa rurouni-kenshin.jp

Mayroong mga binago ang pelikula mula sa original na istorya ng comics at anime. Ilan sa mga binago nito ay ang:

  1. Dahilan ni Kenshin na huwag na kumitil ng buhay (baka mabago pa ito sa Part 2)
  2. Nawala ang buong Oniwabanshu gang sa pelikula na pinamumunuan ni Aoshi
  3. Pag-introduce ng mga bagong karakter na hindi importante

Dahilan na rin sa ikli ng oras at dami ng mga karakter na sabay-sabay na inilibas sa pelikulang ito, sa tingin ko’y napabayaan ang build-up ng ibang karakter. Ang pelikulang ito ay ginawa hindi lang para sa mga dati ng tagahanga ni Himura kundi para rin sa mga manonood na hindi kilala si Kenshin Himura.

Hindi nawala ang mga tema na umiikot kay Kenshin gaya ng pilit n’yang paglimot sa kanyang nakaraan, ang paninindigan n’yang huwag kumitil ng buhay, pagpapahalaga sa dignidad at pagta-tanggol sa mga naaapi.

Sa kalahatan, ang pelikula ay isang mahusay na pagtatangka bagamat marami pa ring mapupuna ang mga diehard fans ng orihinal na Kenshin ng comics at anime.

  • Quotable Quotes

“Hindi mo kailangang  pumaslang upang ipagtanggol ang mga mahal mo sa buhay.” – Kaoru Kamiya

“Ipapagamit mo ba ang iyong kakayahan sa ganu’ng uri ng tao?” – Kenshin Himura

  • Memorabilia

Bumili ako ng ilang memorabilia sa sinehan kung saan ako nanonood ng Rurouni Kenshin. Isang booklet at isang folder. Narito ang ilang scan, paki-click na lang para makita ng mas malaki. Pasensya na rin at hindi ko maihiwalay sa gallery ang mga larawang inilagay ko na sa taas. 

Isinama ko na rin dito ang litrato ng ilang merchandise para i-promote ang pelikula.

Kasalukuyang rating ng pelikula sa Japan: http://eiga.com/movie/56790/

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

29 replies

  1. alam ko po blogs and stuffs like that lng tlga nla2man ng site na2, pro should you consider posting the movie itself here 🙂 share your blessings nman sa mga nkpanuod na..

    • mahirap mag-post ng mga ganun, una masyado mahigpit sa mga sinehan, tapos matindi na rin ang parusa sa mga illegal uploading ng copyrighted at licensed na pelikula, isa pa, hindi pa nare-release yung official dvd

      kapag naipalabas na siguro sa tsina ito, magkakaroon na ng mga libreng kopya online 😀

  2. Ngayong araw na ito October 15 ipapalabas ang pelikula sa Pinas! Waaaa I am so freakin’ excited. LOL I hope despite your review, I’m still gonna enjoy the movie. So diehard fan of Kenshin. 😀

    • hi jenny, salamat sa comment. saan mo nakuha yung info na ipapalabas sa oct 15 yung movie sa pilipinas?

      wala pang ni-release na info yung side ng japan tungkol sa pagpapalabas sa ibang bansa aside korea at spain. hindi pa rin nakapag-release ng official date yung movie punch at SM cinema.

      paki-send naman ng link sa info 🙂 kahit anong hanap ko sa internet, di ko makita ang info na ito 😦

      • waaahhh! ngayon lang ulit napadalaw dito 😀 anyway, kuryente pala yung press release ng SM Cinema na they will show Rurouni Kenshin last October 15 kasi na move daw ang scheduled date na wala namang final date kung kailan kasi they will still talk to the production management chorva. tsk 😦

  3. Salamat sa review ng movie na to naaliw ako kung pano mo i larawan ang mga karakter sa movie na to, super fanatic talaga ako ng samurai x since highschool pa actually expected ko na tlaga n magkkaroon to ng liveaction noon pa yun nga lang di ko lang alam kung kelan at ngayon na meron na excite talaga ako, nag hihintay lang ako n mapalabas eto sa Manila wala pa lang confirmation sa distributor pero umaasa pa rin ako. Kaya ang swerte mo at nakapanood ka na sana kami rin..

    • hello normalyn, salamat sa pagbisita at pagbabasa 😀 marami nga ang nag-aabang ng pelikula na ito sa maraming bansa, sa tingin ko magiging blockbuster ito sa pilipinas…

      naga-update ako ng announcement kung kelan ito ipapalabas sa ibang bansa. sana sa susunod eh info na tungkol sa release sa pilipinas ang masagap kong info 😀

  4. hi! maraming salamat sa pagpost ng movie review mo dito. naaliw ako sa style ng pagsusulat mo, at sa paggamit mo ng filipino ng diretso!
    isa din akong big fan ng samurai x. elementary pa lang ako eh pinapangarap ko na si kenshin. haha. sa sobrang kagustuhan kong mapanood ito agad, eh inisip kong maghanap ng boyfriend na japanese para lang makapunta dun nung august 25 at mapanood ito. after manood ng movie, ibbreak ko na siya. ^^. ang isa ko pang ginawa ay inemail ko ang warner bros, asking them kung kelan irerelease ang dvd copy ng movie na ito. apparently, just like what you said, next year pa! nagdugo ang puso ko sa naging reply nila.
    anyway, thank you ulit for posting the review.
    nga pala, meron pang labahan dito sa bahay. kelan ka free para malabhan na yun?

    • hello origrioteer, salamat din sa pagbisita mo dito at pag-iwan ng comment. natawa ako sa naisip mong paraan para makapanood nitong live action movie ng rurouni kenshin. nakahanda kang sumugat ng puso para lang kay kenshin haha bad ‘yun. hindi mo rin maa-apreciate masyado kung hindi ka nakaka-intindi ng japanese dahil wala pa silang english sub-title. aantukin ka lang sa mga portion na nagu-usap-usap lang sila.

      ayus yung naisip mong sulatan ang warner bros. subukan kong i-email ang gaga corporation japan kung ilalabas ba ito sa mga sinehan sa ibang bansa o diretso na dvd. sa tingin ko hindi sila malulugi kahit sa sine nila ito ipalabas. maganda ang pelikula at magandang ulit-ulitin ang mga fight scenes ni rurouni kenshin.

      marami pa ko nilalabhan eh, sarili ko ngang karsonsilyo, di ko maasikaso, mag-coin laundry na lang muna kayo hehe

  5. Hindi mo ba ipopost ang buong movie? ^_^
    Sinubaybay ko ito noon… Meron na palang movie..tsk tsk saang lupalop ba ako napunta at mukhang naiwan na yata..

    Gandang araw po… =)

    • Hello CrazyFrog, wahahaha hindi ko pwede i-post dito ang buong movie, ‘pag nahuli ako, mawawalan ako ng blog site 😀 ipo-post ko na lang dito yung international release date ng pelikula kapag nalaman ko na…pwede na ‘yun hehe

      uy, nasa israel ka nga? share ka pa dami pics ha? bisitahin ko blog mo…

  6. Wow! Dumayo ka talaga para makanood :O Kung magkakaroon ng translation sana hindi masabutahe ang pelikula dahil sa dubbing! Kung hindi, maghahanap na lang ako ng subs.

  7. salamat sa review man, correction lang, si gein ay kasama sa comics, sa jin chuu arc sya nagpakita at
    actually,nandun na sya sa kyoto arc pa lang pero hiding as IWANBO XD

    • hello dante, salamat sa pagbisita. salamat din sa correction 😀 ibang-iba ang gein na nasa pelikula at ang gein na nasa comics at anime.

      walang kinalaman sa puppetry ang gein sa pelikula at hindi si kanryu ang boss nya sa comics kundi si enishi. pero salamat pa rin, iko-correct ko ang sinulat kong info.

  8. waaaaah. nakakainggit. kailan kaya magkakaroon ng torrent nito dyusko!sobrang nainggit ako kasi nasa japan ka huhuhu

    • Hello superjaid. Naka-schedule din ipalabas internationally ang Rurouni Kenshin kaya maghintay ka lang. Pero baka next year na iyon dumating sa Pilipinas. Papanoorin ko ulit ito ‘pag meron ng English version. Kulang ang isang beses na panonood ng pelikulang ito.

  9. maganda to, mahiligin ako sa mga ganitong klaseng movie,,,,

    • Salamat sa pagbisita, Manul. Kung action ang hanap mo, hindi ka malulugi sa pelikulang ito. Pero mas maganda kung may background ka na sa mga character.

      • Patriot, wala bang CD? Paki fedex naman 🙂

        HI sa inyong mga Ginoo!

        • Hello Chilled. Nanonood ka ba ng mga ganito? Matagal pa bago magka-VCD, DVD o Bluray ang pelikulang ito. Pati yung English version nito baka next year pa lumabas. Maipalabas sana sa Pilipinas.

          • Naku alam mo bang yan na lang ata ang aking napapanood? (.. minsan feeling ko gusto ko ako yung bidang babae na sumasagip ng mga kaharian, cool di ba?)

            Kung hindi Disney movies, yang mga ganyang klaseng adventure-fiction…

            Pambiha! may mga anghel ako di ba?

            Kung anong gusto nila, wala akong panalo, promise! 🙂

            Maabangan nga iyan….NEXT YEAR! Pambihira!

            • Ahaha, naiintindihan kita, Chilled. Kapag kasama ko rin ang anak ko, kung ano pinapanood n’ya, ‘yun lang din ang napapanood ko. Na-memorize ko na rin lahat ng pambatang kanta na gusto n’ya. Magugustuhan ng mga anak mo ang pelikulang ito pero dapat ma-edit muna yung mga violent scenes. Hindi ko ina-advise ipapanood ‘yun sa mga elementary students.

              • hay naku huwag kang mag-alala…nanonood nga kami ng Resident Evil na ako ang nakatakip ng mata, tapos sasabihan akong, “Why be afraid mom? Its only a movie. It doesnt happen in real life di ba? ” hhahahahha wagas!!!

                Naku tama ka, kabisado ko na rin lahat ng gusto nilang kanta at pati si spongebob na di ko maintindihan kung bat ganun tumawa eh inaabangan ko na rin hahahahah

              • Hindi ko kaya panoorin mag-isa ang resident evil hehe. Gusto mo na rin pala si spongebob, kumukuha ako ng kabulastugan, este, idea minsan kay spongebob eh.

              • hahahahha… naku ako ay nakatago sa unan sa diyaskeng Resident Evil na iyan! Kayganda lamang ng bida kaya, hmmmm ayun gusto na rin…

                Hay naku, kabisado ko na ang mga linya nina Spongebob, Patrick at Mr Crabs! ayoko yung pusit laging negatibo hihihihi

      • kaya nga, ang hirap ng mga pangalan ha,,,,

Trackbacks

  1. Sweet souls « 35andupcynicismonhold

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: