Isang araw sa lupain ng mga wika, galit na galit na hinarap ni wikang Filipino si wikang Inggles.
Filipino: Hoy, Inggles!
Filipino: Ano ‘tong ipinagkakalat mo sa ibang mga wika na nakakahigit ka sa akin sa lahat ng larangan?! At kakaunti lang ang aking alam?!
English: Whoa! What are you so angry about?
English: I’m merely stating a fact.
Filipino: “Fact” mo mukha mo!
Filipino: Masyado kang mayabang!
Filipino: Akala mo alam mo lahat!
Filipino: Baka ‘pag binigyan kita ng mga alam kong salita eh dumanak ang dugo mula d’yan sa ilong mo!
English: You can’t possibly come up with anything that I don’t know.
English: You have absolutely nothing!
Filipino: Hambog ka talaga!
Filipino: Heto! Sabihin mo nga ito!
English: Give me your best shot.
Filipino: Si Aling Nena ay nagtampo kay Mang Pedro nang hindi s’ya binigyan ng pang-mahjong.
English: Pffft! That’s easy.
English: Mrs. Nena…
Filipino: MALI!!!
English: What’s wrong?
Filipino: Hindi ko sinabing “Ginang”, sabi ko “Aling”!
Filipino: Pa’no mo nalamang may asawa si Aling Nena?
Filipino: Malay mo kung matandang dalaga s’ya?
Filipino: Wala din akong sinabi na mag-asawa si Aling Nena at Mang Pedro.
Filipino: Wag mo sabihing, “Aling Nena” lang eh ‘di mo kaya sabihin?
English: Let me think about that, I’ll get back to you on that one.
Filipino: Eh yung “nagtampo”, alam mo ba sabihin?
English: She held ill feelings towards him.
Filipino: Ang haba naman ng sinabi mo.
Filipino: Hindi mo kaya sabihin ang salitang “nagtampo” sa isang salita lang ano?
English: . . .
English: I’m afraid I can’t.
Filipino: Eh ito, “Nagalit s’ya sa kanyang asawa.”
English: He or she got angry at his or her husband or wife.
Filipino: Ano pinagsasabi mo?
Filipino: Wala ako naintindihan.
English: I have to specify what the person’s gender is.
Filipino: Tingnan mo na?
Filipino: Ako, kaya ko itago ang kasarian ng tinutukoy kong tao.
Filipino: Ikaw, hindi mo kaya.
English: That’s not true in all cases, you know.
Filipino: Heto pa isa, “Nausog ko yata ang bata.”
English: I think I made usog the child.
Filipino: Huwag kang mandaya!
Filipino: Hindi mo rin alam ang “usog”, ano?
English: (sigh) No I don’t.
Filipino: Hindi pa ‘ko tapos.
Filipino: Sabihin mo nga ito, “Pang-ilang Pangulo ng Pilipinas si Noynoy Aquino?”
English: I know that one.
Filipino: Sige, sabihin mo.
English: Give me a minute.
Filipino: Ang tagal naman!
English: In what consecutive numbering order is Noynoy Aquino among the Presidents of the Philippines?
Filipino: Napakahaba na ng sinabi mo, hindi ko pa maintindihan.
Filipino: Para kang nagpapaliwanag ng mga batas ng kalawakan!
Filipino: Eh yung, “Pigaan mo ng kalamansi ang mantsa ng damit.”?
Filipino: Kaya mo ba sabihin ‘yun?
English: Okay, I admit, I misjudged you.
English: You do have words that I do not know.
English: You do have words that only you could express well.
English: I…am…sorry.
English: I take back every belittling words I said against you.
Filipino: Gusto ko ng public apology.
English: Hey, you can speak like me.
Filipino: Of course I can.
Filipino: What do you think of me, thinking of you?!
Magmula nuon ay iginalang na ni wikang Inggles si wikang Filipino at hindi na muling nilait pa.
Wakas
Categories: Halu-halo
Ikinatuwa ko ito 😀
LikeLike
salamat 😉
LikeLike
Ang bagsik.
LikeLike
maraming salamat ser J! wala pa ring mas babagsik kay dong wahaha hindi maka-move on kay dong dilig 😀
LikeLike
Eh ang sayang? Antagal ko na pinag-iisipan un eh.. Di rin matranslate sa ingles.. 🙂 galing talaga ang wikang Filipino! Clap clap
LikeLike
yung “sayang” eh “what a waste” ang alam ko, di ko lang alam kung madalas gamiting expression ng mga native english speakers ‘yun. pwede ring “tsk tsk tsk”
example: What a tsk tsk tsk life! 😀
LikeLike
oo nga!! hahaha.. natawa naman ako dun!
LikeLike
“What turn…?” daw ang English ng “Pang-ilan..?” Pero di siya standard, marami pang ibang pwedeng interpretation at translation para sa tanong na “pang-ilan” 😀
LikeLike
Hmmm…”What turn is Noynoy Aquino among the Presidents of the Philippines?” ba ‘ika mo? Parang hindi n’ya pa rin naiko-convey yung eksaktong tinutukoy ng tanong na “Pang-ilang Pangulo ng Pilipinas si Noynoy Aquino?” Isa ang salitang “pang-ilan” sa mga salitang Filipino na mahirap i-translate diretso sa wikang Inggles.
LikeLike
ito na, ito na talaga ang paborito kong post dito,,,,,bukod sa pagbibigay ng karangalan kay Inang Wika, maganda pa ang istorya, boom para sayo
LikeLike
salamat at nagustuhan mo, manul 😀
LikeLike
ganda ng pagkagawa mo,,,,,,
LikeLike
maligayang araw ng paglalabada, Sabado ngayon, araw ng iyong laba. hahahahaha
LikeLike
salamat sa pagbisita, 25peso…kagabi ko pa isinulat yung post para makapaglaba ako ng maayos ngayon hehe
LikeLike
hehe, nais ko kasi sana “ipalampaso” ang floor-tiles here. hehe. shaks, napa ingles tuloy.
LikeLike
paumanhin, hindi ako naglalampaso…naglalaba lang ako
LikeLike
kasi ung titulo mo po, dun nagmula ang ideya. ayun oh.
LikeLike
hindi ako ang naglampaso…si wikang filipino
inilampaso ni wikang filipino si wikang inggles
LikeLike
🙂
LikeLike
I like this one Patriot!!!!
Ako ay napatawa, as in…
Napakagandang bungad sa aking umaga!
Apir nga jan Patriot!
Sige ilampaso ang wikang banyaga, lalo na pag nagyayabang lang 🙂
LikeLike
Salamat at nagustuhan mo, Chilled hehe
LikeLike
Ang cute nilang mag-usap…
Sya nga pala , ang taray ng Pinoy ha?
Taga saan ba iyan at nang mabigyang parangal!
LikeLike
‘Lam mo naman ang Pinoy, hindi palalagpasin ang ganyang mga bagay. Hindi ko pa alam kung taga-saan eh hehe
LikeLike