NAIA Terminal 3 – Ito Ang Airport!

Pinalad akong masilayan ang NAIA 3 kamakailan lamang sa kauna-unahang pagkakataon at ako’y nabighani. Kung ganitong airport ang makikita ng mga dayuhang bisita ng ating bansa at hindi ang lumang Terminal 1, sa tingin ko’y mae-engganyo lalo silang magbalik-balik sa Pilipinas.

Sino mang Pilipinong balikbayan ay hahanga sa airport na ito. Mag-uumapaw ang galak sa kanyang puso at mamumutawi sa kanyang mga labi ang mga katagang, “Oh my golly gee! Is this the Philippines?! It’s so fun in the Philippines na talaga ha! Super like!!!”

Narito ang mga kuha sa low resolution kong lumang digicam. Paki-click na lang para lumaki.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

27 replies

  1. hi po tanung ko lng po kong mangagagalung po kmi ng manila to bacolod my terminal fees pa po ba yon?at pwedi po bang magdala ng sabon lotion at deodorant sa handcarry.

  2. pwde vah mgdala ng kitchen nife sa main bagage?

  3. Hello po good evening
    Totoo po ba na pinagbabayad ng tax ang mga ofw sa NAIA? Kahit chocolates lang daw po na galing dito sa ibang bansa may tax at hinaharang sa airport?

  4. Hi admin ask ko lang po wala po ba kaming magiging problema kung ang ticket namin ng mga friends ko ay Manila – Macau (entry) then Hong Kong – Manila (exit) .2 days Macau and 3 days Hong Kong..And okay lang po ba na guesthouse po ang pag stayan namin (airbnb) namin sia pina booked..Hope to get a response from you…Salamat in Advance. πŸ™‚

  5. Madami na nga nabago dyan.. Dumami na ang kainan tsaka pwedeng maghatid hanggang sa loob kahit walang passport pwedeng makakapasok.. Ung ibang mga airlines dapat last year pa lumipat ng terminal katulad ng cathay at delta.. Mas malaki kasi ang lugar para sa immigration mas mabilis sana ang pagprocess ng mga pasahero unlike sa t1 na sobrang congested pag nagsabay sabay mga airlines.. πŸ™‚ sabi ung clark aayusin na.. Dun na ililipat ng ibang malalaking airlines.. Di kasi kaya ng runway natin ung sabay sabay na dating ng salipawpaw.. πŸ™‚

    • hello binky, salamat sa comment.

      ngayon ko lang kasi nakita itong naia 3 kaya di ko alam kung anu-anong improvement ang nagawa. marami ngang plano sa naia 3 dati ang hindi natuloy dahil sa mga legal battles sa mga contractor pero parang naaayos na ng gobyerno kaya sana nga ilipat na ang mga foreign airlines dito.

      tapos gibain na nila yung naia 1 once and for all hehe o kaya gawin na lang domestic airport

  6. yan ba ang bagong airport? gawa na pala? i mean bukas na

  7. Improving. Galing ng Pinoy!

  8. Super Like nga. ‘Di ko kasi nasilayan ang Terminal1 kasi diyan ako lagi dumadaan.
    Sana maayos na ang ilang paliparan natin para naman hindi na tayo number 1 sa pinaka-worst daw. Kakalungkot yon ah

    • Ginoong JK, isang mabuting bagay para sa ‘yo ang ‘wag ng masilayan pa ang Terminal 1 dahil madi-discourage ka lang. Kung hindi pa ito tinira ng isang international critic, baka hindi na ito inasikaso kahit papaano. Sa kasamaang palad, mas marami pa ring international airline ang gumagamit ng Terminal 1 hanggang sa ngayon. Sana nga ay umayos na ang mga paliparan sa ating bansa.

  9. Hindi ko napansin yan kasi nagmamadali akong lumabas ng airport… siguro mga 15minutes lang itinagal ko sa airport na yan…. ganyan pala yan? hehehe

  10. Uy Patriot! nasa Pinas ka na pala?
    Talaga lang ha!!! Ang galing! Bakasyon grande?
    Happy Happy sa pagbabalik!

Trackbacks

  1. Detalyadong International Flight Procedures Para sa NAIA Terminal 1 at 3 « The Pinoy Site

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: