Tag Archives: samurai x

Rurouni Kenshin Movie Rebyu

Para sa mga nag-aabang ng announcement sa international release date ng pelikulang ito, paki-bookmark na lang po ang pahinang ito at balik-balikan ninyo.

Nov. 1, 2012 – ipapalabas sa Germany ang Rurouni Kenshin sa Nov. 4 at Nov. 7 sa darating na Asia Film Festival. Link: Asia Filmfest 2012

Ilalabas na rin sa Dec. 26 ang Bluray at DVD ng pelikulang ito sa Japan. Link: Asmart Exclusive Special Release

Oct. 31, 2012 Update – ipapalabas sa Singapore mula Nov. 29 ang Rurouni Kenshin ayon sa Announcement ng Hobby Frontier sa kanilang facebook page. Link:  FilmGarde Cineplex  Info Page

Oct. 30, 2012 Update – ipapalabas ang Rurouni Kenshin movie sa Los Angeles mula Dec. 14 hanggang Dec. 16 sa LA EigaFest 2012. Link: http://www.laeigafest.com/

Oct. 19, 2012 Update – naglabas ng anunsyo ang SM Cinema na ipapalabas sa Dec. 5 ang Rurouni Kenshin movie sa Pilipinas. Link: SM Cinema Ticket and Schedule Info

Ipapalabas din ito sa 16th Japanese Film Festival sa Australia. Nov 21 sa Sydney at Dec 5 sa Melbourne: http://www.japanesefilmfestival.net/film-rurounikenshin.html

Sep. 21, 2012 Update – ipapalabas ang Rurouni Kenshin movie sa 45th Sitges, Catalonia International Film Festival sa Spain mula Oct. 4 hanggang Oct. 14
http://sitgesfilmfestival.com/eng/film/?id=10002596

Sep. 9, 2012 Update – ipapalabas ang Rurouni Kenshin live action movie sa 17th Busan International Film sa South Korea mula Oct. 4 hanggang Oct. 13 http://www.cinemacafe.net/news/cgi/release/2012/09/13758/

*****************************************************************************
*****************************************************************************

Sa lahat ng mga kababayan kong mahilig sa anime at fan ni Kenshin Himura. Dito ko na lang ipo-post ang aking movie review sa live action film ng Samurai X. Wala na po ako ibang blog site kaya patawarin nawa ako ng mga kababayan kong hindi interesado sa ganitong uri ng mga post.

Agosto 25 pa lang ang Premiere nito pero may advanced screening sa ilang mga sinehan mula Agosto 22 hanggang Agosto 24.

diskwentadong advanced screening ticket ng pelikula

Pinanood ko ang advanced screening ng pelikula Agosto 24, 2012. Ang oras ng palabas na nabili ko ay nagsimula ng 9:35PM at natapos ng alas-12 ng hatinggabi. Mura ang ticket ‘pag late show at may discount sa mga kalalakihan ‘pag Biyernes. Subalit sa kasawiang palad, hindi ko nakuha ng pareho ang discount. Diskwento lang para sa mga kalalakihan ang nakuha ko. Abusado daw ako masyado.

Narito na po ang aking puna sa pelikulang sa tingin ko ay matagal pa bago ma-pirata.

  • Mga Karakter
dinekwat na mga imahe galing sa rurouni-kenshin.jp

Kenshin Himura – sa tingin ko ay masyadong bata ang kinuha nilang artista para sa karakter ni Himura. Nakatulong lang ng malaki sa acting n’ya ang pagiging fan rin n’ya kay Himura mula pa sa kanyang pagkabata. Magilas ang mga kilos n’ya sa mga fight scenes at hindi masyadong kengkoy ‘pag nakakatawa ang mga eksena kaya pwede na.

Kaoru Kamiya – maganda at magaling umarte para sa akin ang gumanap kay Kaoru. Isa s’yang sumisikat na batang aktres sa Japan. Mala-Julie Montes at Kathryn Bernardo.

Yahiko Myoujin – hindi ako masyado nagbilib sa karakter n’ya sa pelikula. Sa comics ay isang batang matured si Yahiko. Pero sa pelikula, parang pasaway lang s’yang bata.

Sanosuke Sagara – hindi ko gusto ang hitsura ng gumanap sa karakter nito. Bagamat nakita s’ya sa maraming fight scenes, pakiramdam ko’y hindi na masyado naasikaso ng direktor ang karakter nito dahil sa dami ng mga karakter at limitasyon sa oras.

Megumi Takani – magaling na artista ang gumanap kay Megumi pero parang hindi n’ya bagay ang karakter dahil matured ang karakter ni Megumi samantalang ang artistang gumanap ay bata pa. Sa tingin ko’y hindi naglalayo ang edad nila ng gumanap kay Kaoru. Sa mga hindi nakakakilala sa mga gumaganap na artista, hindi na siguro mapapansin iyon.

Hajime Saitou – sa anime at sa comics, irerespeto mo si Saitou sa kanyang mga prinsipyo at galing sa pag-espada pero sa pelikula, hindi masyado naipakita ito. Subalit sa tingin ko ay tama ang aktor na pinili nila para sa karakter.

Jin-e Udou – o Kurogasa sa comics at sa anime ay mukhang trying hard na bugbugin at walang talagang kakayahan na kagaya ni Himura. Subalit sa pelikula, mas katatakutan ang karakter ni Kurogasa. Uhaw s’ya sa dugo at brutal ang mga eksena kapag nakikipaglaban s’ya. Hindi s’ya pipitsuging swordsman lang. Magaling ang karakter na ito kumpara sa comics at anime.

  • Fight Scenes
dinekwat na production pic mula sa eiga.com

Maraming fight scenes subalit ang mga pinaka-importante lamang ay ‘yung mga andun si Kenshin Himura. Kapag si Kurogasa lang ang nasa fight scene, tumitilamsik lang na dugo ang mapapansin mo. Hindi rin kapana-panabik ang fight scenes ni Sanosuke.

1. Battousai vs Isang hukbo ng mga rebelde

Kung matagal ka ng hindi nakakapanood ng Samurai X, ipapa-alala ng pambungad na fight scene na ito kung ano’ng klaseng swordsman si Himura. Magaling ang choreography ng fight scenes kaya lang maikli, kaya bitin.

2. Kenshin vs Isang buong pangkat ng mga gangster

Madalang makita sa hand to hand combat si Kenshin sa comics at sa anime pero ipinakita ito sa pelikula. Magaling din ang choreography at mapapa-iling ka habang nakangiti sa liksi ni Himura.

3. Kenshin vs Saitou

Hindi masyadong nakakabilib ang fight scene na ito kagaya ng fight scene sa anime nung muling magtagpo ang dalawa matapos maitatag ang bagong Imperyo ng Meiji. Magilas si Himura pero kulang pa sa choreography si Saitou.

4. Kenshin vs Sanosuke

Nonsense at walang katorya-torya. Pero hindi rin naman sayang ang eksenang ito dahil dito sila naging magka-kampi.

5. Kenshin vs Mga palamunin ni Kanryu

Si Kanryu ay isa sa mga importanteng villain ng pelikula bagamat minor character lang s’ya sa comics at sa anime. Nang sinugod ni Himura at Sanosuke ang mansyon nito, dumaan muna sila sa mga palamuning goons ni Kanryu. Bakbakan kaliwa’t kanan at lumilipad na Kenshin Himura ang makikita dito. Anime na anime ang dating.

6. Kenshin vs Ge-in

Si Ge-in ay isang puppet master at alagad ni Enishi sa comics. Lumalaban ito gamit ang mga strings at siya’y isang matandang lalaki. Subalit sa pelikula, siya’y naglilingkod kay Kanryu, hindi matanda, gumagamit ng maikling mga espada at mga baril. Maging ang costume n’ya sa pelikula ay kaiba sa original na karakter sa comics.

Magaling din ang fight scene ni Kenshin at Ge-in sa pelikula at sa kanya unang nagpakita ng galit si Himura. Alam natin si Kenshin ‘pag nagagalit, muntik-muntikan na nakakalimot sa sarili. (Updated: August 31, 2012)

7. Kenshin vs Kanryu machine gun

Ibang-iba ang bersyon nito sa comics at sa anime pero magaling pa din ang naging paraan nila sa pagsagupa sa machine gun.

8. Kenshin vs Kurogasa

Ito ang fight scene ng lahat ng fight scenes. Sulit at hindi bitin. Maliksi at kahanga-hanga. Gugustuhin mo ring maging samurai ‘pag nakita mo ang gilas ni Kenshin. Nakalimot si Himura sa kanyang sarili sa labanang ito at ipinakita ang tunay n’yang bangis sa samurai kahit baligtad ang talim nito. Classic na laban ng isang uhaw sa dugo at isang ayaw kumitil ng buhay.

  • Istorya
dinekwat ulit sa rurouni-kenshin.jp

Mayroong mga binago ang pelikula mula sa original na istorya ng comics at anime. Ilan sa mga binago nito ay ang:

  1. Dahilan ni Kenshin na huwag na kumitil ng buhay (baka mabago pa ito sa Part 2)
  2. Nawala ang buong Oniwabanshu gang sa pelikula na pinamumunuan ni Aoshi
  3. Pag-introduce ng mga bagong karakter na hindi importante

Dahilan na rin sa ikli ng oras at dami ng mga karakter na sabay-sabay na inilibas sa pelikulang ito, sa tingin ko’y napabayaan ang build-up ng ibang karakter. Ang pelikulang ito ay ginawa hindi lang para sa mga dati ng tagahanga ni Himura kundi para rin sa mga manonood na hindi kilala si Kenshin Himura.

Hindi nawala ang mga tema na umiikot kay Kenshin gaya ng pilit n’yang paglimot sa kanyang nakaraan, ang paninindigan n’yang huwag kumitil ng buhay, pagpapahalaga sa dignidad at pagta-tanggol sa mga naaapi.

Sa kalahatan, ang pelikula ay isang mahusay na pagtatangka bagamat marami pa ring mapupuna ang mga diehard fans ng orihinal na Kenshin ng comics at anime.

  • Quotable Quotes

“Hindi mo kailangang  pumaslang upang ipagtanggol ang mga mahal mo sa buhay.” – Kaoru Kamiya

“Ipapagamit mo ba ang iyong kakayahan sa ganu’ng uri ng tao?” – Kenshin Himura

  • Memorabilia

Bumili ako ng ilang memorabilia sa sinehan kung saan ako nanonood ng Rurouni Kenshin. Isang booklet at isang folder. Narito ang ilang scan, paki-click na lang para makita ng mas malaki. Pasensya na rin at hindi ko maihiwalay sa gallery ang mga larawang inilagay ko na sa taas. 

Isinama ko na rin dito ang litrato ng ilang merchandise para i-promote ang pelikula.

Kasalukuyang rating ng pelikula sa Japan: http://eiga.com/movie/56790/

Advertisements

Rurouni Kenshin (Live Action Movie)

Ang post na ito ay walang anumang kinalaman sa pagiging Pilipino o buhay sa Pilipinas. Gusto ko lang ipaalam sa lahat ng aking mga ka-henerasyon na maaaring nagbabasa ng blog na ito na ang Samurai X live action movie ay ipapalabas na next week sa Japan, ika-25 ng Agosto.

Nung nag-aaral pa ako, di baleng bumagsak ako sa test namin, makapanood lang ng episode ng anime nito hehe. At uso rin nuon ang pagpapasa-pasa ng VHS tapes na may mga recorded episodes ng Samurai X. Iba na talaga ang mga adik sa anime, kahit hindi naiintindihan ang salita, panonoorin pa rin.

Sa mga kabataan ngayon, kung hindi pa ninyo alam ang tungkol sa anime na ito, maire-rekomenda ko ito sa inyo. Nagtuturo ang istorya nito ng pagpapahalaga sa pagsisikap, sa dignidad at karangalan, at sa buhay ng bawat tao. Mga bagay na hindi na masyado pinapahalagahan ng maraming tao sa panahong ito.

Narito ang trailer:

Official Webpage: rurouni-kenshin.jp
Link sa iba pang trailer videos: Movie Trailers

(Update) Napanood ko na ang pelikulang ito. Puntahan ang aking rebyu dito: Rurouni Kenshin Live Action Movie Review

Believe It or Not: Eco-friendly ang Pinoy (Part 2/2)

Hindi naman sa dini-discourage ko ang pamumulot ng mga bagay na pwede pang gamitin. Wala namang batas laban dun at nakakatulong pa nga ito sa pagbabawas ng basura.

Nakaka-tipid din ang Pilipinong nasa ibang bansa dahil hindi na n’ya kelangan bumili ng bagong gamit.  Naipapadala n’ya sa Pilipinas yung perang gagamitin sana pambili ng bagong gamit (‘wag lang sana bulagsak sa pera ang kaanak na padadalhan ng pera sa Pilipinas.)

Kaya lang sa tingin ko, dapat maging maingat ang sinumang Pilipino na gustong magtangka na pumulot ng mga recyclable na gamit sa ibang bansa. Nagiging dahilan ito para sa mga banyaga na tingnan ng mababa ang mga Pilipino.

Gaya ng comment ko tungkol dun sa pananaw ng isang Singaporean sa mga Pilipino, kahit na ano pa ang lahi mo: Filipino, Indonesian, Chinese, Indian, American, etc., dapat mag-ingat sa kung anong impression ang ibinibigay natin sa mga hindi natin kalahi. Kasi (bagamat hindi tama) nahuhusgahan ang buong bansa dahil sa mga ikinikilos ng ilan sa mga mamamayan nito.

Sa ayaw man o sa gusto natin, kapag nagpunta tayo sa ibang bansa, nagiging official representative tayo ng lupang ating sinilangan.

Kung kaya kahit na may magandang benefits sa ating environment at nakakatulong sa pagtitipid, hinding hindi at never talaga ako namumulot ng basura sa bansang kinaroroonan ko.

Maliban lang dun sa isang pagkakataon na may nakita akong isang bunton ng Samurai X comics sa labas ng apartment namin. Luma na pero malinis, walang punit at ang gaganda ng drawing. Hayun ang picture nila sa taas ng post na ito. Sayang din yun ah.

Related Post: Pananaw ng Isang Singaporean sa Pilipinas