Hindi naman sa dini-discourage ko ang pamumulot ng mga bagay na pwede pang gamitin. Wala namang batas laban dun at nakakatulong pa nga ito sa pagbabawas ng basura.
Nakaka-tipid din ang Pilipinong nasa ibang bansa dahil hindi na n’ya kelangan bumili ng bagong gamit. Naipapadala n’ya sa Pilipinas yung perang gagamitin sana pambili ng bagong gamit (‘wag lang sana bulagsak sa pera ang kaanak na padadalhan ng pera sa Pilipinas.)
Kaya lang sa tingin ko, dapat maging maingat ang sinumang Pilipino na gustong magtangka na pumulot ng mga recyclable na gamit sa ibang bansa. Nagiging dahilan ito para sa mga banyaga na tingnan ng mababa ang mga Pilipino.
Gaya ng comment ko tungkol dun sa pananaw ng isang Singaporean sa mga Pilipino, kahit na ano pa ang lahi mo: Filipino, Indonesian, Chinese, Indian, American, etc., dapat mag-ingat sa kung anong impression ang ibinibigay natin sa mga hindi natin kalahi. Kasi (bagamat hindi tama) nahuhusgahan ang buong bansa dahil sa mga ikinikilos ng ilan sa mga mamamayan nito.
Sa ayaw man o sa gusto natin, kapag nagpunta tayo sa ibang bansa, nagiging official representative tayo ng lupang ating sinilangan.
Kung kaya kahit na may magandang benefits sa ating environment at nakakatulong sa pagtitipid, hinding hindi at never talaga ako namumulot ng basura sa bansang kinaroroonan ko.
Maliban lang dun sa isang pagkakataon na may nakita akong isang bunton ng Samurai X comics sa labas ng apartment namin. Luma na pero malinis, walang punit at ang gaganda ng drawing. Hayun ang picture nila sa taas ng post na ito. Sayang din yun ah.
Related Post: Pananaw ng Isang Singaporean sa Pilipinas
Categories: Halu-halo
I love Samurai X. Haha! Pero may point ka, sir. 😀
salamat sa comment, Kim. gusto ko rin ang Samurai X kaya kahit itatapon na comics nito ay pupulutin ko, mapagbigyan lang ang hilig ko 😀