Tag Archives: eco-friendly

Believe It or Not: Eco-friendly ang Pinoy (Part 2/2)

Hindi naman sa dini-discourage ko ang pamumulot ng mga bagay na pwede pang gamitin. Wala namang batas laban dun at nakakatulong pa nga ito sa pagbabawas ng basura.

Nakaka-tipid din ang Pilipinong nasa ibang bansa dahil hindi na n’ya kelangan bumili ng bagong gamit.  Naipapadala n’ya sa Pilipinas yung perang gagamitin sana pambili ng bagong gamit (‘wag lang sana bulagsak sa pera ang kaanak na padadalhan ng pera sa Pilipinas.)

Kaya lang sa tingin ko, dapat maging maingat ang sinumang Pilipino na gustong magtangka na pumulot ng mga recyclable na gamit sa ibang bansa. Nagiging dahilan ito para sa mga banyaga na tingnan ng mababa ang mga Pilipino.

Gaya ng comment ko tungkol dun sa pananaw ng isang Singaporean sa mga Pilipino, kahit na ano pa ang lahi mo: Filipino, Indonesian, Chinese, Indian, American, etc., dapat mag-ingat sa kung anong impression ang ibinibigay natin sa mga hindi natin kalahi. Kasi (bagamat hindi tama) nahuhusgahan ang buong bansa dahil sa mga ikinikilos ng ilan sa mga mamamayan nito.

Sa ayaw man o sa gusto natin, kapag nagpunta tayo sa ibang bansa, nagiging official representative tayo ng lupang ating sinilangan.

Kung kaya kahit na may magandang benefits sa ating environment at nakakatulong sa pagtitipid, hinding hindi at never talaga ako namumulot ng basura sa bansang kinaroroonan ko.

Maliban lang dun sa isang pagkakataon na may nakita akong isang bunton ng Samurai X comics sa labas ng apartment namin. Luma na pero malinis, walang punit at ang gaganda ng drawing. Hayun ang picture nila sa taas ng post na ito. Sayang din yun ah.

Related Post: Pananaw ng Isang Singaporean sa Pilipinas

Advertisements

Believe It or Not: Eco-friendly ang Pinoy (Part 1/2)

Isang mabuting katangian ng Pilipino na maipagmamalaki ko ay ang ugali nating hindi
nagtatapon ng basura basta-basta. Oo nga at maraming nagtatapon ng basura kung saan-saan lalo na sa mga bawal pagtapunan ng basura. Ito ang nagiging dahilan ng pagbaha at pagkalat ng kung anu-anong sakit. Pero ang ibig kong sabihin ay yung hindi tayo nagtatapon agad ng mga bagay.

Sa bahay lang ng mga magulang ko ay napakaraming damit, mga kahon, drawer, timba,
libro, appliances, magazine at kung anu-ano pang mga hindi ginagamit pero hindi pa rin itinatapon.

Marami akong alam na mga tahanang ganito sa Pilipinas. Hangga’t hindi pa tuluyang gutay-gutay at walang wala na talagang silbi ang isang bagay ay hindi ito itinatapon ng maraming Pilipino.

Magandang bagay ito sa tingin ko kumpara sa ugali ng mga banyagang kahit pwede pang
gamitin ang isang bagay ay itatapon na dahil napagsawaan na, nagkaroon ng konting diperensya o wala na sa uso. Magtatapon sila ng refrigerator, washing machine, colored tv, kotse, computer at kung anu-ano pa, kahit pwede pa itong magamit.

Mabuti na lang ang mga Pilipino, kahit saang bansa sila magpunta ay nadadala ang ugali ng
pagre-recycle sa mga gamit. Hindi tayo nagdadagdag ng basura sa ibang bansa, minsan pa nga eh nagbabawas pa.

Minsang ako ay naghihintay ng sakay pauwi sa Pilipinas, naulinigan ko ang dalawang Pilipinong nag-uusap at parang nagpapayabangan tungkol sa mga magagandang bagay na napulot nila sa Japan. Yung isa eh may mga napulot na magagandang pigurin, yung isa naman eh may mga napulot na magagandang electronic appliances gaya ng stereo. ( Ang totoo n’yan, nalimutan ko na kung yun nga ang mga napulot nila pero naaalala ko na nagpayabangan sila sa napulot nila.)

May mga alam din akong ibang Pilipino na nakakakuha minsan ng cd player, bisekleta, microwave oven, keyboard at kung anu-ano pa sa basura.

Pero ako, ayoko mamulot ng basurang pwede ko pang magamit. Nagnais ako dati at nagtangka na din ako (sa kalaliman ng gabi) pero hindi ko pa nagawang isakatuparan ang pamumulot ng basurang pwede pang gamitin.

Naiisip ko, ano na lang ang iisipin ng mga banyaga kapag nalaman nilang namumulot ng basura nila ang mga Pilipino?

(Itutuloy…)

Philippines on Japanese TV

Kinuha ko ang video na ito gamit ang aking low resolution digicam habang nanonood ng tv nung isang gabi. Na-feature ulit ang Pilipinas sa Japanese tv.

Bagama’t merong mga barung-barong na makikita eh hindi naman tungkol sa kahirapan ng Pilipinas ang ipinapakita.

Ipinapakita sa footage ang creativeness ng mga Pilipino pagdating sa pagtitipid ng kuryente at pagiging eco-friendly.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pet bottles na nilagyan ng tubig, nagagamit itong parang bumbilya para sa mga tahanan. Kaya matipid ang mga tahanan sa kuryente pag araw. Nagsisindi na lang sila ng de-kuryenteng ilaw sa gabi. Proyekto din daw ito ng ilang mga NGO groups.

Maraming beses ko na din nakitang ma-feature ang Pilipinas sa Japanese tv. Minsan nga lang eh negative ang laman. Pero at least sa pagkakataong ito eh positive na aspeto tungkol sa Pilipinas ang ipinakita.

Ngayon ko lang din nalaman na may ganito pala sa atin. Pilipino ako pero sa mga Hapon ko pa nalaman ang tungkol dito. Dyahe naman.