Cost of Decent Living (Part 2/4)

Bago ang lahat, ang ibig kong sabihin sa “decent living” ay yung natutustusan ang pangangailangan ng buong pamilya at may kakayahan pang ma-afford ang konting luho kagaya ng kumain ng lobster once every 3 years.

Ang mga sangkap ng decent living sa aking opinyon ay ang mga sumusunod in no particular order:

1. Bahay – na matutuluyan, hindi nakikisilong lang sa bahay ng may bahay (apartment, condo, o rent-to-own house)

2. Appliances/Gadgets – sa panahon ngayon, mas praktikal pa magkaroon ng appliances kesa wala ng mga ito
a) automatic washing machine (para hindi napapagod si misis sa paglalaba sa kamay)
b) refrigerator (para hindi masira agad ang pagkain)
c) aircon (dahil napakainit sa pilipinas pag summer)
d) tv (para sa entertainment)
e) electric fan (dahil magastos sa kuryente ang aircon)
f) stereo (para makapakinig ng radyo)
g) landline phone (para sa internet)
h) celphones (para easy to reach lagi)
i) computer (para makapag-internet)
j) others (mga basic na gamit gaya ng upuan, hapag kainan, panluto, plato, higaan, etc.)

3. Kotse – dahil may mga panahon na hassle sumakay ng dyip o tricycle (kahit maliit na 4 seater lang pwede na)

4. Pagkain – kakayahang kumain ng masustansyang pagkain kapag nagugutom at least 3 times a day (kasama na dito yung kakayahang magluto syempre)

5. Tubig – kakayahang magbayad ng inuming tubig at tubig para sa iba pang gamit

6. Kuryente – para gumana ang mga eletrical na gamit

7. Edukasyon – magawang gastusan ang pag-aaral ng anak

8. Luho – makakain sa labas at least once a week, makapasyal out of town at least once a year o maibili ng regalo ang mga mahal sa buhay

9. Charity – makapagbigay sa simbahan, charity and/or pantulong sa nangangailangan

10. Savings – sa bangko man o sa alkansya, maganda yung may nakatabing pera para sa future na pangangailangan

Sa tingin ko, kahit sinong magkaroon ng kakayahang i-provide sa sarili at sa pamilya ang mga inilista ko sa itaas ay maaari nang i-consider na hindi naghihikahos sa buhay at bagama’t hindi mayaman ay may sapat ng rason para makuntento sa buhay.

Ang tanong ngayon, magkano ang kelangan ko para masustentuhan ito?

(Itutuloy…)

Salamat kay RodCabz para sa litrato sa itaas.
Heto ang link sa iba pa n’yang pics – http://rcabzmd.deviantart.com/

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

4 replies

  1. Kaya ginawa ng Meralco na 5 pesos/hour ang aircon. HAHAHA 😀
    Kailangan ba talagang may aircon? Sanay ako sa e-fan lang eh. Haha, pero okay na yun, sub lang naman siya. AT masasabi ko ring hindi magaan ang buhay namin. Aww. Hirap. 🙂

  2. Ansarap maging disente ang estado sa buhay, based sa pananaw mo,.. pero sa Abroad! Para kapag umuwi ako sa pinas para magbakasyon eh maskayang-kaya kong mamasyal sa masmamahaling mga lugar..

    • Salamat sa comment, RodCabz. Tama ka, sino man ang may kakayahan na magkaroon nung mga inilista ko ay maituturing na magaan na ang buhay at kabilang sa middle class saan mang bansa s’ya naroroon abroad man o Pilipinas.

      At para sa akin, kung may kakayahan kang magkaroon ng ganito sa Pilipinas eh hindi na kelangan mangarap pa na makagawa ng multiple dollar bank accounts at bumili ng mga properties abroad.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: