Cost of Decent Living (Part 3/4)

Hindi pa naman umaabot ng 1300 pesos ang melon o 1000 pesos ang pakwan sa Pilipinas. Pero ang laki na ng itinaas ng presyo ng mga bilihin sa atin kumpara sa presyo ng mga ito 10 years ago.

Tatanggkain ko ngayong i-estimate kung magkano ang gagastusin para magkaroon ng “decent living” sa Pilipinas ayon sa mga pinagsusulat ko sa nakalipas kong post. Ito ay ibinase ko sa kasalukuyang presyo ng mga bagay-bagay sa Pilipinas (kung kaya’t another 10 years mula ngayon eh hindi na ito magiging applicable).

Ang listahang ginawa ko ay estimated na buwanang (monthly) gastusin ng mag-asawang may isang anak na nag-aaral ng elementarya sa isang pribadong paaralan.

1. Bahay – P3000
May mga marerentahan pa ring apartment na ganito ang presyo sa mga probinsya.
Kelangan lang magdagdag ng malaki kung mangungupahan sa Maynila.

2. Kuryente – P2000
Hindi dito kino-consider ang malustay na paggamit ng kuryente.
Binubunot pa dito ang plug ng anumang appliances at battery charger na hindi ginagamit.

3. Transportasyon – P1500
Kasama na dito ang buwanang gastos sa gasolina ng sariling maliit na sasakyan at gastos sa mga pamasahe kapag sumasakay ng dyip o tricycle. Hindi naman kelangang mag-kotse tuwing may lakad.

4. Pagkain – P8000
Isinama ko na dito ang mga gamit panluto gaya ng toyo, suka, paminta, pati na rin ang
tangke ng LPG. Isinama ko na rin dito ang mga grocery gaya ng mga sabon, shampoo,
toothpaste, etc.

5. Tubig – P1500
Kasama na dito ang mineral water na hiwalay pang bibilhin dahil may mga lugar pa rin sa
Pilipinas na hindi maaaring inumin ang tubig na nanggagaling sa gripo.

6. Internet at Celphone – P3000
Celphone para sa dalawang tao at monthly landline/internet bill.

7. Edukasyon – P5000
Hinati ko sa 12 buwan ang tuition fee sa isang taon kasama na ang isang taong mga gastusin sa kung anu-anong project, activity, excursion at ipinapabili ng eskwela (para sa isang bata lang ito).

8. Luho – P3000
Kasama na dito yung minsang pagkain sa labas, outing sa beach, birthday party,
aginaldo, tip sa barbero, etc. (Estimated luho sa isang taon na hinati sa 12 buwan)

9. Charity – P1000
Kahit gaano tayo kagipit sa buhay, meron at meron pa ring mas gipit sa atin kaya nakahanda dapat tayong tumulong at magbigay (kahit konti lang).

10. Savings – P1000
Magtira naman tayo para sa sarili natin, ano?

Hindi ko masasabing accurate ito. Gaya ng sinabi ko, “estimate” ito. Marami pa ring makaka-apekto sa mga presyong ito batay sa indibidwal na kalagayan ng tao.

So, ang total na magiging buwanang gastusin ng isang pamilyang masasabi nating disente ang pamumuhay sa Pilipinas ay tumataginting na…drum rolls please…

29,000 PESOS!

Kung papansinin natin, hindi kasama dito ang sweldo ng kasambahay o house helper. Kung isa lang ang anak, sa tingin ko eh magagawan na ng paraan kahit wala nito.

Hindi rin kino-consider dito ang biglaang mga gastusin gaya ng merong nagkasakit na kelangang dalhin sa ospital o biglang nasiraan ng sasakyan o pininsala ng bagyo ang bahay at iba pang mga hindi natin gustong mangyari pero nangyayari pa rin.

Sabihin na natin kung ganun na 30,000 pesos net income (tanggal na ang kung anu-anong tax, insurance, etc.) ang dapat na ihanda buwan-buwan ng isang pamilyang gustong mabuhay ng magaan sa Pilipinas. Para magawa ito, ang dapat na sweldo ng isang bread winner sa Pilipinas ay P40,000 pataas.

Saang lupalop naman ng Pilipinas ka maaaring sumuweldo ng ganito???

(Itutuloy)

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

8 replies

    • salamat sa pagba-back read nitong mga luma kong post, binky 🙂 mahina ang buying power ng maraming pilipino dahil hindi balanse yung cost of living sa pilipinas at pasweldo sa mga manggagawa…

      • Iniisip ko nga, ung style ni p.noy na pinapaboran ang mga kapitalista kesa sa mga mangagawa merong advantage at disadvantage… Tumaas nga ang competitiveness ng bansa, dumami ang trabaho, pero ang mga trabahador, mukhang habang buhay na nga lang magiging trabahador.. 😦

        • medyo complicated ang lagay natin, ang ibinebenta kasi ng pamahalaan sa mga foreign investors ay mura ang raw materials at labor sa pilipinas.

          kapag ipinilit ng pamahalaan sa mga negosyante ang mataas na pasweldo, baka mag-alisan ang mga investors at magpunta sa ibang bansa na papayag sa mababang pasweldo sa kanilang mamamayan.

          pinakamaganda sana yung balang araw eh hindi na umaasa sa mga foreign investors ang ating bansa at madali lang maipapatupad ng pamahalaan ang pagpapataas ng sweldo kung tayu-tayo na ring mga pilipino ang mga business investors.

          • Un nga sana… Na paboran ang mga maliliit na pilipinong negasyante.. Kaso lang mas mura pa ang mag- angkat kesa gumawa ng sariling produkto.. Yan ang hinaing ng mga tao ngayon. Halimbawa ang mga taga gawa ng mga sandals sa liliw.. Di nila maibenta ang producto nila ng tamang halaga dahil nga sa bagsak ang presto sa sm. Na adalasan galing sa china na produkto… Halos lahat na ng bayan may sm mall na.. Pati nga palawan gusto nila lagyan ng mall.

            • meron na rin plano yung pamahalaan na gawing madali para sa mga pilipinong negosyante ang kumuha ng business permits.

              pero dapat nga bigyan pa ng mas maraming benepisyo ng pamahalaan ang mga lokal na negosyante para mas marami pa ang maengganyo mag-negosyo…

  1. Medyo matagal kong inisip to eh.. pero ang pinaka-ugat kaya maraming mahirap na mahirap at merong mga mayamang-mayaman eh yung “SENSE OF REWARD” para sa sarili.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: