Tag Archives: gastusin

Cost of Decent Living (Part 2/4)

Bago ang lahat, ang ibig kong sabihin sa “decent living” ay yung natutustusan ang pangangailangan ng buong pamilya¬†at may kakayahan pang ma-afford ang konting luho kagaya ng kumain ng lobster once every 3 years.

Ang mga sangkap ng decent living sa aking opinyon ay ang mga sumusunod in no particular order:

1. Bahay – na matutuluyan, hindi nakikisilong lang sa bahay ng may bahay (apartment, condo, o rent-to-own house)

2. Appliances/Gadgets – sa panahon ngayon, mas praktikal pa magkaroon ng appliances kesa wala ng mga ito
a) automatic washing machine (para hindi napapagod si misis sa paglalaba sa kamay)
b) refrigerator (para hindi masira agad ang pagkain)
c) aircon (dahil napakainit sa pilipinas pag summer)
d) tv (para sa entertainment)
e) electric fan (dahil magastos sa kuryente ang aircon)
f) stereo (para makapakinig ng radyo)
g) landline phone (para sa internet)
h) celphones (para easy to reach lagi)
i) computer (para makapag-internet)
j) others (mga basic na gamit gaya ng upuan, hapag kainan, panluto, plato, higaan, etc.)

3. Kotse – dahil may mga panahon na hassle sumakay ng dyip o tricycle (kahit maliit na 4 seater lang pwede na)

4. Pagkain – kakayahang kumain ng masustansyang pagkain kapag nagugutom at least 3 times a day (kasama na dito yung kakayahang magluto syempre)

5. Tubig – kakayahang magbayad ng inuming tubig at tubig para sa iba pang gamit

6. Kuryente – para gumana ang mga eletrical na gamit

7. Edukasyon – magawang gastusan ang pag-aaral ng anak

8. Luho – makakain sa labas at least once a week, makapasyal out of town at least once a year o maibili ng regalo ang mga mahal sa buhay

9. Charity – makapagbigay sa simbahan, charity and/or pantulong sa nangangailangan

10. Savings – sa bangko man o sa alkansya, maganda yung may nakatabing pera para sa future na pangangailangan

Sa tingin ko, kahit sinong magkaroon ng kakayahang i-provide sa sarili at sa pamilya ang mga inilista ko sa itaas ay maaari nang i-consider na hindi¬†naghihikahos sa buhay at bagama’t hindi mayaman ay may sapat ng rason para makuntento sa buhay.

Ang tanong ngayon, magkano ang kelangan ko para masustentuhan ito?

(Itutuloy…)

Salamat kay RodCabz para sa litrato sa itaas.
Heto ang link sa iba pa n’yang pics – http://rcabzmd.deviantart.com/

Advertisements