Balitang Pilipinas (Part 2 of 2)

Napanood ko yung “Umagang Kay Ganda” nung isang araw. Isang topic na tinalakay dun eh yung paninisi daw ng Pangulo sa media kung bakit hindi nararamdaman ng mga tao ang mga pagbabago.

May katwiran yung host na si Anthony Taberna yata yun, nung sabihin n’ya na hindi naman kasalanan ng media yung pagpapabaya ng mga ahensya ng pamahalaan kung kaya’t dumadami ang mga negative na balita. Salamin lang daw ang media ng totoong nangyayari sa lipunan.

Pero meron pang isang guest dun na parang taga-media din na nagsabing, ibinibigay lang daw nila ang gusto ng mga tao.

Ang dating sa akin nito eh parang sinasabi n’yang mas interesting sa mga tao ang negative na mga balita. Gaano kaya katotoo ang bagay na ito? Batay kaya ito sa sales data nila o sa actual na pag-aaral sa pamamagitan halimbawa ng survey o pagtatanong sa mga tao?

Sa tingin ko, lalo na para sa aming mga OFW, naghihintay kami lagi ng mababalitaang maganda tungkol sa Pilipinas. Unfortunately, mas maraming pangit kaming napapakinggan, nababasa o napapanood. Sinasadya ba ito ng media, dahil naniniwala sila na mas interesado ang mga tao sa bad news?

Kung anu’t ano man, iwas muna ako sa bad news habang nasa Pilipinas.

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: