Kapansin-pansin (Part 1 of 3)

7 days (1 week) na ako dito sa Pilipinas at may mga kakaibang bagay akong napansin:

1) Walang Brownout – tuwing uuwi ako sa Pilipinas ay siguradong nakaka-experience ako ng brownout, subalit sa pag-uwi ko ngayon ay hindi pa ako dumanas ng brownout.

2) Hindi Nawawala ang Tubig – gaya ng brownout, nung mga nakalipas na pag-uwi ko ay madalas mawalan ng tubig sa bahay ng mga magulang ko, subalit sa pagkakataong ito, tuloy ang sustento ng tubig.

3) Napakarami ng Cellphone – hindi ko alam kung ang ibang mga tahanan ay ganito rin, subalit napansin ko na ang average number na pag-aaring celphone sa bahay ng mga magulang ko ay 3 cellphone sa isang tao (‘di pa kasama ang landline).

4) Maraming Foreigner – hindi naman ibinalik ang US bases sa probinsya namin pero napansin ko ang napakaraming caucasian foreigner na nagkalat sa mga mall. Pwedeng isipin na mga retiradong foreigner ang ilan sa kanila pero nakakakita rin ako ng mga kabataan. Mas marami pa ang mga puting nakita ko kesa mga Korean.

5) Sikat ang Nanay ni Pacquiao – kahit ano yata ang ibigay ni Pacquiao kay Mommy Dionisia ay nagiging national news sa Pilipinas. Kotse, bahay, birthday party bash, etc., siguradong nagiging laman ng balita. Interesado ba ang mga tao dito?

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: