Tag Archives: bad news

Balitang Pilipinas (Part 2 of 2)

Napanood ko yung “Umagang Kay Ganda” nung isang araw. Isang topic na tinalakay dun eh yung paninisi daw ng Pangulo sa media kung bakit hindi nararamdaman ng mga tao ang mga pagbabago.

May katwiran yung host na si Anthony Taberna yata yun, nung sabihin n’ya na hindi naman kasalanan ng media yung pagpapabaya ng mga ahensya ng pamahalaan kung kaya’t dumadami ang mga negative na balita. Salamin lang daw ang media ng totoong nangyayari sa lipunan.

Pero meron pang isang guest dun na parang taga-media din na nagsabing, ibinibigay lang daw nila ang gusto ng mga tao.

Ang dating sa akin nito eh parang sinasabi n’yang mas interesting sa mga tao ang negative na mga balita. Gaano kaya katotoo ang bagay na ito? Batay kaya ito sa sales data nila o sa actual na pag-aaral sa pamamagitan halimbawa ng survey o pagtatanong sa mga tao?

Sa tingin ko, lalo na para sa aming mga OFW, naghihintay kami lagi ng mababalitaang maganda tungkol sa Pilipinas. Unfortunately, mas maraming pangit kaming napapakinggan, nababasa o napapanood. Sinasadya ba ito ng media, dahil naniniwala sila na mas interesado ang mga tao sa bad news?

Kung anu’t ano man, iwas muna ako sa bad news habang nasa Pilipinas.

Advertisements

Balitang Pilipinas (Part 1 of 2)

Umuuwi ako sa Pilipinas para mag-relax dahil nakaka-stress ang mabuhay sa ibang bansa. Pinipilit kong makaipon ng pamasahe pauwi dahil believe it or not, nakaka-relax para sa akin ang Pilipinas.

Unang araw ko sa bahay ng aking mga magulang (dahil wala pang sariling bahay ang aking
pamilya sa Pilipinas), nanood ako ng tv.

Umaga pa lang ay balita na ang mga palabas sa tv. At bumungad sa akin ang napakaraming balitang mga nakaka-depress: patayan, pulitika, aksidente sa kalsada, pagbu-bully ng China.

Ngayon ko lang na-realize na inuumpisahan ang araw sa amin sa balitang negative o bad news at natatapos din ang araw sa mga bad news. Monday to Friday, ganun ang routine ng mga tv station.

Mabuti na lang hindi mahilig sa AM station ang mga magulang ko, dahil isang buong araw akong makakarinig ng puro bad news pag nagka-ganun.

Kaya iiwas na lang muna ako sa balita habang naka-bakasyon.