Travel Advisory ng Japan

Kung English ang travel advisory, mas madali tayong makakapag-react pag feeling natin eh exaggerated ang travel advisory ng bansa. Pero paano kung hindi natin naiintindihan ang salita ng bansang nag-issue ng travel advisory?

Halimbawa na lang sa mga bansa sa Europe, South America, Africa at Asia na hindi English ang salita. Na-check na ba ng pamahalaan natin kung ano ang nakasulat sa travel advisory nila?

Gaya na lang nitong travel advisory ng Japan. Mas nakakatakot ang travel advisory nito kesa sa mga English speaking countries. By the way, hindi naman sa, ahem, nagmamalaki ako pero, nakakabasa nga pala ako ng Japanese, ahem ulit.

Nakasaad sa kanilang travel advisory na maraming krimen sa Pilipinas na involved ang lethal weapons (meaning, firearms) at mabilis ang paglaganap ng mga lethal weapons na ito sa bansa.

Sinasabi rin sa travel advisory na noong 2010, ang pulisya natin ay nag-report ng 12,375 kaso ng pagpatay at 33,993 kaso ng theft at robbery. Ang dami ng kaso ng murder na naitala sa taong iyon ay 10 beses mas marami sa kaso ng pagpatay sa Japan sa isang taon at karamihan sa mga insidenteng ito ay nangyari sa Luzon (Calabarzon, Region 4A, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal). Ang mga pagnanakaw naman ay karamihang nangyari sa Metro Manila area.

Sinabi rin duon na ang bilang ng mga napatay na Hapon sa bawat taon ay itinuturing na marami (2008: 8kaso, 2009: 3kaso, 2010: 5kaso)

Binanggit din yung tungkol sa mga motorcycle riding in tandem na mga magnanakaw. Bukod pa iyon sa mga extortion gangs, peligro ng kidnapping, grupo ng mga kabataang magnanakaw, prostitution blackmail modus operandi at sapilitang pagpapabili ng illegal drugs na dapat pag-ingatan ng mga Hapon sa Pilipinas.

Kung may personal na kilala kayong nakakabasa ng Japanese, pwede n’yong ipabasa sa kanya ang page gamit ang link sa ibaba para i-verify kung totoo ang mga pinagsusulat ko sa post na ito:  Japan Travel Advisory

Advertisements


Categories: Pilipinas Info

Tags: , , ,

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: