Sa mga susunod kong blog posts ay magka-copy and paste lang ako ng travel advisoy mula sa iba’t ibang bansa. Mga portion ng travel advisory ng ilang bansa tungkol sa Pilipinas ang ipo-post ko.
Ilang beses na nag-appeal ang ating pamahalaan sa mga bansang ito na bawas-bawasan ang pananakot sa kanilang mga mamamayan tungkol sa pagbisita sa Pilipinas.
Sa kasamaang palad, nanindigan ang mga bansa sa kanilang travel advisory. Sa tingin ko ay hindi nila papalitan o rerepasuhin ang kanilang travel advisory hangga’t hindi sila nakakakita ng malawak na pagbabago sa kalagayang pang-seguridad ng ating bansa.
Maaaring hindi totoo sa kaliit-liitang detalye ang lahat ng mga nakasulat sa travel advisory nila pero makikita natin na ang katotohanan ay hindi maganda ang perception ng mga bansang ito sa seguridad at kaligtasan ng ating bansa.
Maraming bahagi ng kanilang travel advisory ay may basehan. Kung kaya’t nararapat lang na abisuhan nila ang kanilang mga mamamayan sa pinaka-masamang bagay na maaaring mangyari.
Acknowledgment: Photo courtesy of FreeDigitalPhotos.net
Categories: Pilipinas Info
Leave a Reply