Maligayang Araw ng Kalayaan

Narito ang maikling kasaysayan patungo sa kalayaan ng ating bansa.

1521-1898 (Pamahalaan: Kastila)
Mahigit 300 taon tayong naging kolonya ng Kaharian ng Espanya. Nagsikap ang mga Pilipino na makalaya mula sa pamamahala ng ibang bansa.

1898-1946 (Pamahalaan: Amerikano)
Pagkatapos ibenta sa Amerika, halos 50 years tayong pinamahalaan ng mga Amerikano. Sinikap muli ng ating bansa na makalaya sa panibagong pamahalaan ng dayuhan.

1942-1945 (Pamahalaan: Hapon)
Bagama’t maikli lamang ang pamamahala, nagawang magtatag ng kanilang pamahalaan ang mga Hapon sa Pilipinas. Nagtagumpay din ang ating bansa na makalaya mula sa pamamahala ng mga banyagang ito.

1946-kasalukuyan (Pamahalaan: Pilipino)
Nakamit natin ang pinakamimithing kalayaan. At sa ilalim ng pamamahala ng kapwa Pilipino, marami ang nagpunta sa ibayong dagat.

Ang June 12 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay sinimulan nung panahon ng Pangulong Macapagal. Bago iyon, ang ating kalayaan ay ipinagdiriwang ng July 4.

Para sa akin, July 4 ang tunay na araw ng ating kalayaan dahil dun pa lang talaga itinatag ang pamahalaang Pilipino. Pero dahil hindi ako KJ at law abiding citizen ako…

Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino!

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , , ,

2 replies

  1. Awwww may exam na naman!

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: