Sa lahat ng mga gumradweyt na sa pag-aaral sa eskwela, kumusta na? Okay ba ang real world so far? Kung ikaw ay isang bagong graduate, ilan sa mga ito ang mga mare-realize mo as you go on with life.
- Mas madali pala talaga ang buhay nung nag-aaral pa lang
- Hindi naman pala totoo yung “preparation for the real world” ang marami sa mga ipinapagawa sa eskwela
- Maraming importanteng bagay sa totoong buhay ang hindi itinuturo sa mga paaralan
- Maraming itinuturo sa paaralan ang hindi nagagamit sa totoong buhay
- Mas mahirap makahanap ng syota sa real life
- Mas mahirap manghingi ng pera sa mga magulang kapag di na nag-aaral
- Mahirap pala makaipon ng pera kapag nagtatrabaho na
- Mauunawaan mo palang pala ang value ng pag-aaral kapag tapos ka na dito
- Kung mabibigyan ka pala ng pagkakataon, gugustuhin mong mag-aral ulit
- Yung mga bestest buddies mo sa skul, pwedeng hindi mo na pala ulit makita (o napakadalang na lang kayo magkasama)
- Kahit ilang beses pa mag-set ng reunion, hinding hindi na pala makukumpleto ulit ang buong klase
- Mas maiintindihan mo pala ang sakripisyo at hirap ng mga magulang mo pag nagtatrabaho ka na rin (at nagka-pamilya na)
- Kung maraming weirdo sa loob ng eskwela, mas marami pala sa labas
- Akala mo yung titser mo na ang pinakamasamang tao sa buong mundo, lalagpasan pala siya ng boss mo sa trabaho
- Akala mo reject na yung serbisyo ng mga staff sa school ninyo, mas grabe pa pala yung mga nasa gobyerno
- Mas mahirap pala ipaglaban yung mga prinsipyo mo ngayong nasa real world ka na
- Hindi na masyadong looking forward to ang birthday mo taun-taon
- Dalawang buwan pa lang ang dumaan nung mag-graduate ka pero feeling mo 10 years na ang nakalipas
- Maiintindihan mo kung bakit walang nagbabago sa lipunan natin
- May pera ka nga, sobrang busy naman or may oras ka nga, wala ka namang pera
Ikaw, ano ang mga nadiskubre mo pagkatapos ng college? I-share sa comments section sa baba.
Categories: Buhay Student, Buhay Work
eto yung pinakamatinding realization >>>> Mas mahirap makahanap ng syota sa real life
oo, dapat malaman ng mga kabataan ang katotohanang ito sa buhay as early as possible, while they can save themselves hehe 😀
Hahahaha dahil yan ang pinakamatinding issue kahaharapin nila
I discovered mas gusto kong maging amo.. hahahah!
ahaha, ako kahit di na maging amo basta wala lang amo hehe
kung sabagay.. hehehehe!