Paano Makapasa sa Pag-aaral Kahit Hindi Nangongopya

Masama ang mangopya. Kung hindi mo na alam kung bakit mali ito, basahin ito: Bakit hindi dapat mangopya sa klase

So, handa ka na bang pumasa sa pag-aaral nang hindi nangongopya? Narito ang ilang mga paraan ng pag-aaral na maaaring gawin ng kahit sinong kabataan (na gustong mag-succeed pero ayaw mangopya).

pag-aaral

Bilang isang dating estudyante at kasalukuyang part-time teacher sa isang unibersidad, narito ang ilang payo kung…

Paano makapasa sa pag-aaral kahit hindi mangopya.

1. Pumasok sa eskwela

Common sense. Kahit ano pa ang gawin mo, hindi ka papasa sa subject mo kung hindi mo ito papasukan. Kaya wag kang magbulakbol o magpatalo sa katamaran. Pasukan mo ang iyong mga subject.

2. Makinig sa oras ng klase (and take notes)

Isa sa mga pangkaraniwang sakit ng estudyante ang bigla na lang nagsasara ang pandinig sa teacher kapag nag-umpisa na itong magturo. Para kasing alien language ang salita ng mga teacher kaya ang sarap itong huwag pakinggan.

Pero subukan mo lang mag-effort na intindihin yung mensahe na gustong ipaabot ng alien speaking teacher mo at may mapapansin kang mga part na you actually understand! Then, write down on your notebook those parts na naintindihan mo.

Yung kadaldalan mong classmate, ‘wag mo na muna pansinin. Makakasama mo pa ‘yan pagkatapos ng klase kaya sa labas ng classroom n’yo na lang ituloy yung kung ano mang topic of discussion ninyo.

3. Review your notes

Tip: Kapag sa tingin ng titser ninyo, hindi kayo nakikinig sa pinagsasasabi n’ya, yung part na maraming hindi nakikinig ang mas malamang na ibigay n’ya sa quiz or test.

Bakit? Para ipamukha sa inyo na kayo ang may kasalanan kung bakit hindi ninyo nakuha yung test dahil wala sa inyong nakikinig.

So kung nakikinig ka at nagte-take pa ng notes, reviewhin mo yung notes mo bago mag-test or recitation and be amazed at the wondrous results of those efforts.

4. Magtanong sa teacher

Maraming estudyante, ayaw nagtatanong sa titser nila. Magtatanong yung titser, “Are there any questions?”. At nakakabinging katahimikan lang ang magiging response sa teacher. Pa’no kasi lahat gusto lang makauwi! Yung magtatanong, magugulpi kasi hahaba pa ang oras ng discussion!

Pero nagbabayad kayo (or kung sino man yung financer ninyo) para gawin nung titser n’ya yung trabaho n’ya. And you should demand satisfaction. Kung hindi mo naintindihan, magtanong!

Kung nahihiya kang magtanong sa harap ng iyong mga kaklase, patalikurin mo silang lahat! Este, magtanong ka sa teacher mo ng one-on-one na lang.

Maraming teacher ang nakaka-appreciate kapag nagtatanong ang estudyante. Lalo na kung may sense yung tanong nung estudyante.

Pero may sense man o wala, kung may hindi ka naiintindihan, magtanong! Pramis, hindi ka papatayin ng teacher mo pag nagtanong ka sa kanya.

Huwag ka lang magtanong kung kelan ikakasal yung matandang binata or matandang dalaga mong titser.

5. Mag-advanced study

Kung may module or syllabus or libro kayong sinusundan, malaki ang maitutulong ng advanced reading or advanced studying. Kasi naku-kundisyon nito ang utak mo sa paparating na delubyo este, panibagong subject pala.

Hindi masa-shock ang utak mong nag-iisip lang lagi kung kelan mawawalan ng klase kapag nag-advanced study ka. Mapapansin ka pa ng crush mo sa klase kasi ikaw lang ang makaka-intindi sa kung anu-anong pinagsasasabi ng titser mo sa harapan.

6. Maghanap ng lumang materials

Kung meron kang kilalang ahead sa iyo na pareho ang school at subject na kinuha, subukan mong arborin ang lahat ng kanyang mga test papers at notes.

Tip ulit: Nire-recycle lang ng mga titser yung mga previous materials nila. Take advantage of it. Hindi yun pandaraya. Ang pandaraya eh yung oras ng test at kung kani-kaninong sagot ang kinokopya mo.

Yung pag-gather ng lumang materials eh tinatawag na resourcefulness at kasalanan na ng titser yun kung tamad siyang palitan yung mga test questions na ibinigay n’ya for the past 10 years.

7. Mag-aral mag-isa

Kailangan mong mag-aral mag-isa kasi magulo kapag may kasama. Lalo na kung hindi mo pa gaanong naiintindihan yung subject. Lalo pa kung cute yung kasama mo. Sa mag-isang pag-aaral, maida-dissect mo ng maayos sa sarili mo kung ano yung mga hindi mo pa naiintindihan.

Sa pag-aaral mag-isa, pumili ng tamang oras at tamang lugar na conducive sa ‘yo ang pag-aaral. Kung nakakapag-aral ka ng mahusay sa bubungan ng overpass habang dumadaan ang mga trak, dun ka mag-aral. Kung saan ka kumportable. Wag lang pag naka-drugs.

Ayaw ni Duterte sa mga nagda-drugs. Lagot ka.

8. Mag-aral nang may mga kasama

Ang purpose nito ay para makapag-compare kayo ng mga hindi ninyo alam. Hindi para mag-inuman buong magdamag hanggang sa mawalan ka ng ulirat for three consecutive days.

Mas effective ang group study method na ito kapag math ang pinag-aaralan. Makakapagtanong ka sa iba nung mga hindi mo alam at makakapagbigay ka rin ng alam mo dun sa iba.

9. Ipagpaliban muna ang pagpapasarap sa buhay

Again, common sense. Wag kang mag-Vigan kung may test ka kinabukasan. Wag kang mag-absent para lang makipag-date on the day na meron kayong major quiz. I-postpone ang panandaliang kasarapan para sa maaliwalas na kinabukasan.

10. Humingi ng tulong sa taas

Dahil hindi natin magagalugad ang lahat ng sagot sa lahat ng tanong na maaaring ibigay ng iyong mga guro sa araw o oras ng eksamen. Lalo na kung gustong ipamukha ng titser na mangmang kayong lahat sa kanyang klase.

Humingi ng talino, sipag at disiplina kay Lord. Lalo na at desidido kang huwag mangopya para makapasa.

Kung tapat ka sa iyong responsibilidad sa pag-aaral, rest assured, may tulong kang tatanggapin mula sa itaas.

Related Articles:

Bonus

Ilang suggestion kung paano tumanggi makipagkopyahan sa iyong kaklase.

Habang nagte-test:

  1. Mag-mukha kang busy at problemado (yung parang hindi ka nag-aral)
  2. Magkunwari kang hindi mo naririnig
  3. Mag-focus sa iyong ginagawa at huwag mamansin
  4. Sabihin mo natatakot kang mahuli ng titser
  5. Sabihin mo nakakalat sa lahat ng lugar ang mga espiya ng inaaniban mong simbahan at kapag ikaw ay nahuli ay susunugin ka ng kongregasyon ninyo kasama ang iyong kakopyahan
Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: