Millenials, Gustong Pagsisihan Ang Pagboto Kay Duterte

16th pangulo ng bansa

Intramuros, Manila – Nais pagsisihan ng ilang grupo ng mga kabataang botante ang pagboto nila kay presumptive President-elect Rodrigo Duterte sa nakaraang halalan.

Ngayon pa lamang ay pinaplano na diumano ng inaasahang bagong uupo na Pangulo ang pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan, ang pagbabawal ng pag-inom (ng alcoholic beverages) sa mga pampublikong lugar at pag-ban sa mga maiingay na karaoke.

“Napaka-KJ naman pala ni Duterte!”, alma ng isang 27 anyos na empleyadong umamin na ikinampanya at ibinoto ang maangas na Mayor ng Davao.

“Akala ba namin eh mga kriminal ang pupuksain n’ya? Bakit pati pagsasaya namin, gusto n’ya pakialaman?”, tanong naman ng isang first time voter na estudyante.

 Sinabi naman ng kampo ni Duterte, sa pamamagitan ng kanyang spokesman, na dahil gusto ng mga Pilipino ng pagbabago, uumpisahan ito ng bagong Pamahalaan sa pagtuturo ng disiplina.

************************************

Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Pantasya Balita

Tags: , , ,

4 replies

  1. Bkit kailangan pang magkaroon ng mga pag patay. Pno kung maling tao ang napatay nyo

  2. Kala ko kung ano na haha

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: