Tag Archives: halalan 2016

Millenials, Gustong Pagsisihan Ang Pagboto Kay Duterte

16th pangulo ng bansa

Intramuros, Manila – Nais pagsisihan ng ilang grupo ng mga kabataang botante ang pagboto nila kay presumptive President-elect Rodrigo Duterte sa nakaraang halalan.

Ngayon pa lamang ay pinaplano na diumano ng inaasahang bagong uupo na Pangulo ang pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan, ang pagbabawal ng pag-inom (ng alcoholic beverages) sa mga pampublikong lugar at pag-ban sa mga maiingay na karaoke.

“Napaka-KJ naman pala ni Duterte!”, alma ng isang 27 anyos na empleyadong umamin na ikinampanya at ibinoto ang maangas na Mayor ng Davao.

“Akala ba namin eh mga kriminal ang pupuksain n’ya? Bakit pati pagsasaya namin, gusto n’ya pakialaman?”, tanong naman ng isang first time voter na estudyante.

 Sinabi naman ng kampo ni Duterte, sa pamamagitan ng kanyang spokesman, na dahil gusto ng mga Pilipino ng pagbabago, uumpisahan ito ng bagong Pamahalaan sa pagtuturo ng disiplina.

************************************

Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements

Sino Ang Iboboto Mo?

Alam mo na ba kung sino ang iboboto mo para maging kasunod na Pangulo natin? Ako, wala pa. Wala pa akong ganang bumoto. Este, nawalan na pala ako ng ganang bumoto.

binay for president

Excited pa mandin ako nung nagpa-biometrics ako sa Comelec kasi after more than 10 years eh makakaboto na ulit ako. Tapos, nung makita ko na ang mga pagpipilian, nakakadismaya.

grace poe for president

Sayang naman ang karapatan kong bumoto kung hindi ko magagamit. Pero wala talaga akong makabig eh. Puro tulak ang gusto ko gawin!

mar roxas for president

Hay naku, sana naman eh may matino-tino pang presidentiable candidate ang mag-file ng candidacy bago matapos ang deadline.

Kung Nagiging Boto ang mga Likes sa Facebook

Alam natin na tech savvy ang mga Pinoy at laman tayo ng mga social media. Kung kaya naman, sinisikap din ng mga pulitiko na maramdaman ang presensiya nila sa cyber world.

Ano kaya kung ang dami ng mga followers ng mga pulitiko ang nagde-decide kung sino ang susunod nating Pangulo para sa 2016?

Narito ang mga facebook account screenshots ng mga posibleng kandidato bilang pangulo sa 2016 at ang bilang ng mga likes/followers nila habang sinusulat ang post na ito.

Kung bibilangin natin ang mga likes o followers ng mga posibleng kumandidato bilang pangulo sa 2016, narito ang kanilang magiging rankings at posibleng kalabasan ng botohan kung likes lang ang pagbabasehan.

7th Place
Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.: current number of followers, 0.11M

bongbong fb page

6th Place
Sen. Grace Poe – Llamanzares: current number of followers, 0.2M

grace poe fb page

5th Place
Sen. Francis “Chiz” Escudero: current number of followers, 0.49M

chiz escudero fb page

4th Place
DILG Sec. Manuel “Mar” Roxas II: current number of followers, 0.7M

mar roxas fb page

3rd Place
Davao City Mayor Rody Duterte: current number of followers, 0.71M

rody duterte fb page

2nd Place
Vice President Jejomar Binay: current number of followers, 0.82M

jojo binay fb page

1st Place
Sen. Miriam Defensor – Santiago: current number of followers, 2.3M

miriam santiago fb page

Kung magpaparehistro at pupunta sa mga presinto para bumoto ang mga taong nagla-like na ito at sumusubaybay sa mga pulitiko sa itaas, makikita natin ang maaaring maging trend ng halalan sa 2016. Pero, siyempre hindi naman pwedeng gawing batayan talaga ang mga likes na ito dahil hindi naman lahat ng Pilipino ay may access sa internet o merong facebook account.

At kung papayagan lang ang kasalukuyang Pangulo natin na kumandidato ulit, malamang may laban pa siya (kung likes lang ang basehan).

pnoy fb page

So, kung may access ka sa internet, nasa voting age, may access sa internet at merong napupusuang kandidato para sa 2016, show your support! I-follow ang iyong hinahangaang politician. I-share sa lahat ng iyong mga cyberfriends ang magagandang plataporma at kahanga-hangang track record ng iyong pambato sa 2016 at tulungan mo siyang mas makilala ng maraming tao. Who knows? Baka sakaling ito ang magpapanalo sa kanya sa 2016.

Wag lang sana pag-interesan ni Anne Curtis ang maging  Presidente dahil ilalampaso niya ang mga kalaban.

anne curtis fb page