Paalala Ngayong Ramadan

Para sa ating mga kababayan na nasa Muslim Countries lalung-lalo na sa Middle East, o sa mga gustong magpunta dito para magtrabaho, importanteng malaman natin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa darating na panahon ng Ramadan. Sa taong ito (ng 2015), magsisimula ang Ramadan sa ika-18 ng Hunyo.

Ano nga ba ang Ramadan?

Ang Ramadan ay ang buwan ng pangingilin ng mga Muslim. Ito ang ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam kung saan inihayag ni Allah ang Qur’an sa Propetang si Mohammed. Ang Ramadan ay galing sa salitang Arabo na nangangahulugang “nakakapasong init”.

Mahalaga ang buwang ito para sa mga Muslim sa aspetong ispiritwal. Panahon ito ng “paglilinis” kaya nga’t sila’y nag-aayuno at nagbubulay-bulay. Ang kanilang pag-aayuno ay mula bukang-liwayway hanggang sa takipsilim.

Madalas kong ikinukumpura ang Ramadan sa Mahal na Araw kapag pinapaliwanag ko ito para mas maging simple. Opinyon ko lang naman ito pero ang Ramadan ay parang Mahal na Araw kung saan ang mga Kristiyano din ay nag-aayuno o nagfa-fasting (hindi kumakain ng karne). Mas maiksi nga lang ang panahon ng pangingilin, at ang Eid Al-Fitr naman ay hinahalintulad ko sa Linggo ng Pagkabuhay.

Kung ikaw ay naninirahan sa mga Muslim Countries, nararapat mo lamang igalang ang tradisyon kaya naman narito ang mga paalala kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa panahong ito at iba pang impormasyon:

  1. Batiin ang mga katrabahong Muslim ng “Ramadan Kareem!”. Ang ibig sabihin nito ay “Wishing you a Blessed Ramadan”.
  2. Hindi maaring kumain, uminom, ngumuya ng chewing gum o manigarilyo sa pampublikong lugar sa oras ng ayuno.
  3. Huwag magmumura dahil napaka-offensive nito sa panahon ng Ramadan
  4. Huwag manuya, mang-asar o maghamon ng away sa mga nag-aayuno. Maging sensitibo tayo sa mga kasamahan sa trabaho na nag-aayuno. Irespeto ang mga nangingilin.
  5. Hindi dapat magpatugtog ng malakas.
  6. Sarado ang ang lahat ng mga nightclubs at iilang bars lang ang bukas sa panahong ito. Para dun sa mga nagnanais uminom ng alak, bukas ang mga bar mula alas otso ng gabi. Walang live entertainment, banda, karaoke, sayawan at malakas na musika sa panahong ito.
  7. Sarado ang mga kainan mula pagsikat hanggang paglubog ng araw. Bukas naman ang mga grocery at ilang mga kainan pero take-out lang ang pwede mong gawin. Kung ikaw ay hindi Muslim, maaari kang kumain sa tagong lugar lamang. (Ang pagkakaroon ng mga bars na bukas kapag Ramadan ay maaaring sa Dubai lamang kaya’t dapat alamin ang batas sa lugar na iyong kinaroroonan.)
  8. Magsuot ng naayon. Hindi dapat magsuot ng mga mahahalay na damit. Maging ang mga lalake ay hindi maaaring magsuot ng pantaas na walang manggas at maiiksing short pants (maiksi na nga short pa).
  9. Subukang makisama sa Iftar ng mga kaibigan o katrabahong Muslim.
  10. Huwag kang bumiyahe o magmaneho kapag magtatakip-silim na. Marami kang makakasabay na mga nagmamadali para makauwi o makarating sa kainan para sa Iftar. Madalas mainit na ang ulo ng mga iyan dahil sobrang gutom na sila dahil sa maghapong pag-aayuno.
  11. Ang oras ng trabaho ay maiksi kapag Ramadan dahil nga nag-aayuno ang karamihan. Anim na oras lang kada araw ang pasok ng mga Muslim at pitong oras naman para sa mga hindi Muslim.
  12. Ang panahon ng Ramadan ay panahon ng pagbibigayan kaya’t kahit sa maliit na paraan ay tumulong sa mga nangangailangan.

Note: Ang mga nakasaad sa itaas ay general rules lang naman po. Dapat ninyong malaman ang batas o kaugalian sa bansang inyong kinaroroonan dahil maaaring iba ang batas lalo na sa mga mahihigpit na bansa.

Ramadan Kareem po sa ating mga kababayang Muslim.

islam ramadan

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , , , , ,

3 replies

  1. pano p ang sahod pag ramadan kc sa school aq nagwowork magbabakasyon aq ngayon makukuha q pb ng buo yung ngayon bwan dn p kc aq pinapasok mula nung june 9 kc magbabakasyon daw p aq tapos ang binigay n sahod sakin ay 85 oman real lang ang sweldo q p dapat ay 185 oman real ganun pb talaga ang matatanggap q salamat p sa feed back nyo

  2. heloo..
    ask ko lang sana kung pwede na magtrabaho ang 17years old..or anong edad ba pwde magtrabaho na dito sa uae? thanks and more power

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: