Mga OPM Artists na Kailangan mong Makilala

Tama na muna ang 1D at ang KPOP, Taylor Swift at Katy Perry. Pansinin naman natin ang mga haligi ng musikang Pilipino.

Sa mga pinanganak noong late 90s at early 2000s, malaki ang tsansang hindi niyo na kilala yung ibang Pinoy Folk Singers na babanggitin ko dito.

Pero bago ang lahat, ano nga ba ang Folk Song o Folk Music? Ito ba yung mga baduy at makalumang awitin tungkol sa paglalaba sa ilog at pagsasaka sa bukid?

Ang Folk Music ay yung mga traditional na musika o awitin, mas madalas makaluma ang tema at melody. Totoong ang mga orihinal na Folk Songs ay patungkol sa araw-araw na buhay gaya ng paglalaba, pagsasaka at kung anu-ano pa. Dahil noong unang panahon, wala pang mga kantang maririnig sa radyo at kumakanta na lang sila para mawala ang inip sa paulit-ulit na ginagawa sa araw-araw. Gumagamit din ng mga etniko o tradisyonal na musical instruments sa paglikha ng Folk Music.

Mga OPM Artists na Kailangan mong Makilala

1. Si Florante de Leon ang kumanta ng mga awiting “Handog“, “Ako’y Isang Pinoy” at “Abakada”.

Ang awiting Handog ay madalas awitin noong 90s tuwing Teacher’s Day o tuwing Graduation Day. Si Florante daw ay naka-impluwensya sa mga OPM artists tulad ni Joey Ayala, Freddie Aguilar at Herber Bartolome.

2. Ang magkapatid na Joey Ayala at Cynthia Alexander ay kapwa mga Folk Rock Singers at mga batikang alagad ng musika at sining.

Ang musika ni Joey Ayala ay may distinct na tunog at kilala siya sa pagsasama ng mga etniko at modernong instrumento.

3. Si Bayang Barrios ay tubong Agusan del Sur at nagmula sa mga katutubong Lumad.

Isa sa mga kanta ni Bayang ay ginamit sa pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” na pinamagatang Isipin Mo na Lang. Isa ring tanyag na kanta ni Bayang ang “Malayo Man Malapit Din“, isang awiting para sa mga OFW.

4. Mayroon bang hindi nakakakilala kay Ka Freddie?

Si Freddie Aguilar ay tanyag sa buong mundo dahil sa kaniyang awiting “Anak” ay naisalin sa mahigit dalawampu’t anim na lenggwahe. Naging tanyag din ang rendisyon niya ng awiting “Bayan Ko” na tinaguriang ikalawang pambansang awit at ginamit na himno ng oposisyon laban sa rehimeng Marcos noong panahon ng People Power.

5. Ang bandang Asin na pinangungunahan ng bokalistang si Lolita Carbon ay kilalang Folk Rock Band noong 70s.

Sila ang nagpasikat ng mga awiting “Masdan Mo ang Kapaligiran”, “Himig ng Pag-ibig”, “Itanong mo Sa Mga Bata”, “Ang Bayan Kong Sinilangan” at “Balita” na ginamit ng Black Eyed Peas sa chorus ng kanilang kantang “The Apl Song“.

6. Si Heber Bartolome ay isang musikerong nasa likod ng mga awiting “Nena” at  “Tayo’y Mga Pinoy” na binigyan ni Francis M. ng sarili niyang rendisyon sa album na inilabas niya noong 1992.

7. Si Noel Cabangon ay madalas nakikita sa mga meme sa social media (Noel Cabangon at Noel Cahiga) pero siya ay isang premyadong folk singer na umawit ng mga tanyag na kantang “Kahit Maputi na Ang Buhok Ko” at “Kanlungan”.

8. Una kong narinig si Gary Granada nung kantahin niya ang “Mabuti Pa Sila” sa Metro Manila Popular Music Festival noong 1998 na kung saan, siya din ang nakakuha ng Grand Prize.

Ito ata ang pinakaunang kantang narinig ko na may temang  #ForeverAlone dahil sa lyrics na:

Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis, maya’t maya napipisil
Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa

9. Si Grace Nono ay may kakaibang tradisyonal na musika.

May album siyang pinamagatang “Tao Music”. Iisang kanta lang ni Grace ang alam ko at ito ay ang “Salidumay”, isang napakaganda at Pinoy na Pinoy na awitin. Ang Salidumay daw ay awitin ng mga kababaihan na tugon sa awitin ng mga kalalakihan sa panahon ng paghahabi. Ito rin daw ay maaaring maging awitin ng pasasalamat at maging nang pagsuyo.

10. Si Yoyoy Villame ay isang komedyante, singer at komposer na tubong-Bohol.

Noong kabataan ko, sikat na sikat siya lalo na sa mga Visaya (dahil po Visaya ang tatay ko) at palagi kong naririnig na kinakanta nila ang Magellan. Noon ay pinagtatawanan ko ang kantang ito dahil nababaduyan ako pero kung tutuusin, taglay ng kantang ito ang isang parte ng ating kasaysayan, medyo comedy nga lang ang paraan ni Yoyoy ng paglalahad ng ating kasaysayan. Ilan pa sa mga kanta niya ang Philippine Geography, Mag-Exercise Tayo, Butse Kik, Tarzan at Barok.

11. Si Bullet Dumas na yata ang pinakabatang folk singer na kilala ko.

Isinama ko siya sa listahan na ito dahil sa panahon ngayon ng mga Justin Bieber at 1D, bihirang-bihira ang mga katulad ni Bullet na hindi nakikisabay sa alon ng mainstream at itinataguyod ang Pinoy Folk Genre. Bukod pa diyan ay napakagaling na gitarista ni Bullet. Ang mga awitin niya ay Pssst!, Ninuno at Put To Waste.

Suportahan po natin ang orihinal na musikang Pilipino.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , ,

4 replies

  1. Mas maganda at may makabuluhang mensahe talaga ang mga awitin noong kapanahunan. Hindi katulad ng mga awit na sumisibol sa panahon ngayon.

  2. Mukhang kilala ko ang karamihan sa listahang ito. Gusto ko rin ang Juan dela Cruz band with Pepe Smith and Mike Hanopol – “ang himig natin, ating awitin.”

    • ha ha ha…mabuti pala kung kilala mo lahat! \m/ isasama ko sana ang Juan Dela Cruz kaso sa Pop Rock sila nabibilang ayon sa nabasa ko, mga Folk at Folk Rock lang muna ang pinost ko he he. Baka gawan ko din yan ng ibang post sa susunod. Salamat sa pagbisita.

  3. Reblogged this on aysabaw and commented:
    Ako po ay nangangapitbahay sa site ni RP. Kung kaya’t pakisilip din po kung kayo ay may panahon. Salamat!

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: