Sidewalk Vendors

Sila ang mga orihinal na mangangalakal ng ating bansa.
Sila ang (dating) takbuhan ng mga taong nangangailangan…

…ng gulay, ng bigas, ng karne, ng panggatong na kahoy, ng sandok, ng kamiseta, ng salawal, ng tsinelas, atbp.

ang importansya ng mga sidewalk vendor

Ang mga sidewalk vendors ang pinagmulan ng lahat ng uri ng negosyong buy and sell sa Pilipinas. Bago pa daw dumating ang mga Kastila, nangangalakal na ang mga katutubong Pilipino sa pamamagitan ng sidewalk vending method.

Sa mga sidewalk vendors, pwede kang tumawad sa presyo, pwede kang manghingi ng libreng dagdag sa binibili mo, pwede kang magpa-reserve ng order at pwede kang manghingi ng kapalit kung depektibo ang nabili mo.

Madali rin maging side walk vendor.

Hindi mo kailangan ng:

– college degree
– business proposal
– business permit at dumaan sa burokrasya ng lokal na pamahalaan
– constuction ng building or stall
– advertisement
– mga empleyado
– mga accountant
– boss
– attendance na 8am to 5pm from Monday to Saturday

Ang kailangan mo lang ay ang iyong produkto, ang iyong sipag at ang iyong determinasyon na kumita.

Kaya lang mahirap na maging side-walk vendor ngayon.
Mas pinapaburan na kasi ang mga malls at department stores.

Pero kung walang malaking puhunan ang mga side walk vendors na umupa ng stall, magbayad ng kung anu-anong permit sa munisipyo at magbigay ng buwis kay Kim Henares, este, sa BIR pala, saan pupunta ang side walk vendor?

Mas mabuti bang mamalimos na lang sila?
Mas mabuti bang magpataya na lang sila ng huweteng?
Mas mabuti bang magbenta na lang sila ng laman-loob?
Mas mabuti bang magpa-upa na lang sila sa mga gustong mag-rally?
Mas mabuti bang magbenta na lang sila ng boto tuwing eleksiyon?

Sa kasalukuyang unemployment rate ng ating bansa, sidewalk vending ang isang sagot sa kawalan ng trabaho ng ating mga kababayan. Kaya kung pipigilan natin ang mga sidewalk vendors na kumita sa pinakamarangal na bagay na alam nila, hindi ba’t parang sinasabi na rin natin sa kanila na mamatay na lang sila sa gutom?

Oo nga at perhuwisyo yung nakabalandra sila sa kalsada pati na rin yung mga basurang ikinakalat nila pero hindi ba sila pwedeng bigyan ng lugar kung saan sila pwedeng magtinda ng kalakal nila? Kagaya ng mga sari-sari store, pwede rin silang pakuhain ng operating permit at food permit kung may tinda silang pagkain.

Makaisip sana ang mga lokal na pamahalaan kung paano ma-manage ng mabuti ang mga sidewalk vendors. Pwede ring ipatupad ng pamahalaan ang Sidewalk Vendors Law kung gusto nila.

Ipatupad ang Act to Protect the Rights of Sidewalk Vendors bill.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

12 replies

  1. Tapos hnd pa lhat ng sidewalk vendor kanila ung tinitnda…
    Binabayaran lng sila kung knila un asenso na sna sila.
    Ang mhirap pa dun pag mayaman ung nagmamay ari ng side walk vendor hnd sinisita… napaka unfair!

  2. the same idea applies to street kids at street dwellers. madami sa kanila pwede naman pumunta sa mga non-profit at governmental agencies shelters. pero mas pinipili nila ang kalsada. kasi sa mga shelters may mga patakaran na dapat sundin para sa kaayusan. sa kalsada, walang patakaran, kung ano gusto nila magagawa nila.

    nice blog! =)

  3. Ok yan, wag lang sa gitna ng edsa tulad ng ginagawa sa balintawak

  4. hello, RP. thanks sa dalaw. ganda nitong post, lab ko illustration mow… hamo, isang araw, i’ll try to write something related dito sa paksa. baka idugtong ko na lang sa maglalako post, hehe. waving… 🙂

  5. What I don’t like about sidewalk vendors in th Philippines is they’re dirty…. there’s always a dirty puddle of water where they are, and they don’t pick up the litter made by their business.

  6. galing sir ng illustration, pang professional. hindi ba yan ang line of work mo?

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: