Tag Archives: suggestion para sa pamahalaan

Sidewalk Vendors

Sila ang mga orihinal na mangangalakal ng ating bansa.
Sila ang (dating) takbuhan ng mga taong nangangailangan…

…ng gulay, ng bigas, ng karne, ng panggatong na kahoy, ng sandok, ng kamiseta, ng salawal, ng tsinelas, atbp.

ang importansya ng mga sidewalk vendor

Ang mga sidewalk vendors ang pinagmulan ng lahat ng uri ng negosyong buy and sell sa Pilipinas. Bago pa daw dumating ang mga Kastila, nangangalakal na ang mga katutubong Pilipino sa pamamagitan ng sidewalk vending method.

Sa mga sidewalk vendors, pwede kang tumawad sa presyo, pwede kang manghingi ng libreng dagdag sa binibili mo, pwede kang magpa-reserve ng order at pwede kang manghingi ng kapalit kung depektibo ang nabili mo.

Madali rin maging side walk vendor.

Hindi mo kailangan ng:

– college degree
– business proposal
– business permit at dumaan sa burokrasya ng lokal na pamahalaan
– constuction ng building or stall
– advertisement
– mga empleyado
– mga accountant
– boss
– attendance na 8am to 5pm from Monday to Saturday

Ang kailangan mo lang ay ang iyong produkto, ang iyong sipag at ang iyong determinasyon na kumita.

Kaya lang mahirap na maging side-walk vendor ngayon.
Mas pinapaburan na kasi ang mga malls at department stores.

Pero kung walang malaking puhunan ang mga side walk vendors na umupa ng stall, magbayad ng kung anu-anong permit sa munisipyo at magbigay ng buwis kay Kim Henares, este, sa BIR pala, saan pupunta ang side walk vendor?

Mas mabuti bang mamalimos na lang sila?
Mas mabuti bang magpataya na lang sila ng huweteng?
Mas mabuti bang magbenta na lang sila ng laman-loob?
Mas mabuti bang magpa-upa na lang sila sa mga gustong mag-rally?
Mas mabuti bang magbenta na lang sila ng boto tuwing eleksiyon?

Sa kasalukuyang unemployment rate ng ating bansa, sidewalk vending ang isang sagot sa kawalan ng trabaho ng ating mga kababayan. Kaya kung pipigilan natin ang mga sidewalk vendors na kumita sa pinakamarangal na bagay na alam nila, hindi ba’t parang sinasabi na rin natin sa kanila na mamatay na lang sila sa gutom?

Oo nga at perhuwisyo yung nakabalandra sila sa kalsada pati na rin yung mga basurang ikinakalat nila pero hindi ba sila pwedeng bigyan ng lugar kung saan sila pwedeng magtinda ng kalakal nila? Kagaya ng mga sari-sari store, pwede rin silang pakuhain ng operating permit at food permit kung may tinda silang pagkain.

Makaisip sana ang mga lokal na pamahalaan kung paano ma-manage ng mabuti ang mga sidewalk vendors. Pwede ring ipatupad ng pamahalaan ang Sidewalk Vendors Law kung gusto nila.

Ipatupad ang Act to Protect the Rights of Sidewalk Vendors bill.

Advertisements