Tag Archives: fake news

Funeral Service Businesses, Patok sa Pilipinas

Mandaluyong, Philippines – Naghahanap ka ba ng magandang negosyo? Kasalukuyang umuunlad diumano ang mga funeral businesses sa bansa ayon sa Business Insider Asia.

pilipinas funeral service
patuk na patok na negosyo sa Pilipinas ang funeral services

Bukod sa mga punerarya, nakikita ring nagbu-boom ang business ng mga sementeryo at cremation services para sa mga bangkay.

Nagkakaroon na rin ng mataas na demand para sa mga sepulturero at embalsamador na dumoble ang monthly salary at benefits kumpara sa standard compensation nitong nakalipas na limang taon.

Sa isang panayam ng The Pinoy Site, sinabi ni Mang Kandoy, 51, embalsamador, “Opo, totoo pong malaki ang kita naming mga embalsamador at hindi kami nawawalan ng trabaho. Nagpapadami po sa trabaho namin yung mataas na antas ng krimen sa bansa natin ngayon.”

Kinumpirma naman ng isang cremation service owner na 60% ng mga bangkay na kanilang kini-cremate buwan-buwan ay namamatay sa kriminalidad kagaya ng mga biktima ng riding in tandem, rape slay, away kalye at iba pang mga gun related at drug related violence.

Tinuran ng mga funeral service owners na ang natitirang 40% sa kanilang mga “kliyente” ay yung mga namatay sa aksidente, sakuna o sakit.

Itinanggi naman ng PNP na tumataas ang kriminalidad sa bansa at iginiit na isolated cases lamang ang lahat ng krimeng nangyayari sa Pilipinas.

Inaasahan ng mga funeral service owners na lalong magbu-boom ang kanilang business ngayong papalapit na ang 2016 elections dahilan sa tradisyunal na tumataas ang rate ng violence sa lahat ng parte ng bansa tuwing eleksiyon.

********************************************

Note: Ang balitang ito ay walang katotohanan at kathang-isip lamang.

Advertisements

Korte Suprema ng Pilipinas, Bubuwagin

pagpupulong ng pangulo
Kuha mula sa facebook page ng Pangulo…

Ito ang ipinahayag ng Pangulo kahapon sa pagpupulong na isinagawa kasama ang mga miyembro ng Kataas-taasang Hukuman ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na wala nang nakikitang silbi ang Pamahalaan sa Mataas na Korte dahilan sa panay na pagkontra ng huli sa mga desisyon ng Pangulo. Kasama na dito ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) funds at ang mga nakalipas na pag-TRO ng Korte sa mga bagong batas na inaprubahan na ng Mababang Kapulungan, ng Senado at ng Pangulo.

“Ang hangad natin ay pagbabago, subalit wala kayong ginawa kundi pigilan ito.”, sabi ng Pangulo sa kanyang speech.

“Matatapos na lang ang term ko, ganito pa rin ang Pilipinas. Ano ba ang ginawa ko sa inyo at parati na lang ninyo akong kinokontra?”, dagdag pa ng Pangulo.

Ang hindi magandang relasyon ng Korte Suprema at ng ibang sangay ng Pamahalaan ay sinasabing nag-ugat nang bawasan ng Department of Budget and Finance ang taunang budget ng Korte Suprema.

Nakadagdag pa daw dito ay ang pagpili ng Pangulo sa isang batang Chief Justice na si CJ Sereno kung saan nagdulot ng hinanakit sa mga mas nakatatandang miyembro ng Korte.

Ang tuluyang pagbuwag sa Korte Suprema ay inaasahang maipapatupad bago matapos ang taong 2014.

Ang mga maiiwang responsibilidad nito ay paghahati-hatian ng mga Regional Trial Courts sa iba’t ibang lalawigan ng bansa, ng Mababang Kapulungan, ng Senado at ng Office of the President.

Samantala, ang interpretasyon ng mga bagong ipapatupad na batas, kung naayon ba ito sa ating Konstitusyon o hindi, ay pagbobotohan na lamang daw ng mga mamamayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng online voting.

*****************************************************
Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Propeta, Ibinunyag Ang Mga Mananalo sa 2016

House of Congress, Manila – Isang kontrobersyal na manghuhula na tinagurian ang kanyang sarili bilang “Ang Propeta”, ang nagbunyag ng kaniyang premonisyon sa resulta ng magaganap na halalan sa Pilipinas sa taong 2016.

ang propeta
image copyright: marvel studios

Ang manghuhulang ito na siya ring walang palyang nagpahayag ng mga nanalo sa halalan nuong 2013 ay ayaw pa ring magpakilala sa publiko magpa-hanggang ngayon. Sa kabila ito ng kanyang natatanging kakayahan na hulaan ang mga magaganap sa hinaharap.

“Kahit sino naman eh kayang hulaan yung mga mananalo sa halalan sa Pilipinas eh. Tingnan mo lang kung anong klaseng mga botante at pulitiko meron tayo, magagawa n’yo rin yung ginagagawa ko.” pahayag ng kontrobersyal na manghuhula sa isang panayam.

Narito ang ibinunyag na listahan ng mga mananalo sa halalan sa 2016 para sa pagka-Pangulo, Bise-Presidente at mga Senador ayon sa “Ang Propeta”.

President – Jejomar Binay
Vice President– Ramon “Bong” Revilla, Jr.

12 Senators:

Vicente “Tito” Sotto III
Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Imee Marcos
Kristina Bernadette “Kris” Cojuangco Aquino
Juan Ponce Enrile
Juan “Jack” Ponce Enrile, Jr.
Jeorge “ER” Ejercito Estregan
Manny Pacquiao
Jejomar Erwin “Junjun” Binay
Lani Mercado – Revilla
Jinggoy Estrada
Andal Ampatuan, Sr.

Hinulaan din ng “Ang Propeta” na magagawa pa ring mangampanya ng mga pulitiko kahit sangkot sila sa iba’t ibang kasong kriminal o kahit nakakulong man sila. At makakakuha pa rin daw sila ng sapat na boto upang manalo.

Ibinunyag din ng nasabing manghuhula na mula 2016 ay lalo pang dadami ang mga miyembro ng National People’s Army at ng Abu Sayyaf. Dadami rin daw umano ang mga Pilipinong mag-i-immigrate sa ibang bansa na nangangakong hindi na muling babalik sa Pilipinas magpakailanman.

***********************************************************************

Paunawa: Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.