Ang dami-daming nakawan na talaga ang nangyayari sa panahon natin ngayon. Dati (nung batang-bata pa ako) nababalitaan ko lang yung mga nakawan sa tv, radyo at dyaryo at karaniwan nangyayari lang ito sa lugar na malayo sa probinsya namin.
Pero ngayon within the neighborhood ko na nababalitaan ang mga nakawan. Kahit sa loob ng mga subdivision na merong guard, may mga nakakapasok na snatchers. Kahit sasakay lang ng dyip, mananakawan ka. Tapos, lumelevelup pa dahil may kasama ng patayan yung iba.
Gipit na gipit talaga ang mga tao sa pera.
Pero kahirapan nga lang kaya ang nagtutulak sa ilang mga tao na magnakaw?
Kung magmamasid tayong mabuti, nasa palibot lang natin ang mga magnanakaw.
Kahit saan tayo magpunta, andun sila. They are everywhere.
1. Nandyan ang mga magnanakaw ng kaban ng bayan.
2. Ang mga negosyante o professionals na hindi nagbabayad ng buwis.
3. Ang mga empleyadong ipinupuslit ang mga gamit o kita ng kumpanya.
4. Mga opisyal ng home owners association na nagbubulsa ng home owner’s fee.
5. Mga church administrators na ginagastos para sa sarili ang kontribusyon ng mga parokyano.
6. Mga kamag-anak na nanggogoyo ng kaanak na OFW para makahuthot ng labis-labis na pera.
7. Yung mga kriminal na pagnanakaw talaga ang hanapbuhay.
And so on and so forth.
Bakit ganyan tayo sa Pilipinas?
Lahi ba tayo ng mga kleptomaniac?
Ano ang nagbubulid sa maraming tao na magnakaw kahit hindi naman naghihirap sa buhay?
“Moderate their greed”, sabi daw ni former NEDA Director Romulo Neri kay Jun Lozada nung hinohokus pokus yung ZTE broadband deal.
Hintuan na kaya natin ang nakawan.
Patunayan nating marangal ang lahi natin at hindi tayo mga magnanakaw.
Iniiwan ko sa inyo ang awiting ito mula sa Asin na pinamagatang, “Magnanakaw”.
Magnanakaw
by Asin
Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw
Mula pa no’ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan
Ito kaya’y totoo, ito kaya’y nangyayari
Ito kaya’y nangyayari noon, nangyayari din kaya ngayon
Ito kaya’y dahil na rin sa ating katamaran
Hindi tapat sa gawain at sa iba’y nakikinabang
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba’y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa
CHORUS
Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Magaling magkunwari, madaling makilala
Balat-kayong ginagamit kahit hindi sa pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya
May nagnanakaw ng oras, talino at pawis
Pati ang galing kung minsa’y ninanakaw rin
Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin
Dahil na rin ba sa katamaran, hahayaan na lang ba natin
Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang ‘yong ginagawa
Ikaw ba’y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Magnanakaw ng oras, galing at pawis ng iba
Categories: Halu-halo
“Kung magmamasid tayong mabuti, nasa palibot lang natin ang mga magnanakaw.
Kahit saan tayo magpunta, andun sila. They are everywhere.”
—> baka may nag ooffer ng course na ganyan 😀
lol, dapat buwagin yang course na ‘yan 😀