Pinagsisisihan na kaya ng Pangulong Aquino na “Tuwid na Daan” ang ginamit n’yang tema para sa kanyang administrasyon?
Habang maraming Pilipino sa loob at labas ng bansa ang hindi na makapaghintay sa maraming magandang pagbabago sa Pilipinas, marami pa rin sa mga taong may kapangyarihan para gawin ito ang hindi interesadong magbago.
Sa paggamit ng tag na “Tuwid na Daan”, lalo lang pinabigat ng administrasyon ang pressure na ide-deliver nito ang mga pangako nitong malawakang paglilinis sa katiwalian sa bansa.
Isang bansang naghahangad ng pagbabago, isang Pangulo na nangako ng pagbabago, at mga kleptomaniac sa Gobyerno na gagawin ang lahat para walang magbago…ilang libong taon pa kaya aabutin ang labanang ito?
Gaano man kaliit, gawin natin ang ating magagawa bilang mga Pilipino para makalakad sa tuwid na daan.
Categories: Komiks
Masarap sanang mangarap ng tuwid ng daan.. kaya lang nagsusumigaw ang katotohanan na malayo pa tayo sa inaasam. 🙁
yun nga ang masakit na katotohanan…
ang galing ng drawing 🙂
salamat, ser 🙂
tuwid na daan pa rin! dangan at tuwid na nga ang tinatangka, kerami pa ring liko. e, pag hindi tuwid ang in-aspire, paano na ‘yon? 😉 hello, RP…
tinuran mo pa, ate 🙂 kung ganyan ngang may battle cry na eh heto na napapala natin, ano pa kaya kung wala…
great editorial. 🙂
maraming salamat po 🙂