Tag Archives: pamahalaang pilipinas

Ang Hirap Lumakad sa Tuwid na Daan

tuwid na daanPinagsisisihan na kaya ng Pangulong Aquino na “Tuwid na Daan” ang ginamit n’yang tema para sa kanyang administrasyon?

Habang maraming Pilipino sa loob at labas ng bansa ang hindi na makapaghintay sa maraming magandang pagbabago sa Pilipinas, marami pa rin sa mga taong may kapangyarihan para gawin ito ang hindi interesadong magbago.

Sa paggamit ng tag na “Tuwid na Daan”, lalo lang pinabigat ng administrasyon ang pressure na ide-deliver nito ang mga pangako nitong malawakang paglilinis sa katiwalian sa bansa.

Isang bansang naghahangad ng pagbabago, isang Pangulo na nangako ng pagbabago, at mga kleptomaniac sa Gobyerno na gagawin ang lahat para walang magbago…ilang libong taon pa kaya aabutin ang labanang ito?

Gaano man kaliit, gawin natin ang ating magagawa bilang mga Pilipino para makalakad sa tuwid na daan.

Advertisements

Mga Kagawaran at Kalihim ng Pamahalaang Pilipinas

January 2019 Update: Narito ang updated na listahan ng mga kasalukuyang Kalihim ng mga Kagawaran ng Pamahalaan ng Pilipinas.

=============================================================

Narito ang kasalukuyang mga kagawaran at kalihim ng ating Pamahalaan pati na iba pang mga detalye tungkol sa kanila. Para sa mga gabinete ng Pangulo, pumunta dito: Mga Gabinete ng Pangulo

1. Department of Agrarian Reform (DAR)
Kagawaran ng Repormang Pansakahan (KRP)
Current Secretary: John R. Castriciones
Established: September 1, 1971
Link: dar.gov.ph

Tungkulin:

  • Ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
  • Magsagawa ng pagpapaunlad sa lupa sa loob ng takdang panahon
  • Magsagawa ng mga programang naaayon sa nasasakupan ng kagawaran at maghanap ng mga makikinabang sa mga programang ito
  • Ipatupad ang hustisya sa mga kaso na pang agraryo

2. Department of Agriculture (DA)
Kagawaran ng Pagsasaka (KPS)
Current Secretary: Emmanuel “Manny” Piñol
Established: June 23, 1898
Link: da.gov.ph ; Dept. of Agriculture (FB Page)

Tungkulin:

  • Siguraduhing may sapat na panustos na pagkain at mga pangangailangan mula sa sektor ng agrikultura at pangingisda
  • Palaguin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng mga patakaran, pampublikong pamumuhunan, at mga serbisyong kinakailangan para sa lokal at pandaigdigang kalakalan
  • Palaguin ang produksiyon mula sa agrikultura, mabigyan ng paraan upang magkaroon ng kita ang mga magsasaka at mangingisda
  • Maengganyo ang iba pang sektor ng lipunan sa pagpapalago ng agrikultura
  • Magpalaganap ng mga sistemang pang agrikultura na pinapahalagahan ang hustisya, kasaganaan at pangmatagalang paghawak sa likas yamang pang-agrikultura.

3. Department of Budget and Management (DBM)
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala (KPP)
Current Secretary: Benjamin E. Diokno
Established: April 25, 1936
Link: dbm.gov.ph

Tungkulin:

  • Manguna sa pamamahala ng pampublikong paggasta para masiguro ang pantay, nararapat, malinaw at maayos na pananagot sa paglalaan at paggamit ng pondo ng publiko para sa ikaaangat ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino
  • Gumawa ng istratehiya na naaayon sa planong pang-ekonomiya ng gobyerno
  • Gawin ang plano ng paggasta na nakasaad ang programa
  • Gawin ang taunang plano ng paglalaan sa mga gastusin
  • Gawin at isakatuparan ang pambansang sistema ng pananagutan sa pondo at pagpapahalaga ng pamumuhunan
  • Pamahalaan ang pagbayad sa gobyerno
  • Bantayan ang mga operasyong pinansyal ng mga lokal na pamahalaan at mga kumpanya na hawak ng gobyerno

4. Department of Education (DepEd)
Kagawaran ng Edukasyon (KEd)
Current Secretary: Leonor M. Briones
Established: January 21, 1901
Link: deped.gov.ph

Tungkulin:

  • Bumubuo, nagpapatupad at nag-uugnay ng mga plano, programa at proyekto sa aspeto ng pormal at di-pormal na edukasyon
  • Mangasiwa sa elementarya at sekundaryong institusyon ng edukasyon kabilang na ang mga pribado at pampublikong eskuwelahan at iba pang alternatibong sistema ng edukasyon
  • Sustentuhan ang kumpleto at magkakaugnay na sistema ng edukasyon na naaayon sa adhikain ng pambansang pag-unlad

5. Department of Energy (DOE)
Kagawaran ng Enerhiya (KEn)
Current Secretary: Alfonso G. Cusi
Established: December 9, 1992
Link: doe.gov.ph

Tungkulin:

  • Maghanda, mamahala at pag-ugnayin ang mga plano, programa at gawain ng gobyerno na may kinalaman sa paghahanap, pagpapaunlad, paggamit, pamamahagi at pagtitipid ng enerhiya

6. Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan (KKLK)
Current Secretary: Roy A. Cimatu
Established: January 1, 1917
Link: denr.gov.ph

Tungkulin:

  • Siguraduhing may nakalaang likas-yaman na magagamit, napapalitan at mapagkukunan
  • Pasaganahin ang likas yaman para sa pangangailangan ng publiko ng mga yamang gubat, mineral at lupa
  • Palakihin ang ambag ng likas-yaman sa pagkamit ng pag-unlad ng lipunan at ekonomiya
  • Siguraduhin ang pantay na pagkakaroon ng likas-yaman para sa iba’t-ibang sektor ng lipunan
  • Panatilihing ligtas ang natatanging likas-yaman na kumakatawan sa pambansang kultura at bilang pamana sa susunod na henerasyon

7. Department of Finance (DOF)
Kagawaran ng Pananalapi (KNPN)
Current Secretary: Carlos “Sonny” G. Dominguez III
Established: March 17, 1897
Link: dof.gov.ph

Tungkulin:

  • Bumuo ng mga plano sumasaklaw sa pangangalap ng mapapagkunan ng yaman ng gobyerno maging ito ay pribado o publiko, lokal o sa labas ng bansa
  • Bumuo ng mga patakaran at mangasiwa sa pagbubuwis
  • Pangalagaan at mangasiwa sa pera ng gobyerno
  • Mangasiwa sa utang ng gobyerno sa loob at labas ng bansa
  • Pag-aralan, makipag-ugnayan at magmungkahi sa mga institusyong pinansyal ng gobyerno

8. Department of Foreign Affairs (DFA)
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (KUP)
Current Secretary: Teodoro L. Locsin, Jr.
Established: June 23, 1898
Link1: dfa.gov.ph

Tungkulin:

  • Itatag ang interes ng Pilipino at gobyerno sa mundo
  • Ipatupad ang mga polisiyang pang-banyaga
  • Isulong ang maayos na relasyon sa iba’t-ibang bansa, rehiyon at organisasyon ng mga bansa
  • Paunlarin ang kooperasyong pang-rehiyon at pandaigdigan sa kapakanan ng katahimikan, kaunlaran at katatagan
  • Pangalagaan at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa

9. Department of Health (DOH)
Kagawaran ng Kalusugan (KNKL)
Current Secretary: Dr. Francisco Duque III
Established: September 29, 1898
Link: doh.gov.ph

Tungkulin:

  • Siguraduhin ang pagkakaroon ng pantay at de-kalidad na kalusugan para sa lahat ng Pilipino
  • Gumawa ng mga plano at alituntunin sa kalusugan
  • Pangasiwaan ang lahat ng mga serbisyo at produktong pangkalusugan
  • Magbigay ng tulong sa mga manggagawang pangkalusugan

10. Department of the Interior and Local Government (DILG)
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (KIPL)
Current Secretary: Eduardo M. Año
Established: March 22, 1897
Link: dilg.gov.ph

Tungkulin:

  • Tumulong sa Pangulo na mangasiwa sa lokal na pamahalaan
  • Magtalaga ng mga patakaran sa pangangasiwa ng batas at kaayusan
  • Pangasiwaan, bantayan at palakasin ang lokal na pamahalaan at komunidad
  • Bumuo ng mga plano at programang nakatuon sa mga sakunang natural o gawang-tao
  • Magtalaga ng sistema ng pakikipagtulungan sa pagitan ng tao, lokal na pamahalaan at departamento sa epektibong pagbigay ng saligang serbisyo sa publiko
  • Magbigay sanay sa PNP, BJMP at BFP
  • Pababain ang krimen
  • Pag-ibayuhin ang pangangasiwa sa mga kulungan at proteksyon sa mga sunog

11. Department of Justice (DOJ)
Kagawaran ng Katarungan (KNKT)
Current Secretary: Menardo I. Guevarra
Established: September 26, 1898
Link: doj.gov.ph

Tungkulin:

  • Mangasiwa sa sistema ng hustisya para sa mga krimen kabilang na ang pag-iimbestiga, pagpapataw ng parusa at pagpapatawad
  • Legal na tagapagtanggol at tagapayo ng gobyerno
  • Mangasiwa sa mga batas ukol sa pagiging mamamayan o banyaga
  • Pangalagaan ang pandaigdigang kooperasyon kabilang na ang legal na interes ng ibang bansa sa loob ng bansa
  • Pakikipagtalakayan sa mga kasunduang pangkalakalan at mga hanganan ng bansa sa karagatan
  • Pagbigay ng libreng tulong-legal sa mga mahihirap at nangangailangan
  • Gampanan ang iba pang tungkulin ng DOJ ayon sa batas at iba pang executive orders

12. Department of Labor and Employment (DOLE)
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (KNPE)
Current Secretary: Silvestre “Bebot” Bello III
Established: December 8, 1933
Link: dole.gov.ph

Tungkulin:

  • Bumuo ng mga patakaran, mangasiwa sa mga programa at manilbihan bilang tagapag-ugnay ng pamahalaan sa larangan ng paggawa at empleyo
  • Mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong makapagtrabaho
  • Pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa
  • Pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga industriya

13. Department of National Defense (DND)
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (KTP)
Current Secretary: Delfin N. Lorenzana
Established: December 21, 1935
Link: dnd.gov.ph

Tungkulin:

  • Magtanggol laban sa panloob at panlabas na banta sa pambansang kaligtasan
  • Pangalagaan ang kapakanan ng mga sundalo at mga beteranong sundalo
  • Suportahan ang kaunlarang panlipunan at pang ekonomiya
  • Panindigan ang kapangyarihan at teritoryo ng Pilipinas

14. Department of Public Works and Highways (DPWH)
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (KPBL)
Current Secretary: Mark A. Villar
Established: January 30, 1987
Link: dpwh.gov.ph

Tungkulin:

  • Magplano ng mga pampublikong imprastraktura
  • Magdisenyo, bumuo at pangalagaan ang mga pambansang kalsada, tulay at mga sistemang pang-baha
  • Siguraduhing ligtas, mahusay at mataas ang kalidad ng mga pampublikong imprastruktura

15. Department of Science and Technology (DOST)
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (KNAT)
Current Secretary: Fortunato T. dela Peña
Established: January 30, 1987
Link: dost.gov.ph

Tungkulin:

  • Bumuo ng malawakang plano pang-agham at teknolohiya
  • Paunlarin ang pananaliksik sa agham at teknolohiya lalo na sa ikauunlad o kapakinabangan ng bansa
  • Paunlarin ang lokal na teknolohiya at iangkop ang teknolohiya mula sa labas ng bansa at gamitin ito hanggang sa antas na pang komersiyo at pakikipag-ugnayan ng pribado at pampublikong sektor
  • Gawing kapaki-pakinabang ang resulta ng mga pananaliksik sa mga nangangailangan nito
  • Gawing accessible ang impormasyon mula sa agham at teknolohiya sa mga pribado at pampublikong sektor
  • Gumawa at mangasiwa ng mga programa para sa pagpapalakas ng kakayahan ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbuo ng mga imprastruktura
  • Pag-ibayuhin ang kamalayan ng publiko sa agham at teknolohiya

16. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (KKPP)
Current Secretary: Rolando Bautista
Established: November 1, 1939
Link: dswd.gov.ph

Tungkulin:

  • Pababain ang antas ng kahirapan
  • Mamahagi at mag-ugnay ng mga serbisyong panlipunan
  • Proteksiyunan ang mga dukha, nangangailangan at may kapansanan

17. Department of Tourism (DOT)
Kagawaran ng Turismo (KNT)
Current Secretary: Bernadette Romulo-Puyat
Established: May 11, 1973
Link: tourism.gov.ph

Tungkulin:

  • Mangasiwa sa lahat ng programa ng kalakalan na may kinalaman sa turismo
  • Pangunahan at suportahan ang pag-unlad ng kalakalan at mga programang humihikayat sa mga turista na bumisita sa bansa

18. Department of Trade and Industry (DTI)
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (KKI)
Current Secretary: Ramon M. Lopez
Established: June 23, 1898
Link: dti.gov.ph

Tungkulin:

  • Siguraduhin ang kakayanan ng bansa sa pandaigdigang paligsahan sa larangan ng industriya at mga serbisyo
  • Pag-ibayuhin ang mga negosyo, pagiging produktibo, kahusayan at kapakanan ng mga mamimili
  • Makalikha ng maraming trabaho
  • Pataasin ang kamalayan ng mga mamimili sa kanilang mga karapatan at katungkulan
  • Palaguin ang pagluwas ng kalakal, pamumuhunan, MSME (malilit hangang sa di-kalakihang mga negosyo)

19. Department of Transportation (DOTr)
Kagawaran ng Transportasyon (KNT)
Current Secretary: Arthur Tugade
Established: January 23, 1979
Link: dotr.gov.ph

Tungkulin:

  • Mangasiwa sa mga plano, programa, makipag-ugnayan at isakatuparan ang mga sistema ng transportasyon
  • Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang serbisyo ng transportasyon

20. Department of Information and Communications Technology (DICT)
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon (KTIK)
Current Secretary: Eliseo M. Rio, Jr. (Acting Secretary)
Established: May 23, 2016
Link: dict.gov.ph

Tungkulin:

  • Mangasiwa sa mga plano, polisiya at pagpapabuti ng public access sa impormasyon at sistema ng komunikasyon
  • Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang serbisyo ng komunikasyon

References: