Asteroid, Bumagsak sa NAIA Terminal 1

Nakapunta ka na ba sa Terminal 1 ng NAIA? International airport natin ito na nasa Maynila.

Ito ang unang-unang mabubungaran ng mga turistang dayuhan na naniniwalang maganda ang Pilipinas.

Pero sa kasamaang palad, ang airport na ito ay hindi maalis-alis sa ranking ng mga worst airports in the whole wide Earth dito sa ating Milky Way Galaxy.

naia worst airport

Nakakahiya. Kahiya-hiya talaga na “It’s More Fun in the Philippines” tayo ng “It’s More Fun in the Philippines” pero etong nanlilimahid na airport ang isasalubong natin sa mga bisita natin.

Nakakahiya man, hindi yata ito madalas gamitin ng mga pinuno natin sa Pamahalaan kaya hindi sila masyadong affected sa bagay na ito eh. O baka kapalan muks na lang talaga.

Alumpihit kasi lagi ang Pamahalaan na bigyan ng total make-over ang airport natin gaya nung total makeover na ginawa ni Miley Cyrus sa kanyang sarili. Pero para sa ating airport, syempre in a nice and karespe-respeto way.

Hind po, hindi po ako hater ni Miley Cyrus.
Going back to our topic…

Sa tingin ko, ang pinakamabilis na paraan para ma-renovate ang NAIA Terminal 1 ay pag tinamaan ito ng isang asteroid. Yung tamang laki lang ng asteroid na hindi gugunawin ang buong Pilipinas o buong Maynila.

Yung tamang laki lang na lilikha ng sapat na damage sa airport para hindi na ito magamit pa ulit magpakailanman kapag hindi inayos.

Kaya simulan na po natin ipagdasal na tamaan ng asteroid ang NAIA 1 pero without casualties of course. At hopefully, gumising tayo isang umaga na may balita na gaya nung nasa baba.

***********************************************************************************

Asteroid, Bumagsak sa NAIA Terminal 1!
 
MANILA – Isang bulalakaw o asteroid ang bumagsak at sumira sa runway at ilang bahagi ng gusali ng NAIA Terminal 1 kaninang madaling araw. Walang inulat na namatay sa nangyaring insidente subalit ilang mga crew ang napabalitang tinamaan ng mga tumilamsik na bato at alikabok mula sa pagbagsak ng bulalakaw.
 
Dahil sa pangyayaring ito, lahat ng mga flight paalis at parating ng NAIA Terminal 1 ang nakansela at na-reschedule papunta sa NAIA Terminal 2 at 3 pati na rin sa Clark at Subic Airport.
 
Imbes na mainis, maraming sa mga paalis na pasahero ang nagbunyi sa pangyayari. “At last! Nawasak na rin ang airport na ito!”, tuwang-tuwang sigaw ng isang OFW na paalis papuntang Saudi.
 
“Dininig ng langit ang aking panalangin!” sabi naman ng isang balikbayan na papuntang Amerika.
 
Isang dayuhan naman ang nagsabi na, “This is the greatest thing I have witnessed in this country!”.
 
Sasagutin ng mga Airlines at ng NAIA ang rescheduling ng mga pasahero at paglilipat sa kanila sa ibang airport.
 
Kinumpirma ni Manila International Authority GM Jose Honrado na hindi na maaaring magamit pang muli ang Terminal 1 kaya’t imbes na ipaayos ito ay gagamitin na lang ang pera para i-expand ang NAIA Terminal 2 at Terminal 3 pati na rin ang mga iba pang airport sa mga kalapit na lalawigan.
 
Ipinapanukala naman ng DOTC na taniman ng maraming puno ang dating lugar ng Terminal 1 upang langhapin ang polusyon ng Maynila.
 
-RP
 

Related Articles:

Advertisements


Categories: Pantasya Balita

Tags: , , , ,

10 replies

  1. Natawa ko. lol. Pano kung bomba na lang kaya. lol..

  2. ang pangit talaga ng NAIA I ! Sobrang nahihiya ako parang bus terminal lang.. and it’s the first sight pa naman na nakikita ng mga turista! not good for our tourism

  3. hello, RP… hahaha, ang dami kong tawa rito. parang ang hopeless na ng dating, hakhak. pero, ang galing ng plot mo, ikaw na… 😉

    anyway, ang inyong lingkod ay isa sa nagulantang, nawindang at nawasak nang minsang muling masaksihan ang NAIA Terminal 1, 2011 yata. di me makapaniwala, ganoon ang itsura nito, pramis. ang tagal na kasi ng huling punta ko sa Terminal 1… at noong oras na iyon ay nasabi sa sarili, it deserves the tag – worst airport in the world, hahaha. that bad, kapatid…

    anu-ano ba ang nakita ko, namin? sobrang sikip, ang dumi at ang linoleum sa second floor, going to joliibee, nanggigitata. mahihiya ang linoleum sa squatters area, di nga… i mean, mas maganda talaga ang sa huli, pramis. alam mo, mas ayos pa ang itsura ng Farmer’s, noong nasa luklok ng notoriety nito, hoho. anyway, renovated na ang Farmer’s at yon nga, maski no’ng masang-masa ambience do’n, never na masu-surpass ang itsura ng NAIA 1, hohoho.

    anyway, ang good news, may plan na at gagawin na talaga ang NAIA 1 ng gobyerno in partnership with a group of well-respected architects and engineers. several months back pa nai-announce. mukhang tuloy na. nagkasundo na sila sa blueprint so, ongoing na yata… kaya, talon tayo and cross our fingers that it proceeds na tuluy-tuloy, haha. 😉 cheers!

  4. So many people trying to score money from Filipinos coming home. They force the hapless passengers to hand over their luggages to em r a fee, even if they don’t need help. It makes the area look so ghetto.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: