Pork Barrel, Ilalaan sa Pagsugpo ng Krimen

Manila, Philippines – Limang Senador at dalawampung Kongresista na magtatapos ang term sa 2016 ang nagpahayag na ilalaan ang tatlong taong (3 years!) halaga ng kani-kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “Pork Barrel” upang labanan ang lumalalang karahasan at krimen sa bansa.

Bawat Senador ay mayroong 200 milyong piso na PDAF samantalang 70 milyong piso naman ang nakalaan para sa bawat Kongresista taun-taon. Ang halagang ilalaan ng mga nabanggit na mambabatas upang labanan ang krimen ay aabot sa 7.2 bilyong piso bukod pa sa budget na ilalaan ng Pamahalaan.

Ilan sa mga paggagamitan ng budget ay:

1. pagpapatayo ng malalaking kulungan sa mga isla ng Babuyan Islands
2. paglalagay ng maraming CCTV camera sa lahat ng pampublikong lugar
3. pagdagdag ng allowance at incentives para sa mga pulis
4. pagbuo ng Philippine Undercover Specialist Agents (P.U.S.A.)

Bago magtapos ang termino, nangako ang ilang mga mambabatas na makikipagtulungan ang Kongreso at Senado sa PNP at AFP upang makabuo ng isang grupo na tutugis at huhuli sa mga kriminal ng bansa.

Ang bagong grupo na ito ay bubuuin ng mga piling indibidwal na dadalhin sa ibang bansa upang bigyan ng training sa iba’t ibang larangan ng martial arts, paggamit ng mga sandata, pagmamaneho ng iba’t ibang uri ng sasakyan, survival skills, page-espiya at pagluluto ng iba’t ibang putahe gaya ng lumpia at embutido.

p.u.s.a

concept uniform para sa p.u.s.a.

Ayon sa ilang sources, ang mga piling indibidwal na ito ay itatago mula sa publiko at media. Sabi pa ng isang PNP staff na ayaw magpakilala dahil wala siyang awtoridad para magsalita sa bagay na ito (pero gusto pa ring magsalita), ang mga pipiliing miyembro ng P.U.S.A. ay mayroong IQ na hindi bababa sa 130 at nakakapagsasalita ng iba’t ibang lenggwahe at iba’t ibang dayalekto ng Pilipinas.

Layunin ng bagong grupo na tahimik at mabilis na dalhin sa hustisya ang lahat ng kriminal na elemento at salot ng lipunan maliit man o malaki. Mula sa mga gun for hire killers hanggang sa malalaking sindikato ng droga, robbery, carnapping, prostitusyon, smuggling at iba pang mga nagsasagawa ng illegal activities sa bansa.

Sinabi ng mga mambabatas na nakahanda silang i-depensa ang planong ito sa Commission on Human Rights at sa Korte Suprema.

********************************************************************************

Ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Pantasya Balita

Tags: , ,

6 replies

  1. Nabalitaan ko rin na bubuo sila ng isa pang lupon laban sa krimen: Defense Against Gangsters Agency (D.A.G.A.)

  2. Ideal sir! Lalo na yung P. U. S. A.! Pwede bang mag-apply na intelligence nila? 🙂

  3. ang ganda ng uniform… sana, matuloy, whehehe. alam agad na magkakaroon ng human rights violations, hanggaling… 😉

  4. Awww ! That would have been a great thing if it was true.

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: