Mga Bagay na Dapat Asahan sa Pagiging OFW (Part 2/3)

Narito ang ilan pang mga bagay na dapat paghandaan o asahan sa pagiging OFW.

3. Culture Shock

Dahil ibang bansa ang iyong pupuntahan, huwag mong asahang ang lahat ng paraan ng pamumuhay na ginagawa mo sa Pilipinas ay uubra sa bansang iyong pupuntahan.

Maraming Pilipino ang nagkaka-conflict sa mga ibang lahi sa ibang bansa dahil akala nila pwede pa rin silang: magpatugtog ng malakas ng kanilang radyo sa gabi, magtapon, tumawid o dumura kahit saan, magkamay habang kumakain, magprito ng tuyo, maligo araw-araw, etc.

Maraming pwedeng gawin sa Pilipinas ang hindi pwedeng gawin sa ibang bansa. Una, dahil iba ang nakagisnan nating kultura at ikalawa, dahil dayuhan tayo sa kanilang bansa.

4. Diskriminasyon

Sa kabila ng ingay sa pagtuligsa sa diskriminasyon sa edad, kasarian at/o lahi ng isang indibidwal, buhay na buhay pa rin ang diskriminasyon saan ka man magpunta.

Malayong malayo pa rin ang dapat tahakin ng Pilipinas sa pagpapaganda ng imahe nito sa buong mundo. Masyado lang talagang malakas ang epekto sa ating bansa ng mga tiwaling government officials at mga tiwaling kababayang Pilipino.

Bagamat sikat at kilala sa buong mundo sina Manny Pacquiao, Leah Salonga at Efren Bata Reyes eh meron pa ring mga pre-conception ang mga taga-ibang bansa sa pangkalahatang Pilipino. Sa kasamaang palad, marami pa sa mga iyon ay hindi mabuti. Hindi rin sila masisisi, tayo rin kasi mismo ang nagbibigay sa kanila ng dahilan para magkaroon sila ng ganitong pananaw.

Kakailanganin mong patunayan ang iyong sarili sa mga banyagang makakahalubilo mo. ‘Yan naman ang maganda sa respeto, matatanggap natin ito sa tamang pagsisikap at sa tamang panahon.

Tandaan mong lahat tayong mga Pilipino ay automatic na nagiging ambassador ng ating bansa kapag tayo ay nag-abroad. Hinuhusgahan ng mga banyaga ang ating bansa at mga mamamayan base sa kanilang nakikita sa atin.

homesickness vs foreign currency

minsan, kelangan talagang mamili sa dalawa…

5. Pag-iisa at Pangungulila

Malungkot maging OFW lalo na kung ang iyong pamilya ay nasa Pilipinas at ikaw lang ang nasa ibang bansa. Depende pala iyan sa iyong relasyon sa iyong pamilya kung maganda o…hindi masyadong maganda.

Ipagpalagay na lang natin na maganda ang relasyon mo sa iyong pamilya.

Mabuti sana kung maisasama mo ang iyong pamilya (asawa’t anak o mga magulang at kapatid) sa kung saang bansa ka man naroroon. Pero depende sa buwanang kinikita ng OFW, marami pa rin ang napipilitang mapahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay ng mahabang panahon para masuportahan ang mga importanteng pangangailangan ng mga maiiwan sa Pilipinas. (Gaya ng bagong celphone, damit, sapatos at appliances.)

Kahit na may mga barkada ka pa sa bansang iyong kinaroroonan, iba pa rin kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. Iwi-wish mo lagi na sana natitikman nila ang kakaibang pagkain na natikman mo o makita rin nila ang mga magagandang tanawin na napasyalan mo.

Kahit na hindi man lang sasagi sa isip nila na nage-exist ka pala habang namamasyal sila sa Vigan, Bohol o Davao.

6. Conflict sa mga Mahal sa Buhay

Napakalungkot na bagay kung ang dahilan ng iyong pagiging OFW ay para makapag-provide sa iyong pamilya para lang malaman na magiging malayo ang loob nila sa iyo dahil sa pagiging OFW mo. Malungkot pero talamak na nangyayari ito sa totoong buhay.

May mga pamilyang nawawasak dahil sa paglayo ng OFW sa kanyang pamilya. Minsan kasi ay nate-take for granted ng mga naiwang pamilya sa Pilipinas ang kapamilyang OFW.

Nagiging automatic na lang ang pagtanggap ng remittance at nakakalimutang may tao pala sa likod ng remittance na ito. Nagiging dahilan ito ng pagputol ng komunikasyon sa magkabilang panig.

Problema din ang infidelity. Hindi na mabilang ang kuwento ng mga mag-asawang naghiwalay gawa ng extra marital affairs sa side ng OFW o ng asawa sa Pilipinas.

Isa ring problema ang paglayo ng loob ng anak sa sariling magulang na nasa ibang bansa gawa ng mahabang panahon ng pagkakahiwalay.

Kaya nga ang pagiging OFW ay isang commitment na kailangan ng kooperasyon ng buong pamilya at hindi ng mismong OFW lang.

Itutuloy…

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , ,

5 replies

  1. hahah. hirap bumuo ng term paper ugnay sa mga ating kapatid na mga ofw huhuhuh

  2. Habang tatagal imbes na masanay, nangangati na talaga ang paa na umuwi. Makakaramdam n ng pagkabagot at medyo tumataas n din ang stress level. Kailangan yata umuwi ng makapag-recharge.

    Daming nasirang pamilya dahil din sa pag-a-abroad. Daming npalapit o piniling lumapit sa tukso 😦 walang kaalam alam ang mga iniwan, iba na pala ang mga mahal na lumayo…

    Bakit ba anag akala ng iba ‘pag nasa ibang bansa eh mayaman na?! Kung alam lang nila…

  3. Ahoy! Ahoy! Iba talaga mamuhay sa ibang bansa, naku narito nga kaming pamilya, pero parang malungkot pa rin. Pano pa kung mag-isa ka lang edi tripleng lungkot pa yun. Iba pa rin talaga.. Pero pag tumagal tagal na (mga 5 years) masasanay ka din naman. Hahahaha! 5 yrs pa!

    • mas madali ka lang makapag-aadjust kung kasama mo pamilya mo d’yan. okay na nga siguro yung 5 years. pero kung malayo sa mga mahal sa buhay, kahit lagpas pa ng 10 years, nakaka-homesick pa rin…ewan lang pag umabot na ng 20 years hehe

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: