Konstitusyon ng Bansa, Aamyendahan

Angeles City, Pampanga – Isusulong ng Kongreso ngayong taon ang pag-amyenda sa 1987 Constitution na siyang kasalukuyang umiiral sa bansa.

Ito ay kinumpirma mismo ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. nang siya ay inambush interview ng ilang mga reporter nang mamataan siyang nagkakape sa Starbucks sa Marquee Mall, Angeles City.

feliciano belmonte jr

(inquirer.net photo)

Ayon sa panayam, pagkatapos ng malaking panalo ng mga kaalyado ng Pamahalaan sa nakalipas na halalan, may kumpiyansa ang Pangulo na mababawasan na ang mga hadlang sa pagsulong ng mga bagong batas na aayos sa burokrasya ng bansa na dahilan ng malawakang katiwalian sa hanay ng mga nasa gobyerno.

Isa sa mga panukala para sa gagawing pag-amyenda ng konstitusyon ay ang pagrepaso sa kasalukuyang mga sangay ng Pamahalaan.

Narito ang mga panukalang pagbabago na nais isulong ng Pangulo:

1. Lansagin ang Sangguniang Kabataan at Baranggay System
2. Tanggalin ang Partylist System
3. Pag-isahin ang Kongreso at Senado
4. Tanggalin ang Office of the Vice President
5. Alisin ang Korte Suprema

(Ang detalye sa mga pagbabagong ito ay matatagpuan sa Official Gazette website.)

Sa bagong ayos na ito ng Pamahalaan, inaasahan ng Pangulo na mapapabilis ang pagpapatupad ng mga panukalang batas na tumutugon sa mga pangangailangan ng bansa. Gayundin, naniniwala ang Pamahalaan na napakalaking halaga ng salapi ang matitipid sa pagbabawas ng mga sangay na ito ng Pamahalaan.

Ayon kay Belmonte, naniniwala ang Malacañang na ito ang pagbabagong kailangan ng bansa upang tunay na maramdaman ng mga mamamayan ang umuunlad na ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon pa sa House Speaker, marami sa Kongreso ang sumusuporta sa panukalang ito ng Pangulo at naniniwala siyang aani din ito ng suporta sa Senado.

Nang tanungin kung ano ang gagawin ng Kongreso sakaling kuwestiyonin ito ng Korte Suprema, sinabi ng House Speaker na, “Sasabihin ko sa kanila na maghanap-hanap na sila ng ibang trabaho”.

**************************************************************

Sa kasamaang palad, ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements


Categories: Pantasya Balita

Tags: , , ,

16 replies

  1. pwedeng news/showbiz report itong mga post mo na ganito.. ehehehehe.. winner!

  2. sasabihin ko pa lang na impossible!! buti na lang sa ibaba nakasulat ang katotohanan.. pero ang sabi sabi na aamyendahan ang Konstitusyon ay napapanahon..

    pero gustong gusto ko ang mga panukala mo.. ikaw na iboboto ko sa susunod na eleksyon!

    • hello, ate binky. kakandidato ako pero gusto ko ipangako ng maraming bloggers na igagawa ako ng maraming hate meme tapos babatikusin nila ako kaliwa’t kanan, non-stop sa social media para hikayatin ang mga taong wag ako iboto. mga 6 months tuluy-tuloy na ganun bago yung botohan. tapos hindi ako sasali sa kahit na anong mga debates. gagawa ako ng kung anu-anong dahilan.

      yun ang gagawin ko para siguradong manalo kung kakandidato ako hehe…

  3. Hmmmp! Kainis ka! You’re a teaser! 😛

  4. It’s always dangerous to amend the Constitution.

  5. Hahahaha. Na shock ako! Nag ober analyse! Tipong, “Huh? Panu na yung system ng check and balance?
    Panu yung mga justices? Balik Marcos Era?” ……..Buti nalang! Hehehehe. Pero pwede sakin yung alisin o di kaya ay ayusin ang party list system. Ang gulo e.

    • tama, importante nga ang korte suprema kung pro-people yung mga desisyon nila. minsan kasi parang power tripping yung nangyayari. kung maka-TRO sila, sa mga batas, walang habas…

      tapos yung mga sindikato naman, nakakakuha ng proteksyon sa court of appeals…

      kaya minsan, parang ang sarap i-abolish eh 😀

      • Hmmmmm. What do you mean po by pro-peole? Kung populist ba ang desisyon ganun po ba?

        Nakakapanlumo po talaga minsan yung kabagalan na (forgive the term) mauulol ka nalang kakahintay sa batas na yan. Nakakalungkot.

        • pasensya na sa makupad kong reply, zezil. ang ibig kong sabihin sa pro-people eh yung pabor sa interes ng nakakaraming mamamayan. halimbawa kasi, yung pag-lift ng SC sa freeze order ng mga asset ng mga Ligot, eh di hindi na mababawi ng pamahalaan yun kung nakaw man yun.

          pati yung patuloy na pagpayag ng SC na makapag-labas masok ng bansa si dating first gentleman. hindi ba nagdududa yung SC kung bakit panay japan at hongkong ang paboritong puntahan para mag-“bakasyon” ng mga arroyo dati pa?

          hindi ako expert sa konstitusyon pero ang impression ko dun eh para proteksyunan ang interes ng bansa at ng nakararaming mamamayan, pero parang sa ilang desisyon ng SC, napapaburan yung iilang tao lang. halimbawa din yung pag-TRO ng SC sa iimbestigahan sanang oil smugglers kamakailan lang.

          • Okay lang po!

            Wala po kasi akong personal na kakilala sa SC kaya di ako makakuha ng opinyon kung bakit ganun nga kabagal.

            May tinanong kasi akong abugado dati, sabi ko, bat sobrang bagal po? Sabi naman nya, di ganoon kasimple magpataw ng parusa sa isang tao dahil kung papatawan mo man siya, dapat 100 percent. Walang puwang sa pagkakamali. Kaya minsan, kahit na kumbinsido na ang media na si ganito o si ganyan ang pumatay, hindi mapataw patawan ng parusa kasi wala o kulang ang ebidensya. Yun ang sabi nya sakin.

            Sa huli, umaayon naman po ako sa inyo. Minsan gusto mo nalang tumambling na bakit. obyus na o! Ayan na o! Sya ang nagkasala. pero bakit nagpapatumpik tumpik? Bakit ang tagal tagal? Diba Justice delayed is justice denied?

            Mahirap parin sagutin. May column dati si Ms. Winnie Monsod (not sure with the spelling). Sabi niya, hindi proportional ang number ng cases sa lawyers at judges. Nakaka-clog ang mga ito dahil nga sa overloading. Tapos, kung tutumbukin mo pa daw, e bakit kunti lang ang mga abugado e andami dami naman nila? Papasok naman ngayon ang pasweldo ng gobyerno. O di kaya ay ang pababa ng pababa na passing rate naman ng mga kumuha ng bar exam. Ayun. Kumplikado ser.

            Gayumpaman, dapat di parin tayo mapagod sa pagiging mapagmatyag at sa pag-usig. 🙂

            Na carried away ako. haha. Sorry po ang haba!

  6. ayos, taking a trip to the fantasy land, ahihi. pero, like ko… 🙂 ikaw na…

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: