At ang Nanalo sa 2013 Elections ay…

Ang taumbayan.

Congrats, Pilipinas. How I wish na nakapag-participate din ako sa nakalipas na eleksyon.

Bagamat hindi palaboto, maraming OFW ang tutok na tutok sa mga kaganapan sa Pilipinas lalo na nga ‘pag eleksyon. Dahil kahit gaano kami kalayo sa Pilipinas, apektado pa rin kami at ang mga mahal namin sa buhay sa klase ng pamunuang meron tayo.

Sa nakalipas na eleksyon, muli, pinatunayan ng mga Pilipino na:

1. marami pa ang mga sumusunod sa batas
2. marami pa ang may respeto sa konstitusyon
3. marami pa ang may malasakit sa bansa

Yung gumising ka ng maaga, matyagang pumila at maghintay makaboto ng ilang oras ay isang napakalaking patotoo na marami pa ring Pilipino ang mga responsableng mamamayan at nagpapahalaga sa karapatang bumoto.

Madalas ko lang makita ang mga ganitong matyagang pumipila kapag may concert, may celebrity na gustong makita o merong namimigay ng goodies. Pero dito, walang ganun. Pure sakripisyo lang talaga para sa pag-asang mabago ng boto nila ang kalagayan ng bansa. Nakakabilib.

2013 election precinct

2013 elections, ang daming gustong bumoto (gmanetwork.com)

Isang napakagandang balita rin na nabawasan ang pwersa ng mga Political Dynasty sa ilang mga probinsya gaya ng Siquijor, Cebu, Zamboanga at Camarines Sur.

Wuhooo! More! More!

Pero isa pang panalo para sa akin ay ang COMELEC.

Marami ang naiinis at hindi impressed sa ilan (o marami?) sa mga desisyon na ginawa ng Comelec nitong nakalipas na halalan. Pero para sa akin, bilib ako sa performance ng Comelec lalo na sa chairman nitong si Sixto Brillantes.

“Comelec versus the Entire Philippines” at “Against All Odds” ang peg ng Comelec nitong halalan.

Andame sana nitong gusto ipatupad na electoral reforms pero nasupalpal. Mga rules sana para magkaroon ng kaayusan at fairness sa pangangampanya ng mga kumakandidato.

1. Automated Elections

Marami daw dayaan na mangyayari. Wala daw kuryente. Failure of Elections daw. Postpone the elections na lang daw. Manu-mano na lang daw ulit. Kamayin na lang ang bilangan, mas efficient daw ‘yun at siguradong accurate ang result.

Buti na lang hindi inatras at hindi pinigilan ang automated elections. Mas lalong malaking gulo kaya ‘yun.

2. Disqualification ng Nuisance Party Lists

Na mabilis namang inangalan ng mga representative ng mga Party List na ito.
Nagsumbong sila sa Mataas na Korte at binasbasan naman ng status quo ante order ng Korte Suprema.

3. Pagbabawas ng Airing Time ng Campaign Ads sa Media

Nagreklamo ang mga tv stations at mga kandidato kaya pinigilan ng Korte Suprema ang desisyong ito ng Comelec dahil boring daw ang primetime tv kapag walang mga nakaka-iritang campaign ads na makikita ang mga mamamayang Pilipino.

4. Pre-mature Campaigning at Campaign Posters sa mga Designated Area

Syempre hindi rin ito sinunod ng mga pasaway na pulitiko kasi bawas sa exposure sa kanila.

5. Gun Ban

Mabilis na nagsipag-file ng exemption ang mga kandidato eh sila nga ang binabawalang magdala ng firearms.

6. Liquor Ban Extension

Pinigilan din ng Korte Suprema dahil malungkot daw ang buhay kapag walang alak for 5 consecutive days kaya 2 days lang daw dapat.

7. Money Ban

Pinigilan ulit ng Korte Suprema kasi kawawa daw yung mga mayayamang araw-araw nagwi-withdraw ng limpak limpak na salapi mula sa kanilang mga bank accounts.

Congratulations sa Comelec sa pagkakaroon ng political will at ng metaphorical “balls” para magpatupad sana ng mga pagbabago sa ating eleksyon. Unfortunately, marami pa rin ang ayaw talaga ng pagbabago. Try na lang po next time.

Nakakabuhay ng loob na meron pa palang mga ahensya ng ating Pamahalaan na talagang siniseryoso ang kanilang tungkulin at responsibilidad.

Pero maraming marami pa ring improvement ang dapat ipatupad na electoral reform ng Comelec sa loob at labas ng bansa.

2010 elections

2010 elections, parang deja vu? (cnn.com)

Sana lang kapag boboto na ako at ang iba pang mga bagong botante eh maayos na nila ang mga ito:

1. yung pag-malfunction ng mga PCOS machines at delay sa pag-transmit ng mga data nito

2. yung sistema ng pagboto (mahahabang pila, nawawalang pangalan, etc.) sa mga presinto para hindi kawawa yung mga taong nagsasakripisyo para makaboto

3. yung sistema ng pagpapa-rehistro at pagboto para sa mga OFW

Ang dami-daming OFW ang hindi nakakaboto dahil masyadong malalayo yung mga lugar para magpa-rehistro. Mahirap humikayat ng mga OFW para bumoto kung magta-travel pa ng malayo (parang Manila to Cebu!) para magparehistro at bumoto.

Comelec, may 3 years pa kayong paghahanda para sa 2016 elections. Unti-untiin n’yo na po.
Ihanda n’yo na rin po yung pangangatwiran n’yo sa Korte Suprema.

Sa mga ayaw na bumoto, mas maraming delikadong posisyon ang nakataya sa 2016.
Bumoto na po tayo.

Related Articles:

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , ,

6 replies

  1. mas naging interesado ako dun sa liquor ban extension.. buti na nga lang pinaiksi nila.. pero wala rin namang nagawa sa amin ‘yun.. kinahapunan nung election day, tomotoma na kami.. hehehe

    2016, malamang boboto na ako.. kumbinsido na ako na kailangan talaga magka-isa ang lahat para sa inaasam na pagbabago sa pamamahala ng bansa.. malay natin..

    • wow, talaga, jh? sana nga bumoto ka na rin. pati yung ibang mga kababayan nating wala ng gana bumoto.

      mas delikado ang lagay ng pilipinas pag nabawasan ang boto ng mga mas qualified na kandidato…

  2. mas magiging panalo ang taumbayan kapag ginawa ng mga nanalong kandidato ang mga trabaho nila. ayos na siguro yung kahit di magaling kesa nakaupo lang sila at nagaantay lang ng pondo galing sa pera ng mga mamamayan.

  3. hello, RP… gusto ko ang tone ng post mo, ahaha. 🙂 btw, natuwa me noong election day, nakita ko sa voting precinct ang mga kapitbahay na matagal-tagal ko na ring di nakikita, hihi. tapos, may sinusundan akong lola, di na sya masyadong nakakasalita (pero mukhang 65-70 lang), sinamahan sya at inalalayan sa pagboto ng dalawang anak na babae (parang nakaka-touch sila panoorin lalo pa’t nasa air pa ang Mother’s Day, ahaha). tapos, pagkaboto, paglabas ng precinct, may kung ano sa atmosphere na parang pyesta, parang masasaya at may camaraderie ang mga tao. observation ko lang naman… naaliw ako. hullow sa iyo 🙂

    • hello, ate san. ang ganda naman ng eksenang naispatan mo. nakaka-touch nga. pero sana talaga mabawasan ang kalbaryo ng mga bumuboto tuwing eleksyon gaya n’yang mga may edad na.

      pero ang galeng talaga, kanda-hirap man eh boto pa rin. di ko alam kung marami pang bansa ang ganyan din magpahalaga sa pagboto gaya ng mga pilipino 😀

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: