Sikretong Bill Laban sa Political Dynasty, Isinabatas ng Pangulo

Isang sikretong bill, ang Anti-Political Dynasty Bill of 2013, na magwawakas sa Political Dynasty sa bansa ang lihim na ipinasa sa una at ikalawang pagbasa ng Kongreso at Senado nuong Huwebes, Mayo 9, 2013.

Ito ang inihayag ng Malacañang kaninang umaga nang bigla itong magpatawag ng press conference.

edwin_lacierda

inquirer.net photo

Ang nasabing bill ay nilagdaan ng Pangulo, upang pormal itong maisabatas, nuong Biyernes ng gabi, Mayo 10, habang nagpapahinga sa likod ng Amoranto Stadium kung saan ikinampanya niya sa huling pagkakataon ang Team Pnoy.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda, “We have finally approved a groundbreaking law that will end the reign of Political Dynasties once and for all in our country.” (Sa wakas ay naaprubahan na natin ang isang makabasag lupang batas na tatapos sa paghahari ng Political Dynasty sa ating bansa.)

Saklaw ng bagong batas ang mga mananalo sa eleksyon ngayong Mayo 2013. Ayon sa isang probisyon ng batas:

SEC. 3. Provisions.

(d) A winning candidate for any government office, local or national, who has a relative up to the 3rd degree of consanguinity or such relatives effected by power of law, who is currently holding an office whether of local or national level, shall be automatically disqualified from holding the office elected for. Provided, that the relative, by consanguinity or by power of law, will not abandon the currently held position to give way for the newly elected official.

Ang mabilis na pagsasabatas ng sikretong bill ay isinagawa umano habang natutulog at absent ang maraming mambabatas sa Kongreso at Senado nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon sa iba pang sources, sinamantala umano ng mga incumbent na mambabatas ang kaabalahan ng mga kapwa nito mambabatas sa pangangampanya para sa mid-term elections upang mabilis na maipasa ang sikretong bill.

Sa tanong kung paano ito makakalusot sa Supreme Court, ipinaliwanag ni Lacierda na pinalitan na ng malalambot na upuan, mas malamig na aircon at mas magaling magluto na chef ang Korte Suprema.

Titiyakin daw nito na mabilis aantukin ang mga Justices sa deliberasyon ng bagong batas at dahilan para ayunan nila ito at nang makauwi na sila agad para matulog.

Maliit na halaga lang daw ang ginastos sa mga adjustments sa Korte Suprema kumpara sa kaunlarang mararamdaman ng mga mamamayan kapag nawala na ang mga Political Dynasty sa bansa, dagdag pa ng Malacañang.

***********************************************************************
Sa kasamaang palad, ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements


Categories: Pantasya Balita

Tags: , , , , ,

9 replies

  1. SAYANG! napa fist raise pa naman ako bigla kong nabasa yung huli.. tsk..

  2. natuwa ako when the title appeared on my Reader pero napawi agad when i read the first paragraph. The dates gave it away. Walang session ang Congress ng May 9 & 10 😦

    hoping magkatotoo ito 😉

  3. ahaha, ganoon nga sana kadali… 🙂 hala pa, sabi sa iyo si De Venecia mismo, parating may anti- Dynasty Bill na ini-sponsor at kahit sya pa ang speaker ng House (basta elected sya for the term), di nya mailusot-lusot, haha. di niya maisakay sa so-called De Venecia express, kainaman na… 😉 🙂

  4. natuwa na sana ako kaso kathang isip lang pala. sayang!

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: