Pantasya Balita

Si Dr. Paul Joseph Goebbels, isang malapit na taga-sunod ni Adolf Hitler, daw ang nagsabi ng mga katagang, “If you repeat a lie often enough, it becomes the truth.”

Sa maraming pagkakataon ay nakikita nating gawain ito ng mga may isinusulong na propaganda o bagong impormasyon. Mind-conditioning kumbaga.

Pwede rin kayang gawin ‘yun para sa pagpapabuti lalo ng kalagayan ng ating bansang Pilipinas? Sana ‘no?

Gumawa po ng bagong category ang site na ito na pinamagatang “Pantasya Balita”. Ito ay koleksyon ng mga kathang-isip na magagandang balita tungkol sa ating bansa at lahi na matagal na nating gustong marinig.

Sa kasamaang palad, baka hindi na maabutan ng marami sa atin ang araw na magiging totoo ang mga magagandang balitang ito. Pero malay natin, baka kahit ilusyon lang ang mga magagandang balita na ito ngayon eh maging katotohanan din kapag inulit ng inulit hehe.

Inspired ito ng mga influential blogsites gaya ng So What’s News at BV Patrol.

Nabanggit na lang din ang bagong kategorya, isa pang bagong kategorya na may pamagat na “Pilipinas Ranking” ang idinagdag sa site na ito. Koleksyon ito ng kasalukuyang ranking ng Pilipinas sa iba’t ibang larangan kumpara sa iba’t-ibang bansa.

Maraming salamat sa patuloy na pagbisita sa site na ito. Kung mahilig kayong mag-facebook, meron din tayong facebook page na pwede n’yo i-like at nang makatanggap kayo ng mga dagdag na pag-aaksayahan ng oras, joke. Hindi ko sasabihin na nasa kanang bahagi ng site na ito ang link ng FB page.

Okay, ’til next post po.

Advertisements


Categories: Pantasya Balita

Tags: , ,

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: