Para sa mga Ayaw na Bumoto

Sa mga tinatamad bumoto tuwing taon ng halalan.

Sa mga ayaw nang bumoto. Sa mga sawa na bumoto. Sa mga hindi na boboto kahit kelan.

Please reconsider.ย At least hanggang 2016 man lang.

Marami tayong dahilan kung bakit ayaw na nating bumoto. Ako man ay wala nang gana bumoto dati. Isa sa mga dahilan natin ay ang hindi natin nakikitang pagbabago sa klase ng pagpapatakbo sa bansa natin (na hindi na rin masama for starters).

Bakit pa tayo boboto kung wala namang nangyayaring pagbabago? Bakit pa tayo boboto kung puro kabulastugan lang ang ginagawa ng mga kumakandidato? Bakit pa tayo boboto kung dadayain lang naman ang boto ko? Bakit pa ako boboto kung hindi rin naman mananalo yung iboboto ko?

‘Yang mga dahilan na ‘yan kung bakit ayaw nating bumoto ang siya ring mga dahilan kung bakit tayo dapat bumoto.

Wala akong nakuhang data kung ilan ang mga Pilipinong nasa voting age ang hindi bumuboto. Pero sa tingin ko eh marami. Maraming marami. Baka by the millions pa.

Mas marami pa akong kilalang hindi boboto kesa sa mga alam kong boboto.

Dinggin, I mean, basahin po ninyo ang aking argumeto sa kung bakit mahalaga pa rin ang boto natin.

Bakit gagastos ng 100 to 5000 pesos kada boto sa vote buying ang mga kandidato? Bakit sila namimigay ng pameryenda at tip sa mga naga-attend ng miting de avance? Bakit sila magsasasayaw at magkakakanta sa entablado ng walang kapararakan para lang mang-uto ng mga tao?

Dahil bumibilang pa rin siguro talaga ang ating mga boto. Dahil mas madali pa rin siguro para sa kanila na engganyuhin ang mga tao na iboto sila kesa manipulahin ang resulta pagkatapos makaboto ng mga tao.

Kung magde-decide tayo na hindi boboto hangga’t hindi nila inaayos ang Pilipinas, baka hindi na tayo makaboto kahit kelan…hangga-hangga habambuhay.

Para na rin natin sinabing hindi tayo gagawa ng mabuting bagay hangga’t hindi tayo nagiging banal at mabait. Hindi po iyon mangyayari kahit kelan.

I-konsidera po natin ang dalawang extreme examples na ito:

LAHAT NG TAO AY HINDI BOBOTO SA PANINIWALANG WALA RIN NAMANG PAGBABAGO…

…versus…

…LAHAT NG TAO AY BOBOTO REGARDLESS KUNG ANO ANG RESULTA

Alam na natin ang mga posibleng implikasyon ng bawat isa sa mga pamamaraang ito. ‘Yung isa, zero chances of change, yung isa, kahit paano may tsansa.

Sa ating bansa, ang nakapangyayari ay ang boto ng mga taong tinatawag nating BOBOTANTE, masang WALANG ALAM, mga taong HINDI NAG-IISIP at mga UTU-UTO.

Pero tawagin man natin sila ng kung anu-ano at murahin man natin sila ng murahin, sila pa rin ang mga nagpaparehistro. Sila pa rin ang mga matyagang bumuboto tuwing halalan.

Ang boto ng mga taong ito na kung tawagin natin ay BOBO, MANGMANG, WALANG ISIP at UTU-UTO ang siyang nabibilang. Sila ang namimili kung sino ang magpapatakbo sa Pamahalaan natin. Sila ang nagdedesisyon sa kinabukasan ng bansa natin. Sila ang nagiging identity ng ating pagiging Pilipino.

Tayong MATATALINO, tayong mga NAG-IISIP, tayong mga MAY MALASAKIT sa bayan, tayong mga NAKAKA-ALAM kung sino ang dapat at hindi dapat na mamuno sa atin, TAYO ANG HINDI BUMUBOTO!

Tayo ang nagtataka kung bakit bobo mamili ang mga Pilipino. Tayo ang unang-unang nagpupunta sa social media para murahin ng murahin ang mga siraulong botante at tuligsain ang mga mamamatay tao at magnanakaw na gumagahasa sa ating bansa ng maraming taon!

Tayo ang matatalino, tayo ang may malasakit, tayo ang mga nakaka-alam. Kung ganun, tama lang na tayo din ay dapat bumoto. Tama lang na mabilang din ang boto natin.

Aminin man natin o hindi, marami pa ring improvement ang kailangan ng bansa natin. At sa mga kaedad ko at mas matanda pa sa akin, baka lisanin natin ang daigdig na ito na hindi na nakikita ang pinapangarap nating Pilipinas. Nakaka-depress pero posible.

Tapos mag-iiwan pa tayo ng kultura sa mga susunod na henerasyon na huwag bumoto sa paniniwalang wala rin namang magbabago.

Isang destructive legacy ito na maiiwan natin sa mga kabataan.

Kung paanong naimpluwensiyahan tayo ng sinundang henerasyon, iimpluwensyahan din natin ang mga susunod na henerasyon.

May magagawa tayong mabuti para sa bansa natin kahit hindi tayo magkaroon ng posisyon sa Gobyerno. Pero mas malawak pa rin ang kabutihang magagawa kung mailuklok natin sa kapangyarihan iyong sa tingin natin ay karapat-dapat sa puwesto.

Hindi ako makakaboto ngayong 2013. Pero kung loloobin ng Poong Maykapal na mabuhay pa ako sa 2016, sisiguraduhin kong makapagparehistro at bumoto.

Sa mga ayaw na bumoto, please reconsider.

Malamang madismaya na naman tayo sa resulta ng eleksyon ngayong 2013 kaya bawi tayo sa 2016. For what it’s worth, bumoto na po tayo.

Related Articles:

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

6 replies

  1. Hello po good day, ano po ang mangyayari kapag hindi po ako bumoto or permanently hindi na po talaga buboto po? Please help po thanks ๐Ÿ™‚ and have a nice day din po sainyo.

  2. iboboto kita RP.. ikaw na lang tumakbo.. ehehehehe

    • wahahaha! patay tayo d’yan…alam ko na, magtatatag ako ng bloggers partylist. ‘di ba marginalized na grupo ang mga pilipinong blogger? tama! libreng latest mac, pc, smartphone, tablet at internet connection sa lahat ng bloggers hahahaha!

      after 6 months, ini-impeach na ako ๐Ÿ˜€

      nga pala, congrats, na-meet mo si alodia sa personal. ‘di ako makapunta sa ihawan sa shinjuku eh sobrang layo.

  3. Mangiyak-ngiyak ako ngayon eh..sana naman..please reconsider ๐Ÿ™‚

  4. hello… daan lang po, gusto ko yata ang theme nireng site ngayon, eye-friendly… pa-cheeseburger ka naman, hehe. boboto po ako, sir, maski di ko po feel ang line up ng candidates, ahaha. ๐Ÿ˜‰ salamat sa pagdaan sa may amin…

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: