Mabilis maluma ang mga uso ngayon. Parang kelan lang eh sikat ang harlem shaking pero ngayon eh itong gwiyomi naman ang unti-unting kumakalat.
Sa kasamaang palad, ang gwiyomi ay bagay lamang sa mga magagandang nilalang. Hindi ito para sa lahat.
Isang bagong kumakalat na pauso ngayon ang masasabi kong matipid, madali, masaya at pang-masa. Ito ay ang Hadoukening.
Nagsimula ito nun lang March ngayong taon nang magpost ng picture ang mga kabataang hapon ng picture nila online.
Hindi ko na siguro kelangan ipaliwanag kung ano ang Hadouken, ano? Sayang lang ang oras at pagod ko kung ipapaliwanag ko pa na si Ryu at Ken ng video game na Street Fighter ang original na nagpauso nito.
Nakita ng ilang Amerkano ang picture ng mga haponesang ito at bumenta naman. Ngayon nga ay nagkalat na ang hadoukening pictures at meme online.
Nagkaroon na rin ng ibang version ito gaya ng “vadering”.
Huwag magpahuli sa bagong uso na ‘to dahil 2 to 3 months from now eh maluluma din ‘to.
Mas marami pang hadoukening at vadering pics dito:
Categories: Halu-halo
may ganyang pics ako 2 years ago pa… tagal ng hinitay ko bago mauso. 🙂
oo nga ‘no? hayskul pa lang din yata ako eh may mga picture ng ganito eh…
walang shoryukening o kaya spinning birdening hahaha
sama-sama na yata yung mga yun dito sa hadoukening eh pati na rin tiger uppercutting at berserker barraging…ay, x-men vs capcom pala yun hehe
Hindi ko pa ito nababalitaan? Hehehe =) Kung ano-ano talaga ang nauuso ngayon e.
oo nga eh, next time sana yung mamulot naman ng kalat sa kalsada ang mauso hehe
Huh? I wonder what that is…. never seen that on TV here in the US.
the trend has just started less than a month ago so it may still take some time before major tv’s take notice…
Reblogged this on Ewan ko! and commented:
Ngaton ko lang nakita ‘to… Astig.
salamat sa reblog at follow, julius 🙂
You’re welcome! 🙂
Cool!
gusto ko nga rin gumawa ng hadouken pic eh
Mas astig siguro kung kamehame waaaaaaaaave! ^_^
actually parang kamehameha na nga rin ‘to eh hehe